Chapter Thirty Six

299 32 0
                                    

Astronomy

Harper's POV

What would've happened if I left the academy all by myself without my friends coming after me? Will I arrived here in this kingdom? I don't have any idea what's about to come for me as I set foot out of the academy. As this journey continue, I realized how Zaronaria became more and more dangerous now that  we've confirmed that the existence of the enemies continues to spread throughout the land.

Wala tayong alam kung anong pakay nila, anong plano nila, at nasaan sila. Walang katotohanan na makakapagsabi saatin kung anong plano nila.

Maraming bagay na kailangang itago gaya nang propesiya, ika-limang elemento ng mahika, at ang puso ng Zaronaria. If these things were found, will it cause danger or freedom of the truth?

Iyun ang iniisip ko. If I choose to find all of them, will it serve me worth? Natatakot akong baka lumalala ang sitwasyon kung siyang may makahanap man sa mga sekretong tinatago.

"WHAT?!" Eunna stood up and slammed the table.

"Anong hindi na kayo sasama?" Takang tanong ni Kate. Napalingon ako sakanila Zyron at Elyka.

Mamayang gabi na ang pag alis namin patungo sa kaharian ng Andromeda. Lahat kami'y nasa library upang pag usapan ang hindi pagsama ng dalawa. Pati ako ay nagtataka din bakit hindi nila magawang sumama gayong importante ang paglalakbay na ito.

"Wala akong sinabing hindi kami sasama." Mahinahong sambit ni Elyka.

"You've misunderstood us." Aniya Zyron.

"Anong misunderstood? Iyun din lang naman ang pinapahiwatig niyo," sabi ni Oliver. Napabuntong hininga ako.

"Bakit hindi kayo sasama? Malapit na tayo tapos ngayon pa kayo mag baback out," aniya Iverson.

Ang tahimik na library ay napalitan ng ingay mula sa mga kaibigan.

"Shouldn't we let them explain first?" Napalingon kaming lahat kay Timothy na nakaupo sa kabisera. Inunahan niya ako sa sasabihin ko, tsk.

"Oo nga naman. Let them explain first kasi," sambit ni Alex bago umupo.

"Wala akong sinabing hindi na kami sasama. Sabi ko SUSUNOD KAMI KAPAG NAKARATING NA KAYO SA KAHARIAN NG ANDROMEDA!" Pataas ng pataas ang boses ni Elyka.

"Eh bakit hindi mo agad sinabi?" Agad dumapo ang palad ko sa nou matapos marinig ang tanong ni Alex.

Ilang oras ang nilaan namin sa loub ng library at pinagusapan ang mga gagawin pagkadating sa Kaharian ng Andromeda. Kate suggested that we should stay at her home for a few moment dahil kailangan pa namin hanapin ang salamangkerong may kakayahang tumawid patungong River of Veracity. Kailangan sumakay ng isang bangka patungo sa kinaroroonan ng River of Veracity at ang salamangkero na tinutukoy ni Kate ang siyang tanging nag mamayari ng bangka.

Mahihirapan kaming hanapin ang salamangkero kaya kailangan namin madaliin dahil bilang nalamang ang araw na naiiwan saamin. Mas lalong bumibilis ang daloy ng oras kaya kailangan naming madaliin ang paghabol dito. Ngunit sabi'y nakatira lamang daw ito sa loub ng kaharian ngunit walang may alam kung saang banda ito nananatiling nagtatago.

Handa na din lahat ng kagamitan namin para sa pag alis mamayang gabi. Napag desisyonan naming lahat na umalis na nang kaharian ng hating gabi dahil walang masyadong makakakuha ng atensyon namin.

As of Elyka and Zyron. May iilan pa silang aasikasuhin at hindi nila kayang paghintayin kami kaya gusto nilang magpaiwan muna sandali at ayusin ang iilang pinsala na nangyari Sakanila.

Ibinaba ko ang takip sa ulo ko at pinakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Wala akong nakikitang buwan ngayon ngunit kahit madilim ang kalangitan ay nababalot pa din ito ng mga bituin.

Oxzoria Academy: The Heart of Zaronaria Where stories live. Discover now