Chapter 6 Ex-Lover

33.3K 761 35
                                    

Andrei's POV

        Kanina pa siya nakasimangot. Kanina pa rin kasi pili ng pili si Lia ng sapatos sa isang kilalang stall ng designers shoes. Daig niya pa ang stalker nito at butler. Madami na siyang bitbit na pinamili nitong damit at personal belongings.

        Hindi masyadong shopaholic si Lia. Mga kailangan lang talaga ang binibili nito. Ang talagang inirereklamo niya ay ang tagal nito sa pagpili ng bibilhin.

        Kung hindi dahil sa inis niya kay Jaco, nuncang habulin niya si Lia at samahan itong mamili. Bakit ba kasi umeeksena ang lalaking iyon? Wala pa nga siyang ini-a-announce na hiwalay na sila ni Lia ay atat na atat na itong makipagkita sa asawa niya.

        Okey, ex-wife. 

        Nasaan ba ang delikadeza ng lalaking iyon? At si Lia naman ay parang gustung-gusto na i-entertain ang lalaki. Hindi niya tuloy alam kung kanino dapat mainis, kay Jaco ba o kay Lia?

        Nang mapansin niyang patungo na sa counter si Lia bitbit ang isang pares ng pulang sapatos ay dinaluhan niya ito at nakipag-unahan pang magbayad. Lahat ng pinamili ni Lia ngayon ay siya ang nagbayad. Wala lang, gusto lang niya.

        Masama na ang tingin ni Lia sa kanya ng lumabas sila ng stall. Parang nananaksak ang tinging ipinupukol nito sa kanya habang inilalagay niya sa backseat ng kotse nito ang mga paperbag.

        "Hindi mo ito dapat gawin, Andrei."sabi sa kanya ni Lia. 

        "I know, pero gusto ko ito."

        "Kung nagi-guilty ka or something. Sinabi ko na sa iyo na hindi dapat."frustrated na sabi nito. "May sarili akong pera. At may darating pang pera na mula sa iyo. Sarili ko lang ang pagkakagastusan ko kaya please Andrei..."

        Isang buntunghinga ang pinakawalan niya.

        "At sana ito na ang huli nating pagkikita."

        Marahas ang ginawa niyang pagsulyap dito. "Akala ko ba okey sa iyo ang term na pwede tayong magkita."paalala niya. "Magkaibigan tayo."giit niya pa.

        "Okey nga sana, but you are bugging me. Hindi ko magawa ang gusto ko Andrei."

        "At ano ang gusto mo?"naningkit ang mga mata niya. "Gusto mong makipagkita sa ex mo? Ex mo na nga iyon di ba?"pagdidiin niya.

        "It is also apply to you. Ex din kita!"paalala nito sa kanya. Para siyang sinampal sa sinabi nito pero hindi niya ipinahalatang naapektuhan siya.

        "Sige magkita kayo."pagbibigay niya ng pahintulot. "Pero katumbas ng kada sampung minuto ninyong pagkikita ay pakikipagkita mo sa akin at pagsama sa akin ng tatlong araw."bigay kondisyon niya.

        "You're ridiculous!"sigaw ni Lia.

       Nginisian niya ito.  Kahit ano pang sabihin ni Lia, hindi-hindi  siya makapapayag na makalapit dito basta-basta ang ex nito.

        

        

        

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin