Chapter 11

32.3K 659 26
                                    

Andrei

        Napasuntok sa hangin si Andrei matapos makapasok sa papasarang elevator na may kasama pang pagtalon. Naabutan niya ang elevator. Doon nakasalalay ang oras at puso niya. Dahil baka mahuli lang siya ng ilang sandali ay maka-ungos na sa kanya ang kanyang karibal na si Jaco. 

        Nakarinig siya ng hagikhikan sa tagiliran niya. Nang lingunin niya ang pinagmulan ng mga tinig ay nakita niya ang dalawang empleyadong mga babae na parang amuse na amuse sa ginawa niya. Nakalimutan niyang may iba pa pala siyang kasama sa loob at malamang nagtataka ang mga ito sa pagsuntok niya sa ere maging sa kanyang pagtalon.  Well, sino ba naman ang hindi matatawa kung makikita mo ang boss mo na parang nakikipagpaligsahan sa pagpasok sa elevator matapos manakbo, sumuntok at tumalon? Gayong ang pino-project niyang imahe ay laging cool, seryoso at sigurado lagi sa ginagawang desisyon. Bago para sa mga ito ang makita siyang walang composure at parang teenager na handang gawin ang lahat makasakay lamang sa elevator.

        Nauwi sa pagngiti ang hagikhik ng mga babae ng makitang nakasulyap siya sa mga ito. He is the big boss. Malamang na natauhan ang mga ito dahil hindi siya gumanti ng tawa o ngiti sa mga ito kaya pagkatapos mapalis ang mga ngiti ay ibinaling sa ibang direksyon ang tingin.

        Anyway, hindi mahalaga sa kanya ang opinyon at tingin ng ibang tao. Ang mahalaga sa ngayon ay mapuntahan niya si Lia. Hindi siya makakapayag na magkabutihan ito at si Jaco. At kung may relasyon na ang mga ito (na panalangin niya na huwag naman sana) ay handa niyang gawin ang lahat upang wasakan iyon. Kanya lamang si Lia! At hindi maganda kung eentra si Jaco kahit ang totoo ay dating magnobyo ang dalawa. At siya ang humadlang sa nalalapit na kasal ng mga ito. Kung maibabalik niya ang panahon, paulit-ulit niyang paghihiwalayin ang dalawa. Not that he is selfish, sa tingin niya kasi ay mas bagay sila ni Lia.

        Nang maging nobya niya noon si Chloe ay nakasama nila sa lakaran sina Lia at Jaco. Ilang beses lang iyon pero napuna niya na hindi malapit ang dalawa sa isa't-isa. Bibihirang mag-usap ang mga ito. Kung mag-usap man ay very civil at formal. Mukhang hindi rin masaya si Lia. She smiled and laughed kapag kasama si Jaco pero kulang iyon sa sigla at buhay unlike kapag silang dalawa ang nag-uusap at biruan. Magaan noon pa man ang loob niya kay Lia bagaman ito ay medyo may ilang sa kanya. Sa tuwing lalabas sila ni Chloe ay ikinasisiya niya kung kasama nila si Lia but of course minus Jaco. Nasisira ang mood niya kapag nakikita ang lalaki.

        Summer noon ng sopresa niyang dalawin si Chloe sa bahay nito. Naabutan niyang bukas ang pinto ng silid nito at seryoso ang usapan nito at ni Lia. Balak niya sanang magpakita sa mga ito dahil hindi maganda ang nakikinig sa usapan ng may usapan pero nakuha ang kuryosidad niya ng marinig niya ang paksa ng pinag-uusapan ng magbestfriend. Balak na daw ipakasal si Lia kay Jaco. Iniiyakan iyon ni Lia. Sa naririnig niyang panaghoy ng dalaga ay parang may bakal na pumipiga sa puso niya. Noon niya lang din nadiskubreng arrange marriage ang magaganap at kaya naging magnobyo ang mga ito ay dahil sa kani-kanilang mga magulang. Hindi niya alam na uso pa ang arrange marriage sa panahong ito.

        Mula ng araw na iyon ay mas lalong lumaki ang pagkadisgusto niya kay Jaco, base kasi sa itsura nito ay pabor dito ang sitwasyon. He was inlove with Lia. Lalaki siya kaya alam niya ang tingin ng lalaking may gusto sa isang babae. Hindi siya maaaring magkamali.

        Whoa! Stop! Maagap niyang sabi ng mapansing nasa basement na siya. Mabilis siyang lumabas ng elevator at pumunta sa basement kung saan naroroon ang kanyang kotse. Halos paliparin niya ang sasakyan upang marating ang mall na kinaroroonan ni Lia.

        Sa loob ng isang jewelry shop sa mall, naabutan niya si Lia at Jaco. Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya ng makita kung gaano kalapit ang lalaki sa dati niyang asawa. Hindi niya napigilan ang sariling ikumpara si Jaco sa kanya. Mas gwapo siya dito. Lanky ang katawan niya pero mas payat ito na animo'y kalahati na lang ng bulate ang hindi pumipirma para mag-goodbye na ito sa Earth. Mas matangkad siya dito at mas magaling magdala ng business suit. Maputla din ang kulay nito na kulang sa vitamin D. Kung may itsura man ito syempre taob ito sa kanya. 

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Where stories live. Discover now