Chapter 14

22.4K 543 4
                                    

Lia

        Magmula ng unang anibersaryo ng aming kasal ni Andrei kung saan niya ako kinausap para hiwalayan ay may mga oras na basta na lamang akong magigising sa kalagitnaan ng gabi. Maaawa ako sa aking sarili at manghihinayang dahil hindi ko ipinaglaban ang pag-ibig ko para sa kanya. Tatlong buwan nang mahigit na napawalang bisa ang aming kasal. Sa loob ng mga panahong iyon ay nagkikita kami. Nagawa niyang makalapit sa akin at mapaniwala niya akong may pag-asa pa kaming magsama muli.

        Lahat siguro ng nagmamahal ay nangangarap ng second chances. At kabilang ako sa mga taong gusto ng second chances. Akala ko mayroon kami ni Andrei ng ganoong pagkakataon dahil muli niya akong inalok ng kasal. Ngunit lahat ng saya, pangarap, at pag-asa ko ay naglahong parang bula ng muling bumalik si Chloe. Siya ang babaeng minahal ni Andrei, mahal at mamahalin hanggang sa huli. Wala nga yata akong puwang sa puso niya.

        Nawala na ang alok ni Andrei na panibagong simula para sa amin. Mula ng gabing umalis ako sa bahay niya at humingi ng space ay hindi na siya nagparamdam. I guess masaya na silang muli ni Chloe. Iiyak ako, paulit-ulit na masasaktan pero hindi na ako dapat magpakita ng kahinaan. Pinilit kong magpakalayu-layo. Umalis ako sa Maynila para iwasan si Andrei at anumang balita na makakasakit sa akin. Nasa loob ng sinapupunan ko ang anak namin na nabuo noong nagsasama pa kami. Apat na buwan na ang dinadala ko. Nakakalungkot na hindi ko man lamang nasabi sa kanya na magkakaanak na kami. Pero sa abot ng makakaya ko ay bibigyan ko ng proteksyon ang batang naging bunga ng pagpapakasal namin dati. Palalakihin ko ang anak namin kahit nag-iisa. Ayoko nang alamin kung matatanggap niya ba ang anak namin o hindi. Sapat nang maramdaman ng anak namin na naririto ako para sa kanya. Mamahalin ko siya ng buung-buo.

        Marahan kong hinaplos ang nagsisimula ng umumbok na aking puson. Napangiti ako habang iniisip kung sino ang magiging kamukha niya habang lumalaki. Ako ba o ang ama niya?

        Inugoy ko ang tumba-tumbang kinauupuan ko habang nakatingin sa malawak na karagatan. Nasa balkonahe ako ng bahay-bakasyunan ng aming pamilya. Minsan lamang ako nakarating dito  pero nang malaman ng aking mga magulang ang sinapit ng aming relasyon ni Andrei ay inunawa nila ako. Sila na din ang kumumbinsi sa akin na dito na tumira kung nais kung lumayo at makalimot kay Andrei. Tahimik dito. At saka hindi alam ni Andrei ang lugar na ito.

        

       

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Where stories live. Discover now