Chapter 23

24.1K 509 17
                                    

Andrei

            He was exhausted.

            Ilang araw na siyang walang tulog o matinong pahinga. Hindi madali ang pinagdaraanan niya. Bakit kailangang iparamdam sa kanya ni Lia na hindi siya nito kailangan? Mas malala pa iyon sa paulit-ulit na pagsaksak ng patalim sa puso niya.

            And why? Lahat ng sabihin niya ay binibigyan nito ng ibang kahulugan?

            Tulad na lang ng pagtatanong niya kay Leon kung kailan nito balak sampahan ng kaso si Chloe, Lia misunderstood that. Ipinakahulugan nitong ipinapatigil niya ang pagsasampa ng kaso.

            Alright, ramdam niyang galit sa kanya si Lia. Matagal na niyang na-realize na galit ito sa kanya pero hindi niya kayang i-give up ito. Kahit lahat ng nasa paligid niya ay nagsasabing TAMA NA, JUST LET HER GO. Even his parents sinabing mag-give up na siya kay Lia dahil wala na siyang puwang sa buhay ng kanyang dating asawa. Pero paano niya gagawin iyon kung ito parati ang laman ng kanyang isipin?

            Drat! Nasisiraan na talaga siya ng bait.  Wala na siyang ginawa this past few months kundi ang hanapin ito. Kumagat siya sa pain ni Leon ng sabihing nagpunta sa ibang bansa si Lia. Sumugod siya sa bansang posibleng pinuntahan nito pero hindi niya nakita ito doon so he decided na sa Pilipinas na lang maghanap. He was losing hopes na makita pa ito. At pakiwari niya ay unti-unti siyang nauupos sa kaisipang nawala na ito ng tuluyan sa kanya.

            And now, she was within his reach. Pero parang napakalayo pa rin nito. Ano ba ang dapat niyang gawin para maniwala ito that he’s still care for her? Wala naman silang masamang pinagsamahan in the past para magalit ito ng sobra sa kanya.

            Wala ba talaga itong naging feelings para sa kanya?

            Iyong tipong bumibilis din ang tibok ng puso nito sa tuwing magkakalapit sila. Na para bang sasabog ang puso?

            Alam niyang wala silang matibay na pundasyon kagaya ng pinagsamahan nito at ni Jaco. Ilang taon din kasing naging engaged ang mga ito bago siya umentra sa eksena. Pero wala ba talagang naramdaman para sa kanya si Lia? Kahit minsan ba ay itinuring siya nitong higit pa sa isang kaibigan lang?

            Itinapat niya ang mukha sa malamig na dutsa ng shower head, hoping na maiibsan noon ang sakit na pinagdaraanan niya.

Pagud na pagod ang pakiramdam niya. But somehow relief dahil natagpuan niya na si Lia. At ang anak nila. Wala ng mas mahalaga sa kanya kundi ang mga ito. Sumasaya siya at parang nare-renew ang lakas niya sa tuwing maiisip na “daddy” na siya. Konswelo ang araw-araw na paghaharap nila ng munti niyang anghel. Sa tuwing kakargahin niya ito ay pakiramdam niya ay buung-buo siya. How he wish na sana ay hindi pagtanggi ang hindi pagsagot ni Lia na dito sa bahay niya titira ang mga ito.

Muli siyang nalungkot ng maisip ulit ang dating asawa at ang paraan ng pakikitungo nito sa kanya.

Isinara niya ang shower. Hindi rin siya mapapakali kung mananatili siya sa bahay. Kailangan niyang bumalik sa ospital since natapos nang maayos ang pakikipag-usap niya kay Chloe.

Mabilis ang ginawa niyang pagbibihis. Tumuloy na siya sa labas ng gate kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Hindi niya na iyon ipinasok sa garahe dahil alam niyang babalik siya ulit sa ospital. Babalikan niya ang kanyang anak at si Lia.

Pinaharurot niya ang sasakyan. Takipsilim na siya ng makarating sa ospital. He was about to knock sa room ni Lia ng makarinig siya ng tawanan.

Tawa ni Lia. Kailan ba niya huling narinig ang pagtawa nito? Iyong alive at parang hindi napipilitan? Bigla ang pagkunot ng noo niya ng mapagsino ang may-ari ng tinig na kausap nito sa loob.

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Where stories live. Discover now