Chapter 7 HighBLOOD

33K 696 6
                                    

Lia's POV

        Highblood, as in HIGHBLOOD siya kay Andrei. Ilang araw na silang hindi nagkikita ni Andrei. Akala niya ay makakapagpasalamat siya ng husto dahil doon but on the contrary ay parang mas worse pa na wala ito sa paligid niya. Bakit????

        Maya't-maya kasi itong tumatawag. May choice siyang huwag sagutin ang tawag nito pero nakukulili siya sa kakulitan nito sa buong maghapon dahil pati ang numero sa opisina ay tinatawagan nito. Nagpapadala din ito ng sankaterbang bulaklak, which ngayon niya lang na-experience. Simula kasi ng ikasal sila ni Andrei ay hindi siya nito pinadalahan ng bulaklak. Ni kahit ipitas sa mga tanim nila sa hardin.

        Nagpapadeliver din ito ng food at may mga notes pa.

        

        Nakakapagtaka ang sweetness nito o tamang sabihing nakakairita na. Mukhang ginagawa lang nito ang ganoong bagay para asarin siya o ipakita kay Jaco na interesado pa rin ito sa kanya. Na handa itong mag-aksaya ng pera para sa kanya. Kung interesado nga talaga ito sa kanya bakit kailangan pa  nitong ipa-annul ang kasal nila? Nagkukutkot na saloob niya.

        Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip kung ano talaga ang motibo ni Andrei.

        Maliliit ang hakbang na ginawa niya patungo sa pinto ng unit na inookupa niya only to be surprise. Nakasandal sa gilid ng nakasaradong pinto ang laman ng isip niya. He was looking regal and Almighty. Ngiting-ngiti ito na akala mo ay naka-hit ng jackpot.

        "Hi."nakangiting bati nito.

        "Hi yourself."sabi niya. Tumabi ito ng ipasok niya sa seradura ang susing hawak niya. Sumunod ito papasok sa kanya sa loob kahit hindi niya inimbita. She rolled her eyes in irritation.

        "Nice place."he said. Muntik na siyang mapatalon ng madama ang mainit nitong hininga sa batok niya. Hindi niya alam na masyado itong malapit sa kanya. Lumakad siya ng mabilis. Nang maupo ito sa sofa ay nakahinga siya ng maluwag.

        "May kailangan ka?"tanong niya. Walang friendly tone sa tinig. Casual iyon at nagmamadali.

        "Coffee."sabi nito.

        "Huh?"takang tanong niya.

        "Gusto ko ng kape Lia. Same pa rin ang timpla ko."prenteng sabi ni Andrei. Ang same na sinasabi nito ay black coffee. She frown, ano ba akala nito katulong siya o...

        "Galing ako mula sa 8 hours na biyahe. Dito ako tumuloy to see you."sabi nito para mangunsensya.

       Fine! Wala namang nagsabi na puntahan siya nito! nagpupuyos ang kalooban na saloob niya. Mabilis siyang pumunta sa maliit niyang kusina at ipinagtimpla ito ng kape. Pagbalik niya sa salas ay nakapikit na ang mga mata nito habang nakahilig ang ulo sa sandalan ng sofa. He looked so tired. Hindi niya alam kung saan ito nagmula sa Baguio ba o sa Bicol. But one thing is is for sure, galing ito sa isang business seminar.

        Nilapitan niya ito para gisingin. Akmang tatawagin niya ang pangalan nito but change her mind. Nakaka-guilty na gisingin ito, para kasing ang sarap-sarap ng tulog. Inilapit niya ang mukha at itinapat sa mukha nito para sipatin ang itsura nito. Gwapo ito at mukhang peaceful ang itsura. Kung sana ay...

        Unti-unting nagmulat ng mga mata si Andrei. Nagkasalubong sila ng mga paningin. Huli na para iwasan niya  ang tingin nito. Titig na titig ang mga mata nito sa mga mata niya.

        "Lia..."anas nito.

        Nagulat siya ng pagsalikupin nito ang mga labi nila!

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon