Chapter 35

21.1K 472 13
                                    

Lia

Hindi alam ni Lia kung saan siya nagkamali. After she gave herself to Andrei ay nabuo ang desisyong gusto niya talaga itong makasama kahit walang assurance na hindi ito magpapakasal sa iba pero sa halip na magkaayos sila ay kabaligtaran ang nangyari. Kung dati siya ang umiiwas kay Andrei ngayon ay iba na ang sitwasyon. Si Andrei na ang umiiwas sa kanya although he tried to be civil towards her kapag nasa paligid ang anak nila.

Nasasaktan siya syempre. Parang balewala dito ang naganap sa kanila gayong napakaimportante noon sa kanya.

Maybe what you need is to talk with him.

Iyon ang suhestyon ng utak niya. Tama naman. Kailangan talaga nilang mag-usap. Kahit nahihiyang siya ang unang mag-approach dito ay dapat niyang palakasin ang loob. It's now or never.

Itiniyempo niyang naglalaro si Andrew sa may labas ng bahay bakasyunan kasama ang ilang batang naging kaibigan nito na anak nang mag-asawang may-ari ng resort na malapit lang dito sa tinutuluyan nila. Batid niyang sabik na sabik si Andrew sa mga batang kalaro kaya pinayagan niya na after all isang linggo na lamang silang mamamalagi dito sa Pilipinas. Tiwala din siyang nasa mabuting kamay ang anak at hindi mapapahamak dahil may kasamang dalawang nanny at lifeguard ang mga ito.

Nakailang katok siya sa silid nila Andrei bago niya narinig ang tinig nito na nagpapatuloy sa kanya. Pagbukas pa lang ng pinto ay nakita niyang nasa kama si Andrei at abala sa pag-iimpake sa maletang nasa ibabaw ng kama.

"We are leaving in one week."umpisa niya ng usapan.

"Alam ko."walang ganang sagot ni Andrei na hindi man lamang siya sinulyapan.

"Mukhang mas excited ka pa sa amin ni Andrew na umalis." Easy Lia. Nandito ka para makipag-usap nang masinsinan pero bakit inaaway mo siya? Take a deep breath wag mainit agad ang ulo.

Sinunod niya ang payo ng kanyang kunsensya. Humugot siya ng malalim na buntunghinga at pinakalma ang sarili. Walang patutunguhang maganda ang usapan nila kung magpapakita siya ng galit kahit ang totoo ay naaasar siya sa pagpapakita ni Andrei ng pag-iimpake. Mukha kasing atat na atat na itong bumalik ng Maynila.

"Andrei we need to talk."mahinahong sabi niya. Napako siya sa pagkakatayo sa may hamba ng pinto.

"Ano ang gusto mong pag-usapan natin?"malamig pa ring sabi nito.

"Paalis na kami ni Andrew at-

Hindi niya natapos ang pangungusap dahil marahas na tumingin sa kanya ang lalaki, "Bullshit! I knew it Lia! Huwag mo nang itapal sa mukha ko. Alam na Alam kong malapit na kayong umalis and its scared me to death dahil wala akong kasiguraduhan kung mauulit pa ang pagkikita nating ito."

Natigalgal siya sa narinig. Kita niya din ang pamumula ng mukha ni Andrei sanhi ng pagtitimpi ng galit.

"You know what, after that night nagdecide na talaga ako what's really best for myself."pinanood niyang tumayo si Andrei at natakot siya sa nabanaag na kaseryusuhan sa mukha at tinig nito. Never siya nitong pinagtaasan ng boses at base sa itsura nito ay natitiyak niyang buo na ang loob nito sa anumang pasyang bombang pasasabugin nito ngayon. At natatakot siya dahil baka nagdecide na itong tuluyang tapusin ang ugnayan nila tulad noon. Noong mismong araw ng wedding anniversary nila kung saan dinurog nito ang pangarap niyang maging isang tunay na pamilya sila.

"Lia.."narinig niyang tawag sa kanya ni Andrei. She just closed her eyes. Ayaw niyang makita nito ang pait sa kanyang mga mata. Sila marahil ni Andrei ay nasa bilog ng miscommunication ng mga damdamin. Sa tuwing gusto niya ay ayaw naman nito. At kapag gusto nito ay natatakot naman siyang sumugal. Dapat sigurong tanggapin na hindi sila para sa isa't isa.

"Makinig ka."utos nito. Base sa tinig nito ay nasisigurado niyang magkalapit na sila. Tinakpan niya ng sariling mga kamay ang magkabila niyang taenga. Sigurado siyang masasaktan siya kaya ayaw niyang marinig ang anumang sasabihin nito. Akala niya at handa na siya ngunit hindi pala. Kaya all she wanted to do now is to run in her room and think na walang ganitong pangyayari.

Malayang nabaklas ni Andrei ang nakatakip niyang mga kamay sa magkabilang taenga. Kapit siya nito sa magkabilang pulsuhan.
"Lia, I know na aalis ulit kayo kaya I decided I will-

"Tama na please. Huwag mo nang ituloy Andrei!" Pakiusap niya habang tumutulo ang luha sa magkabila niyang mga mata. Nasasaktan siya. At ayaw niya ng ganoong pakiramdam. Bakit ba paulit ulit na lang and ganitong klase ng sakit? Kulang pa ba?

"Gusto kong marinig mo na I am packing my things dahil sasama ako sa inyo papuntang Australia kahit uninvited ako doon. Kahit araw araw mong ipamukha sa akin na hindi mo ako kailangan isisiksik ko pa din ang sarili ko sa iyo at kay Andrew. I am sicked and tired na nakikita ko kayong umaalis at pagkatapos ay maghihintay ako kung kailan kayo babalik gayong NASA akin ang lahat ng oras para sumama sa inyong dalawa. Magsimula tayo ulit Lia. I'm leaving everything behind here. I know ako ang nagkamali na pinakawalan kita noon kaya please hayaan mo akong ituwid ko iyon.

Napamulat siya dahil sa pinagsasabi ni Andrei. Wala na ang galit nitong mukha bagkus ay nakikita niya ang nagtitimpi sa pag-iyak na mga mata nito. Puno ng pagsusumamo din ang tinig nito.

"Sana mahanap mo sa puso mo na patawarin ako para muli kang magtiwala sa akin."

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Where stories live. Discover now