Chapter 29 Striptease

21.7K 403 2
                                    

Andrei

                “Stop staring!”ani Lia. Niyakap nito ang magkabilang tuhod para gawing proteksyon sa mga mata niyang naglalakbay ng tingin sa katawan nito.

                “Stop what?”patay-malisya niyang tanong. Pilit niyang sinusupil ang isang ngiti na kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga labi. Mukhang asar na asar ito sa kanya. Nakakatuwang isipin na nag-i- striptease siya sa harap nito ngunit sa halip na maakit ay matinding galit ang nakabalatay sa maganda nitong mukha. Kumunot ang noo nito na waring nag-iisip na accurate word para ilarawan ang ginagawa niya. Sinamantala niya iyon para ilaglag sa sahig ang suot niyang damit. Gaya ng gusto niyang mangyari ay nakuha noon ang buong atensyon ni Lia at kilabut na kilabot ang mukha nito.

                “Now,”humihingal ito sa galit. “get out!”gigil nitong sabi. Nakaturo ang hintuturo nito sa nakapinid na pinto.

                “Calm down Lia.”pang-aasar niya pa dito. Ayaw ba nitong sinasayawan niya ito?

                “Paano ako magka-calm down kung may lalaking nag-“putol nito sa sariling pangungusap.

                “Nag-aano?”pilyo niyang tanong. He is teasing her. Sana lang ay effective ito. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito dahil sa tinuran niya.

                “Layas!”gigil nitong utos para pagtakpan ang pagkapahiya.

                “Dito ako matutulog.”giit niya.

                “At sinong may sabi?”gagad nito sa mataas na tono pero pigil pa rin ang sariling sumigaw.

                “Ako.”walang bahid na iritasyon niyang tugon. “At alam mo naman na ayokong may damit kapag natutulog.”paalala niya dito na ikinalaki nito ng mga mata. Priceless ang itsura nito. Gustung-gusto na niyang tumawa.

                “Hoy lalaki, dun sa kabila ang silid mo!”pagtataray nito.

                Sinimulan niyang i-unbutton ang suot na pantaloon. Ibinaba niya rin ang zipper. Natigil ng tunog ng zipper ang pagsasalita ni Lia. Nakita niyang tumingin ito sa pinagmulan ng tunog bago pulang-pula ang mukhang ibinalik ang tingin sa kanya. “Fine. You can have this room.”nagmamadaling sabi nito. Nagkukundamahog ito sa pag-ahon sa kama. Patakbo itong lumapit sa pinto pero maagap niyang naiharang ang katawan doon. Para namang napapasong inalis ni Lia ang kamay sa seradura.

                “Where do you think you’re going?”tanong niya dito.

                “Sa kabila. Kay Andrew ako tatabi. Kung nahihirapan ka doon matulog, ako na lang doon.”mabilis nitong apuhap ng dahilan.

                “Hindi kita pinaaalis dito.”

                “Ako na ang nagkukusa.”

                Umatras ito ng ilapit niya dito ang walang pang-itaas niyang upper body. “Stay here. Gusto kitang makasama buong gabi.”

                “Ako ayoko!”singhal nito.

                “Hindi kita pipilitin.”pabalewalang sabi niya.

                “Good.”sang-ayon nito. Tumangu-tango pa ito. Akma itong muling tatalikod sa kanya pero hinila niya ito pabalik sa kama at sapilitang pinaupo doon.

                “Sisigaw ako.”pananakot nito.

                “Sige lang nang magising si Andrew.”ngumisi siya pagkatapos sabihin iyon. Ipinababatid niya ang konsekwensyang kasasangkutan nila. Una, ay magtataka ang bata, pangalawa, pwede siyang siraan ni Lia sa anak na alam niyang hindi nito magagawa at pangatlo ay iisipin ni Andrew na may namumuo silang relasyon. Ang alas niya ay alam ni Andrew na kikilos siya para magkabalikan sila ni Lia samantalang si Lia ay hindi alam na may ganoon silang usapan na mag-ama. Well, hindi naman totally alam ni Andrew ang mga actions niya pero hindi na ito magugulat kung makitang nasa iisang silid sila ng mommy nito. At sa tingin niya mas mamatamisin ni Lia na manahimik kasya ang maeskandalo.

Bakit ba hindi niya naisip na gawin ito noon? Ang i-hostage si Lia sa sarili nitong paniniwala.

“Hindi ito nakakatuwa Andrei. Stop this game.”utos nito. Bumalik ang palaban nitong karakter.

“Hey sweetheart, huwag ka ng magmatigas.”sabi niya. Tuluyan niyang hinubad ang pantalon habang pinapanood siya ni Lia na gawin iyon. Inihagis niya iyon sa may gilid niya. Kitang-kita niya ang paglunok ni Lia. Ang pagiging tense ng balikat nito at biglang pag-ilap ng mga mata. Akmang huhubarin niya na ang panghuling saplot ng umalma si Lia.

“Wait lang, huwag ka dito magshow!”

“Hindi ko naman ito huhubarin.”

Nakita niya ang pagdaan ng relief sa magandang mukha ni Lia dahil sa sinabi niya kaya napangisi siya. Alam niyang hawak niya na ito.

“If makikipagtulungan ka sa akin.”bigay niya ng kondisyon.

“Bakit ako papayag?”galit nitong tanong.

Umakma siyang ibaba ang itim na underwear ng biglang pigilan siya ni Lia.

“Wait lang, daanin natin ito sa diplomasya!”

“Okay.”pagpayag niya.

Nagpakawala ng malalim na buntunghinga si Lia. Binatauhan siya nito ng unan para ipantakip niya sa halos hubad na katawan.

“Umalis ka na lang Andrei. Iisipin ko na hindi ito nangyari.”panimula ni Lia. Seryoso ang mukha nito pero wala siyang balak na sundin ito.

“Hindi naman nakakatuwa iyan.”anagal niya. Ibinato niya ang unan sa may gilid ni Lia. Hindi ito natinag sa pagkakaupo. “Bakit hindi nalang ganito,”he paused para bigyan ng panahon si Lia na matakot sa sasabihin niya.  

                

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon