Chapter 28 Rude

22.8K 449 2
                                    

Lia

            Nararamdaman ni Lia ang paghaplos ng kung ano sa kanyang mukha. It is something warm and familiar. Napapangiti siya kahit nakapikit ang kanyang mga mata bagaman parang hinihila siya ng pakiramdam na iyon na gumising mula sa malalim niyang pagkakatulog.

            Natatakot siyang magmulat dahil baka maglaho ang sensasyong iyon. She wanted more.. At parang dininig ang panalangin niya. Mula sa paghaplos sa kanyang pisngi ay bumaba ang nasisiguro niyang palad patungo sa kanyang baba. Sandaling tumigil doon bago binagtas ang ilalim ng baba niya at mapanuksong naglandas sa kanyang leeg. Her heart beats faster dahil sa antisipasyon.

            She gasps when someone kneads her left breast!

            Naalerto siyang bigla at nawala ang antok na nagduduyan sa kanya kanina. Napabalikwas siya ng bangon at nakita ang bulto ni Andrei na nakaupo sa gilid ng kama niya. Bagaman narelief na ito ang kasama niya sa silid at hindi ibang tao ay nagagalit pa rin siya dahil sa kapangahasan nito.

            “Bakit ka nandito?”pangunguwesyon niya. Inayos niya ang pagkakaupo at hinila pataas ang kumot para takpan ang suot na manipis na pagtulog na mula sa tulong ng lampshade ay nasisigurado niyang hindi itinago ang kanyang katawan.

            “Checking on you.”

            Kaswal ang pagkakasabi nito. Walang bahid ng pagkapahiya dahil sa pagkakahuli niya dito sa akto.

            “Lumabas ka ng silid ko.”mariing utos niya. Nababastusan siya dito. Wala din itong ginawa maghapon kundi ang titigan ang labi niya na parang sinasabing humahanap lang ito ng pagkakataon para muli siyang halikan. At dahil tiwala siyang hindi ito gagawa ng anuman ay nakuha pa nitong pasukin siya sa kanyang silid sa dis-oras ng gabi.

            “Hindi mo kailangan ng kumot Lia.”pilyong sabi nito totally ignoring her demand. Umisod ito palapit sa kanya kaya umatras naman siya palayo dito. Bakit ba parang ang maniac nito? Nagsisimula na siyang silihan ng takot.

            Muli itong lumapit sa kanya at desperado siyang layuan ito. Hindi maganda ang nababasa niya sa mga mata nito. Naroroon ang Hunger and Lust.

            “Huwag kang lalapit, Andrei.”mahina ngunit mariin niyang babala sa lalaki. Tumalon siya pababa ng kama. Kulang na lang ay gumawa siya ng cross mula sa pagdidikit ng dalawa niyang hintuturo para tumigil ito. Kaagad siyang humakbang palayo dito para bigyan ng distansya ang mga katawan nila.

            Malutong na tawa ni Andrei ang naging sagot nito sa reaksyon niya.

            “Bakit ba takut na takot ka sa akin Lia?”patay-malisya nitong tanong. Muli siyang naalerto ng tumayo ito  at humarap sa kanya. “You are safe with me.”pambibilog nito sa ulo niya. Ipinamulsa nito sa suot na pantalong maong ang magkabilang kamay. Pinagmasdan niya ito at ngayon niya lang napuna na nakapanglakad itong damit. Maliwanag ang buong silid niya dahil malakas ang ilaw na ibinubuga ng lampshade na naroroon. White collar shirt at pulang hapit na pantalon ang suot nito. Mukhang hindi ito nakagayak na pantulog. Umalis ba ulit ito at kababalik lang? She shrugs para palisin ang itinatakbo ng isip niya.

            “Get out.”mataman niya itong tinitigan na sinalubong naman nito. “Huwag mo nang hayaang ulitin ko pa sa pangatlong pagkakataon ang pagtataboy ko sa iyo Andrei.”nilangkapan niya ng galit ang tinig.

            “So what?”pambabalewala nito sa sinabi niya. Muli itong ngumisi.

Nangilabot siya ng hagurin nito ang kabuuan niya. Kita niya ang pangingislap ng mga mata nito. Ilang beses siyang napalunok. Hindi niya namalayan na umaatras siya habang lumalakad ito palapit sa kanya. Napapikit siya ng tumaas ang kamay nito at alisin ang hibla ng buhok na lumaglag sa kanyang pisngi.

        “You are beautiful, Lia.”anas nito sa punungtenga niya. Puno ng pag-aakit ang tinig nito. At kung ire-rate niya ngayon ang sarili niya batay sa kanilang sitwasyon ay bibigyan niya ito ng perfect score! Naakit siya nito pero kailangan niyang huwag magpatangay! Hindi na siya ang dating Lia. Mas matured na siya at self-made woman. Hindi niya kailangan ang lalaking tulad ni Andrei sa kanyang buhay. Hindi niya kailangan ito. Sa ganoong paraan kasi ay maiiwasan niyang masaktan.

        “Bumalik ka na sa silid ninyo ni Andrew.”matigas niyang sabi ngunit naroon ang pakiusap.

        “I wanted to stay here.”parang bata nitong sabi. But warning bells rang in her head.

        Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Slow motion iyon na parang katulad sa mga napapanood niyang pelikula kung saan katatanggal lang ng benda sa  mata ng tauhan. Alam niyang naririto talaga sa kanyang silid si Andrei at hindi ito panaginip. This is a time na nahihiling niya na sana’y panaginip lang ito para mas madali siyang makatakas.

        Puno ng buhay ang mga mata ni Andrei. Puno rin ng determinasyon na ipilit ang nais. Bumubulong ang sarili niya na pagbigyan at sumakay na lamang siya sa sitwasyon para makasama ang lalaking mahal katulad ng matagal niya ng inaasam. A dream come true ito sa part niya kahit pilit niyang itinatatwa sa sarili na gusto niya ito but at the same time alam niyang mahaharap lang siya sa pagdurusa kapag nag-give in siya. Baka hindi niya na makaya at tuluyan na siyang mabaliw.

        “I want you.”paos ang tinig na sabi nito.

        Nanlaki ang mga mata niya sa direkta nitong pag-amin. Umigkas ang kamay niya para sampalin ito ngunit maagap iyong napigilan ni Andrei. Ginamit nito ang hawak na kamay niya para hapitin siya nito palapit. Napasandal ang ulo niya sa matipuno nitong dibdib. Inangat niya ang ulo para pagsalitaan ito ngunit nakulong sa bibig niya ang anumang pagpoprotesta ng sakupin ni Andrei ang mga labi niya. Marahas ang ginawa nitong paghalik. He was urging her to return his kisses ngunit nanatili siyang estatwa. Kusa itong tumigil. Alam niyang mas masakit pa sa sampal ang ginawa niyang hindi pagtugon sa mga halik nito at nakabalatay sa gusot na mukha nito ang ebidensya. Paismid siyang ngumiti. She felt triumph! Ang sabi nga, kailangan niya ng tricked of mind. Ipakita mo sa kalaban na hindi ka apektado para isipin nitong talunan ito.

        “Goodnight Andrei.” malumanay niyang sabi. Nais niyang ipakita dito na hindi siya apektado para tigilan na nito ang advances sa kanya.

        Andrei’s narrowed his eyes. Parang nais siya nitong paulanan ng masasamang tingin. Pero hindi siya papatinag. She’s a changed woman now!

        “Not yet sweetheart.”lapat ang mga ngipin na kontra nito sa sinabi niya. Naramdaman niyang umangat siya sa wood tiles na sahig kasunod noon ay ang paghahagis sa kanya ni Andrei sa kamang binakante niya kanina. He’s rude! Impit siyang napatili dahil sa impact at shock ng pagkakahagis sa kanya ni Andrei. Takot siyang makagawa ng ingay dahil nasa kabilang silid lang si Andrew. Ayaw niyang magising ang anak at maeskandalo. Pero mas nashock siya ng tumingin sa direksyon ni Andrei.

         “Ngayon pa lang nagsisimula ang gabi.”sabi nito at sinimulang hubarin ang suot na tshirt.

           

            

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Where stories live. Discover now