Chapter 44

16.9K 300 18
                                    

Lia

Sa isang sikat na fastfood chain kami kumain nila Andrei dahil na rin sa request ni Andrew. Nagpaalam ako sa mag-ama ko na pupunta ng restroom habang abala naman ang mga ito sa maliit na playground sa loob.

May time na nag-iisip ako kung bata ba talaga si Andrew dahil matured siyang mag-isip at kapag ganito naman siyang kasabik maglaro ay natatanto ko na bata pa talaga siya.

Bago ako pumasok sa isang cubicle ay nanalamin muna ako para icheck ang itsura ko. Medyo conscious ako sa itsura ko dahil panay ang malalagkit na tingin sa akin ni Andrei.

Nagsusuklay ako ng buhok ng may tumapik sa balikat ko.

"Shane?"gulat kong sabi ng mapagsino ang babaeng nakangiti ng malapad. Bakit ba pakiramdam ko ay bigla akong naguilty? Ikakasal na sila ni Andrei pero sa halip na matuloy ay kapiling ko ngayon ang ex husband ko. Inagawan ko siya.

"Hi Lia."masayang bati niya. Tumabi siya sa pwesto ko. Wala akong nakikitang galit sa kanya. "Uhmmm nakita ko kayo nila Andrei kanina buti at ayos na kayo?"

"H-hah Oo nga e."nahihiya kong sagot. Gusto ko nang lumabas para matapos na ang awkward moment na ito. Ang hirap kumilos kapag nasa tabi lang ang taong nagawan ng napakalaking kasalanan.

"Ano ka ba, relax hindi kita iieskandaluhin!"natatawang sabi niya sabay hampas sa braso ko. Nahuhulaan niya siguro ang dahilan ng pagkailang ko. Naiinis ako sa pagfifeeling close niya at pagpapakita na ayos sa kanya ang lahat. Pwede bang ganoon lang iyon? I mean magfiance sila ni Andrei at I'm sure walang babae ang matutuwa na basta na lang iko-call off ang wedding gayong nasa preparation stage na.

"A Shane kasi nahihiya ako sa iyo dahil alam mo na. Iyong wedding ninyo ni Andrei ay-"

"Cmon Lia, huwag mong sabihing napaniwala ka talaga namin?"siya na bumanghalit ng tawa. Mabuti na lang at walang ibang nasa loob ng restroom dahil tiyak na magtataka ang mga iyon sa tawang kulang na lang ay maglupasay si Shane.

"Napaniwalang ano?"kabado kong tanong. Masama ang kutob ko pero ayoko namang manghula. Pinunasan niya muna ang luha sa magkabila niyang mga mata dahil sa pagtawa bago sumagot.

"Walang kami ni Andrei. I was paid para magselos ka. Effective naman di ba dahil nagkundamahog kang magkabalikan kayo."sagot niya na parang biglang kinilig. Kabaligtaran naman noon ang nadama ko. Binayaran siya? Tama ba ang narinig ko? Ano ito lokohan?

Diyata't napaglaruan ako.

May sasabihin pa sana siya kaso ay may biglang tumawag sa cellphone niya. Mabilis siyang nagpaalam sa akin at nakipagbeso-beso muna bago nagmamadaling lumabas ng banyo para sagutin ang tawag. Naiwan naman ako sa loob na nakamata sa sariling repleksyon ko sa salamin. Kitang-kita ko ang nag-aalab sa galit na mga mata ko.

Papaano nagawa sa akin ni Andrei iyon? Alam niya ba na nag-isip ako ng sobra at naalarma dahil magpapakasal siya sa iba? I was even considering na maging mistress niya pero ano joke lang pala ang relasyon nila ni Shane?! My God! Niloko niya ako at pinahirapan ang kalooban. Ibinigay ko pa ang sarili ko sa beach house para tuldukan ang pagkahibang ko sa kanya iyon naman pala ay pinagloloko niya lang ako.

Pigil ko ang sariling mapahagulhol. Pero nang pumasok ako sa cubicle ay impit na akong napaluha. Niloko niya ako at pinaglaruan! Ang sakit-sakit noon sa puso ko. Panay pa din ang tahimik kong pagtangis nang may kumatok sa cubicle. Ihing-ihi na daw. Gustung-gusto kong sabihan ang nasa labas na maghintay siya dahil siya ay naiihi lang ngunit ako ay nawasak ang puso.

Naulit ang pagkatok at pagtawag kaya mabilis kong pinunasan ang naglandas na mga luha. Galit akong lumabas ng cubicle. In fact sinamaan ko ng tingin ang babaeng panira ng pagmomoment ko.

Naghilamos ako sa lavatory para mawala ang bakas ng mapait kong pagluha. Nag-apply din ako ng kaunting makeup.

Nagpupuyos ang kalooban ko kay Andrei nang makita kong masaya siyang nakikipag-usap sa isang babaeng crew habang si Andrew naman ay abala sa paggulung-gulong sa loob ng laruan.

Manloloko! Hiyaw ng isip ko patungkol kay Andrew saka nagmamadaling lumabas ng fastfood restaurant bago ko pa kalmutin ang gwapo niyang mukha. Ang kapal niya para gumawa ng story. At talagang nagbayad pa para utuin ako.

Mabibilis ang bawat hakbang ko ngunit nang mapagod ay kaagad na pumara ng taxi. Sinabi ko ang direksyon sa driver bago ko hinilot ang sentido ko at ipikit ang mga mata ko. Naglalaro kasi sa utak ko kung papaano ako napaglaruan ni Andrei. Siguro'y tuwang-tuwa siya ngayon dahil nabilog niya ako idagdag pang naikakama niya ako. Ako naman si tanga konting kalabit lang ay bumubukaka na kaagad. Sarap na sarap ako sa pag-aanuhan namin at feelingera na totoo siya sa akin.

Loka, talagang patitikim ka ng sarap para hindi ka makahiwalay. Anang isip ko na dinuduru-duro pa ako dahil sa katangahan.

"Asshole!"hiyaw ko kaya napasulyap sa akin ang driver.

"Don't mind me."utos ko sa mamang driver. Bagaman nahihiya ako sa lumabas sa bibig ko ay mas lamang ang galit ko kay Andrei dahil isa siyang:

Sinungaling. Manloloko. Manggagamit.

Iyon siya. Ganoon talaga siya. At hindi siya magbabago. Scheming siya at paasa!

Mainit ang ulo ko nang bumaba ng taxi. Nagmamadali din akong pumasok sa kilalang establisyemento. Sumakay ako ng elevator na halos madiin na pinindot ang floor number ng sadya ko. Nang bumukas ang elevator sa 27th floor ay lumabas akong nagpupuyos pa din ang kalooban. Malalakas na tunog nang takong ko ang maririnig habang pumapasok sa isang malaking boardroom. Ayon sa guard na pinagtanungan ko kanina ay naroroon daw ang taong pakay ko.

"Miss Lia.."anang babaeng na nasa gitna at nagrereport. Awtomatikong lumingon sa akin ang ibang naroroon sa meeting but should I care? I know nakaka-interrupt ako sa presentation or meeting pero kapag hindi ko pa nakausap si Leon ay anumang oras ay ako na ang mag-i-erupt.

Napasinghot ako nang magkasalubong kami ng mga mata ni Leon. Siya ang kahuli-hulihang tao na nakapansin sa presensya ko dahil abala siya sa pagbabasa sa hawak na papel.

"Lia..." Takang tawag niya sa akin. Iniiwasan kong mapahikbi dahil napakadami ng tao. More or less ay pito ang naroroon bukod pa sa aming dalawa at ayokong magbreakdown sa harapan nila kaya mariin kong kinagat ang labi ko.

Marahil ay napansin iyon ni Leon kaya inutusan niyang lumabas muna ang mga tauhan niya. Nang makapagsolo na kami ay bigla na lang akong humagulhol. Kaagad niya akong dinaluhan.

"Shhhh."alo niya sa akin habang hinahagod ang likod ko. Inutusan niya akong umupo pero nanatili akong nakatayo lamang.

"Sobrang sakit Leon, niloko niya ako."sabi ko sa pagitan ng pag-iyak.

Nag-igtingan ang mga panga niya pero hindi siya kumibo.



Marry Me again, Sweetheart (Completed)Where stories live. Discover now