Chapter 45

16.9K 317 17
                                    

Lia

Sa mabilis na salaysay ay ikinuwento ko kay Leon ang engkwentro namin ni Shane at ang panloloko sa akin ni Andrei. Alam kong nang-istorbo ako sa work niya pero wala naman akong pwedeng hingahan ng sama ng loob.
After nang ginawa sa akin ni Chloe ay natakot na akong magtiwala sa isang tao kaya wala akong ibang itinuturing na kaibigan maliban kay Leon at Jaco. I cannot trust anyone maging si Andrei.

"Anong plano mo?"pahinamad na tanong ni Leon. Naghila siya ng upuan para magkatapat kaming nakaupo. Inabutan niya ako ng panyo na kulay asul mula sa bulsa ng suot niyang slacks. Kaagad ko iyong kinuha at ipinampunas sa basa kong mukha dahil sa luha.

Plano?

Pareho kaming napapitlag ng tumunog ang cellphone ko na nasa bag ko.

"Sagutin mo na."utos niya sa kulang sa siglang tinig.

Malalim na buntunghinga muna ang ginawa ko bago kinuha ang cellphone pagkatapos ay tinitigan iyon. Numero ni Andrei ang caller.

Ini-end ko ang tawag pagkatapos ay ini-off ko ang cellphone. Ayokong marinig ang tinig niya.

"Tiyak hinahanap ka na ni Andrew."sabi ni Leon.

"Please sunduin mo na lang si Andrew at iuwi sa condo mo."pagmamakaawa KO. Hindi ko kayang humarap kay Andrei sa estado ko ngayon. Kung may plano man ako ay iyon ay ang iwasan siya.

Nagpalatak si Leon. "Ayokong ako ang magpaliwanag sa Monseratt na iyon kung bakit bigla kang nawala sa kainan at kung bakit ipinapasundo mo si Andrew."tanggi ni Leon na void sa emosyon ang mukha.

"Pero---

"Be brave Lia to talk with him, you owe him that. Settle your issues."hindi ako makapaniwala na iyon ang ipinapayo niya. Akala ko ba galit siya kay Andrei. Hindi ba't sinermunan niya pa ako nang malamang nakikipagmabutihan ulit ako kay Andrei. Pero bakit ngayon parang bumaligtad siya?

"Nasaktan ako-

"At ganoon din siya."putol niya ulit sa  dahilan ko. "Paulit-ulit lang ang ganitong pangyayari kung tatakbuhan mo siya. This will be the third time at tiyak pareho ninyong pagsisisihan kapag hindi pa rin nagwork out ang relasyon ninyong ito."malumanay niyang sabi. Sa isip ay binilang ko ang mga pagkakataong tinakbuhan ko si Andrei sa halip na magpaliwanagan kami. Ang una at iyong nakita ko si Chloe na kahalikan niya. Ang pangalawa ay noong iwan namin siya ni Andrew after kong manganak at ang pangatlo ay ito.

OA ba ako sa reakyon kong Flight mode?

Napapitlag ako ng ganapin ni Leon ang palad ko.

"Hindi ka ba natutuwa na nagpakababa si Andrei para makuha ang atensyon mo? Na gumawa siya ng ganoon dahil gusto niyang magkabalikan kayo. Hindi pa ba sapat ang walong taon para marealize mo na talagang mahal ka niya?"

Nag-uunahan sa paglandas ang mga butil ng luha sa mata ko. May katotohanan ang sinabi ni Leon. At hindi pa ba sapat na patunay iyon na mahal ako ni Andrei.

"Huwag mong hayaang maging huli ang lahat,Sunshine."dugtong niya na pumiga sa puso ko. Nasasalamin ko sa mga mata niya na nasasaktan siya para sa akin. Nakikita ko ang paghihirap niya dahil sa maling choices na pinili ko.

I know now na hindi ko kayang i-give up si Andrei kahit pa niloko niya ako. Mahal ko siya. At isipin pa lang na magkakahiwalay kami ay nasasaktan na ako ng sobra.

Mabilis na hinalikan ko sa pisngi si Leon bilang pasasalamat. I realized kung gaano ko pinasakitan ang mga taong mahal ako, una sina mama at papa, si Leon, si Jaco, si Andrew at panghuli si Andrei dahil sa kaduwagan kong sumagal. I been a coward. May pagkakataon pa para ituwid ko lahat ng pagkakamali ko. Nanakbo ako palabas ng boardroom. Mahal ko si Andrei at ayokong mawala siya sa akin. At ang anumang bukas na naghihintay sa aming dalawa.

Ipaglalaban ko siya...


Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon