Chapter 12

27.5K 535 10
                                    

Lia

               

                Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko. Makirot iyon at parang sasabog dahil sa tindi ng emosyong ipinadama sa akin ni Andrei. He wanted me back. Natutuwa ako doon pero kasunod noon ang ibayong kalungkutan at kahungkagan sa aking puso. Gusto niyang magbalikan kami  dahil iyon ang tamang gawin para sa kanya. Sobra akong nasaktan dahil hindi niya pa rin ako makuhang mahalin. Oh God, ano bang mali talaga sa kanya at hindi niya makuha ang puso ni Andrei?

               

                “Saan mo gustong kumain?”tanong ni Jaco. Inalalayan niya ako pababa ng escalator. Nang hindi ako sumagot ay nagpaubaya ako ng akayin niya ako sa halera ng mga restaurant.  Nagpapasalamat ako na hindi siya nag-ungkat kung anong nangyari o pinag-usapan namin ni Andrei.

                “Magagalit ka ba sa akin…” I paused. Ginanap niya ang palad ko. Mas lalo akong nahabag sa kanya dahil napakavery supportive niya at handa pa rin niya akong pakasalan pero iba pa rin ang gusto kong gawin“-kung babalikan ko sa itaas si Andrei?”naglandas sa pisngi ko ang kanina ko pa pinipigilang mga luha. Mabigat sa akin ang desisyong iyon. Dahil masasaktan ulit ako at pangalawa bibiguin ko ulit si Jaco.

               

                “May magagawa ba ako para pigilan ka?”

               

                “Wala.”mabilis kong sagot. Desidido akong muling sumugal kay Andrei kahit hindi siya sigurado sa nararamdaman niya para sa akin. Handa akong maghintay kay Andrei. Ganoon ko siya kamahal.

                “Then go.”nagsisikip ang dibdib na taboy sa akin ni Jaco.

                Pinakatitigan ko siya. Sinasaulo ang mukha ng lalaking dalawang beses ko ng tinanggihan ang kasal na inaalok sa akin.

               

                “Kung lilingon ka, iisipin kong may pag-asa pa ako sa iyo Lia. So huwag kang lilingon.”pakiusap niya.

                “I’m sorry.”bukal sa loob kong hingi ng tawad. Wala man akong ipininangako sa kanya. Alam kong umasa pa rin siya na magkakatuluyan na kami dahil malaya na ako at mahal niya daw ako noon pa mang mga bata pa kami.

                “Don’t be.”saway niya. Pinunasan niya ang mga luhang nag-uunahan sa paglandas sa aking mga pisngi. “I am wishing you all the happiness.”basag ang tinig na sabi niya bago niya ako marahang hinalikan sa noo. “I love you so much pero mas mahalaga ang kaligayahan mo na hindi ko maibibigay sa iyo Lia kaya balikan mo na siya.”

                “Thank you.”ngumiti ako sa kabila ng bigat ng aking dibdib. Patakbo akong  sumakay sa escalator. Gaya ng hiling ni Jaco ay hindi ako lumingon sa kanya. Ayoko na siyang paasahing muli. Sa fire exit kung saan ko hinila kanina si Andrei ay doon ko din siya naabutan. Nakaluhod pa rin ito at malalim ang iniisip. Pero ng makita ako ay kaagad na tumayo.

                “Bumalik ka.”sabi niya bago ako niyakap ng mahigpit. Para akong nalulunod sa tuwa. I know this feeling, iyong parang nakauwi na ako sa aking tahanan matapos ang mahabang paglalakbay. “Akala ko hindi ka na babalik sa akin, Lia.”sabi niya matapos niya akong pakawalan sa kanyang pagkakayakap. Napangiti na lang ako ng kintalan niya ako ng mumunting halik sa aking bumbunan.

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon