Chapter 34

18.8K 369 2
                                    

Andrei

Is he Dreaming?

Pero may nananaginip bang parang totoong totoo ang malambot na buhok na nahahaplos ng kamay niya.

Ang malalambot na labing hinahalikan niya.

Ang katawang nasa ilalim niya.

No.

Hindi siya basta lang nananaginip. Totoo ang nagaganap sa pagitan nila ni Lia.

At natatakot siyang magising kinabukasan na wala na ito sa tabi niya. Kutob niyang "goodbye" ang ibig sabihin ng pagpapaubaya sa kanya ni Lia.

Ngunit nagkakamali ito kung inaakala nitong papayag siyang muling iwan nito.

Madami pa siyang plano at kasama ang mag-ina niya.

*****

Lia

Mga Huni ng mga ibon sa labas ang gumising kay Lia. Malayang uminat ang mga kamay niya ngunit kasunod noon ay ang pangungunot ng kanyang noo. Iginala niya ang paningin sa loob ng silid ng ilang beses at hindi siya maaaring magkamali. Nasa loob na siya ng sariling silid gayong ang alam niya at pagkakatanda ay magkatabi silang natulog ni Andrei sa maliit na higaan ng pinagdalhan nitong cottage sa kanya.

Wala din siyang saplot ng natulog ngunit ngayon ay nakasuot na siya ng kulay pink na damit pantulog.

Naglalaro sa isip niya na binuhat siguro siya ni Andrei pabalik dito.

Inayos niya muna ang sarili. Nagpalit siya ng simpleng T-shirt at itim na pedal pusher. Tapos na ang kahibangan niya. Balik realidad na siya.

Naabutan niyang nagluluto sa kusina si Andrei. Nagpiprito ito ng hotdog at nagpapakulo ng tubig. Pakanta kanta pa ito at  mukhang masaya. Mukha pa rin itong papable kahit nakasuot ng apron.

"Morning Lia!"masiglang bati nito ng mapansin ang presensya niya. Pinamulahan siya ng mukha dahil sa nanunudyo nitong tinging ibinigay sa kanya. "So kumusta ang tulog natin?" Alam niya ang pinapatungkulan nito-ang nangyari sa kanila kagabi. Iningusan niya ito kaya humagalpak ito ng tawa.

"Sshhh,wag kang maingay. Baka magising si Andrew."saway niya dito. Dumaan siya sa kwarto ng mag-ama bago nagtungo dito sa kusina kaya alam niyang tulog pa ang anak nila. gusto niya talagang makausap ng sarilinan ang lalaking nasa harapan niya.

Tumigil naman ito sa pagtawa. Pinagtuunan nito ng pansin ang ginagawang pagluluto. Hinango nito ang mga hotdog at inilagay sa plato. Nang isalin nito sa thermos ang mainit na tubig galing sa takure ay saglit Lang siyang sinulyapan. Pero nang matapos sa ginagawa ay hinarap na siya.

"Iyong nangyari sa atin kagabi,"panimula niya. At gusto niyang tampalin ang sarili dahil parang may kusang button ang isip na na nagpeplayback ng mainit na mga imahe na pinagsaluhan nila. Parang hanggang ngayon nga ramdam niya ang init ng haplos nito sa kanyang balat. At palagay niya ay hindi nakabuti ang nangyari sa kanila dahil parang hinahanap-hanap niya ito gayong ang aim niya sana ay matigil na ang kabaliwan niya dito.

"Walang pumilit sa iyo Lia."nanlaki ang mga mata niya sa malamig na tinig ni Andrei. Napahila siya ng upuan para umupo dahil pakiramdam niya ay nanlambot ang mga tuhod niya. Nagkibit balikat pa ito. "It didn't matter kahit ulit-ulitin pa natin as long as gusto mo  iyon. Hindi na dapat pinapalaki pa."nanuyo ang lalamunan niya sa narinig. shock siya na itinuturing na balewala nito iyon gayong napakabig deal iyon sa kanya. She wanted him so bad kaya nga handa na siyang maging parte muli ng buhay nito kahit nalalapit na itong ikasal sa iba. Kahit mistress nito ay payag na siya pero paano niyang sasabihin dito kung wala itong interest patunay ang biglang pagbabago nito ng mood. As in pagbabago ng maganda nitong mood pasama.

"Excuse me,iche-check ko lang si Andrew."paalam ni Andrei. Umalis itong hindi timitingin sa kanya.

Daig niya pa ang sinampal sa magkabilang pisngi sa ginawang pag-iwan nito sa kanya.

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon