Chapter 24

22.3K 491 1
                                    

Lia

            “Hindi mo ito pwedeng gawin sa akin Lia.”Andrei’s voice was pleading. Nakakadurog ng puso sa pandinig. Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso.

            Naisakay na sa kotse ang mga gamit naming mag-ina. Hindi ko alam na maabutan niya kami ni Andrew na paalis. Noong madis-charge kami ni Andrew sa ospital ay sa bahay ng parents ko ako tumuloy kahit nakiusap din noon si Andrei na muli kaming magsama. Gusto ko nang makalayo sa kanya dahil sa tuwing binibisita niya si Andrew ay nagigiba ang paninindigan ko na takasan siya at ilayo sa kanya ang anak namin. Iyon lang kasi ang paraan para makapagsimula akong muli.

            “Anak ko si Andrew!”he claimed.

            Nagimbal ako sa narinig bagaman alam kong darating ang araw na sasabihin niya iyon at ipipilit ang kanyang karapatan.

            “Anak mo nga siya pero ako ang kanyang ina!”I hissed at him. Gusto ko pang ipamukha sa kanya na ako ang mas may karapatan sa anak namin ngunit nagpigil ako dahil ang itsura niya ay nayanig ng husto sa sinabi ko.

            Binitawan niya ang braso ko upang sabunutan ang sariling buhok. Naaawa ako sa itsura niya pero kailangan kong tigasan ang aking kalooban.

            “Pinagtaguan mo na ako dati Lia at nahirapan akong mahanap ka. This time kung aalis ka please do not cut our communications,”sabi niya na parang maiiyak. “alang-alang kay Andrew.”sumusukong sabi niya.

            Naantig ang puso kong nagmamahal sa kanya. Ayoko rin namang iwan siya. Malayo sa kanya pero ano pa nga ba ang saysay kung araw-araw ko siyang makikita? Napasinghap ako ng bigla niya akong kabigin at yakapin ng mahigpit.

            Natatawa ako at nahahabag sa sarili ko dahil umaasa akong sa pamamagitan ng pagyakap niya sa akin ay ipinahahatid niyang mahal niya ako. Na hindi niya ako kayang mawala sa kanya. At sa tuwing nararamdaman ko ang ganito ay hindi ko maiwasang kapootan ang aking sarili. Isa akong hangal.

            “Nakikiusap ako sa iyo Lia.”basag ang tinig na sabi niya. Kumalas ako sa yakap niya bago pa ako maiyak at magbago ng desisyon.

            “Hindi ko maipapangako, Andrei.”matigas ang kaloobang sabi ko.

            “Why?”

            Umangat ang kilay ko sa tanong niya. “Why?”ulit ko sa tanong niya.

            “Why do you hate me so much?”diretsang tanong niya.

            Napatawa ako ng pagak sa sinabi niya. Hate him? Nagkakamali siya, mas galit ako sa sarili ko dahil minahal ko siya. Galit ako sa sarili ko dahil patuloy ko pa siyang minamahal at mamahalin pa rin.

            “Pinahihirapan mo lang ang pag-alis ko,”sabi ko. Nagflashback sa akin ang unang beses na umalis ako sa bahay niya. At naalala ko din na hindi siya pumayag na umalis ako ng wala siyang nakukuha mula sa akin.

            “Pwede kang hindi umalis Lia. Bumalik ka sa bahay natin.”pakiusap niya.

            Natin? Nanlilisik ang mga matang tumingin ako sa kanya pagkatapos ay bahaw akong tumawa. “Sa simula pa lang Andrei, walang tayo kaya huwag mo ng ipilit na magsama tayong muli. Nagkamali na tayo noon. Nagkamali tayo ng magpakasal dahil wala iyong mabuting naidulot.”litanya ko. Pakiwari ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang galit.

            “Si Andrew ang mabuting naidulot noon.”giit niya.

            Napipilan ako sa sinabi niya. Paano ko nakalimutan na si Andrew ang pinakamagandang pangyayari na naging bunga ng aming pagsasama? Anong klase akong ina?

            Ginanap niya ang nanlalamig kong palad. “Hindi ko na kayo pipigilang umalis ni Andrew pero susunod ako sa inyo Lia kahit saan pa kayo pumunta.”determinadong sabi niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa palad ko bago iyon dinala sa tapat ng kanyang bibig at dinampian ng magaan na halik.

            Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng luha sa aking mga mata. Bakit ba ginagawa niyang napakabigat ang pag-alis ko? Bakit ba ipinaparamdam niya sa akin na espesyal ako? Bakit ba kailangan pa niyang mangako pagkatapos sa bandang huli ay hindi niya naman tutuparin? Bakit kailangang paasahin niya pa ako?

            “I love you.”anas niya.

            Pumiksi ako sa pagkakahawak niya ng marinig ang mga katagang iyon. Nagngangalit ang bagang na sinampal ko siya ng ubod-lakas. “Don’t trick me with those words!”buong suklam na sabi ko. Kung noon niya pa iyon sinabi at ipinaramdam sa akin baka matuwa ako.

            “Lia,”he tries to hold me again pero mabilis akong umiwas.

            “Tama na Andrei.”malamig kong utos. “In few days, kakausapin ka ng Attorney ko about sa terms nang pagbisita mo at pagdalaw kay Andrew.”

            Tahimik siyang tumango. Alam kong sapat na ang sinabi ko dahil nakuha niya na ang gusto niyang mangyari. Nilampasan ko siya para buhatin si Andrew na nasa crib. Mahimbing na natutulog at walang kamalay-malay sa nagaganap sa kanyang paligid.

            “Pwede ko ba siyang hawakan at mayakap?”pakiusap niya.

            Maingat kong iniabot sa kanya ang anak naming at nadurog ang puso ko ng makita ko ang paglandas ng mga luha ni Andrei habang dinadampian ng halik ang anak namin.

        Parting time....sa tuwing iiwan niya si Andrei ay umiiyak ng husto ang puso niya.

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon