Chapter 31

19.7K 385 1
                                    

Andrei



Mas matigas ang PUSO ni Lia kaysa sa ulo nito. Iyon ang napatunayan ni Andrei. Sinimulan niyang duma-MOVES dito ngunit wa-epek. Parati nitong nire-reject ang advances niya sa pamamagitan ng pagpapatay malisya.


Naiinis na siya. Minsan gusto niya nang sumuko ngunit sa tuwing maiisip ang anak ay nagkakaroon ng boost ang kumpiyansa niya sa sarili na kaya niyang wasakin ang napakatayog na PRIDE nito.


"May mali kasi sa ginagawa mo."sabi ni Shane bago humagikgik. Panauhin nila sa beach house ang babae. Sa ilalim ng punong manga sila nagkukuwentuhan. At kahit hindi niya sinabi dito ang problema niya ay waring nahuhulaan iyon ng sinumang taong kaharap niya.


"Paanong mali? Nag-import na nga ako ng tulong."sabi niya na ang tinutukoy ay si Andrew maging ito ay kasama na sa kalokohan.


"Paalisin mo si Andrew, ung tipong kayo lang ni Lia para magkasolohan kayo."ani ni Shane na medyo may pagkaberde ang dating. Humagikhik uli ito na akala mo ay kinikiliti. Magsasalita sana siya ngunit nahila siya nito sa leeg at saka idinikit nang kaunti ang labi nito sa labi niya. Gulat siya sa ginawa nito at magrereklamo sana ngunit pinandilatan siya nito para manahimik.


Maya-maya lamang ay pinakawalan na siya nito. "Pinapanood tayo ni Lia, at binigyan ko lang siya ng magandang view." sabi nito sabay buntot ng nakakalokang tawa.


Lumingon siya para tingnan kung totoo ang sinasabi ni Shane at nakita niya ang nakatalikod na si Lia na mukhang nasaksihan ang fake na kissing scene nila ni Shane.


"Salamat ha."pakasarkastiko niyang sabi. "Malaking tulong itong ginawa mo. Tiyak na asar na naman sa akin si Lia."pagmamaktol niya.


"Hindi asar ang tawag doon, Selos. As in capital S-E-L-O-S, selos. Manhid ka rin minsan kaya hindi mo nararamdaman ang mga signal ni Lia sa iyo."

pangaral nito na may kasamang pagtirik ng mga mata.


Awang ang bibig na napatitig siya ditto, narerealize niya kasing may point ito kahit papaano. Bigla ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Kung totoo ang sinasabi ni Shane, tiyak na SELOS na SELOS si Lia. Bakit ba hindi niya naisip na may pagtingin talaga sa kanya si Lia at posibleng iyon pa rin ang nararamdaman nito sa kanya hanggang ngayon.

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Where stories live. Discover now