Chapter 18

22K 446 4
                                    

Lia

            Hindi niya na alam kung gaano siya katagal na walang malay. Lutang ang pakiramdam niya. Nag-iisa siya. Patay na ba siya?

Marahan niyang inilibot  ang paningin sa paligid. White ceiling, white wall at may nakakabinging katahimikan.  Tinangka niyang iangat ang makirot na kamay. May nakapasak na karayom ng dextrose sa ugat niya doon. Dahil doon ay nasagot ang tanong niya kung nasaan siya. Nasa ospital siya. May tumulong sa kanya! She was in ectasy! Hindi lang basta hallucination ang brasong sumalo sa kanya. Talagang may dumating para iligtas sila ni baby Andrew.

Kinapa niya ang anak. Pero ganoon na lang ang paghihilakbot niya na wala na ang malaking tiyan niya dahil napalitan na iyon ng maimpis na puson.

“Andrew!”hiyaw niya na may kasamang pagtatangis. No, hindi pwedeng mawala ang anak niya. Nangangatal ang katawan na pinilit niyang bumangon kahit wala siyang lakas. Kailangan malaman niya kung nasaan ang anak niya.

Nanghihina siya ngunit hindi niya ininda ang nararamdamang sakit sa ibabang bahagi ng katawan. Kailangan siya ni Andrew. Kailangan siya ng anak niya. Hindi pwedeng basta na lang mawala ang anak niya. Walang pwedeng maghiwalay sa kanila.

Pigil ang sariling mapasigaw ng hugutin niya ang dextrose sa kanyang kamay. Sumirit ang madaming dugo doon. Malalim ang bawat paghinga niya sa bawat paghakbang palabas ng kwarto.

Nanghihina siya pero hindi dahilan iyon para hindi niya hanapin ang anak. Hindi siya pwedeng iwan ni Andrew. Kahit walang pag-asang nakasurvive ang anak niya ay hindi siya titigil sa pag-iisip na buhay ito.

Walang ina na tulad niya ang basta tatanggapin na wala na ang anak.

Nangangatog ang tuhod niya habang binabagtas ang hallway. Mahinang-mahina na siya at nakakalakad siya dahil sa mga gabay na nasa gilid ng mga pader.

“Andrew!”sigaw niya. Sabog na ang luha niya sa pagtawag sa pangalan ng kanyang pinakamamahal na anak. Ni hindi niya man lamang ito nasilayan.

Humakot na siya ng atensyon ng makalampas siya sa ward niya dahil madami ng nurse at bisita ang mga nandoon. Dinaluhan siya ng dalawang lalaking nurse at tinangkang hawakan ngunit nagwala siya gamit ang natitira niyang lakas.

“Bitawan ninyo ako.”utos niya ng hawakan siya sa magkabilang braso ng mga ito. “Kailangan ako ng anak ko!”hiyaw niya. Nagpapalag siya ngunit walang laban ang lakas niya sa mga ito.

“Mam, bumalik na po tayo sa room ninyo.”magalang na pangungumbinsi ng lumapit na babaeng nurse.

“Nurse ang anak ko.”umiiyak niyang sabi. Nakikiusap siya, nagsusumamo na sana ay hayaan siya nitong makita ang anak niya.

“Mam. Pupuntahan po natin siya mamaya. But for now, kailangan ninyong magpahinga.”pakiusap nito na nagdala sa kanya ng kilabot. Now, kumpirmado ng wala na ang anak niya pero bakit pinagkakait ng mga ito na masilayan niya ang katawan ng kanyang munting anak? Nang anak niyang hindi pa man nagsisimulang mabuhay sa labas ng kanyang sinapupunan ay pinagkaitan na ng pagkakataong mabuhay?

“Ngayon na. Kailangan ako ng anak ko!”matigas niyang wika sa tinig na napakalamig. Nagkatinginan ang mga nurse. “Ano ba, bingi ba kayo? Gusto ko ng makita ang anak ko!”sigaw niya.

“Mam, kailangan ninyong makabawi ng lakas.”anang nurse na babae. “Patawarin po ninyo ako sa gagawin ko sa inyo.”anito. Naguguluhang napatitig siya dito. Kasunod noon ay ang paghapdi ng braso niya dahil may itinurok ito doon na kung ano. Pagkatapos ay binalot siya ng madilim na kawalan. Iyong mismong kawalan na sumalubong sa kanya bago mawala ang anak niya!

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang