Chapter 8 Kisses

29.5K 675 7
                                    

Andrei's POV

        Para siyang nabuhusan ng yelo ng makita ang nag-aapoy na mga mata ni Lia ng magpumiglas ito sa pagkakayakap niya at paghalik. BOOM! Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya para halikan ang kanyang ex-wife.

        Longing...

        Iyon ang nararamdaman niya. Hinahanap-hanap niya ito.

        Totoong na-miss sa loob ng ilang araw na hindi sila nagkita.

        Napapaikot siya sa trabaho kapag  hindi niya naririnig man lang ang boses nito.

        May pinupunong ligaya sa kanyang puso ang masilayan niya ang maganda nitong mukha.

        But--

        "Gusto ko nang magpahinga Andrei."kasing lamig ng yelo ang boses na pagtataboy nito sa kanya. Malayo na ang agwat nila at nakahalukipkip ito. Parang pinipiga ang puso niya dahil sa nakikitang reaksyon nito. At matinding pagkadisgusto sa ginawa niya.

        Pwede niyang ipaliwanag na instinct ang nagdikta sa kanya para tawirin ang natitirang espasyo ng mga labi nila at kintalan ito ng halik. Maging ang pagkakayakap niya dito ay ang katawan niya ang nagdikta.

        Kahit naman estranged ang relasyon nila noon ay may mga intimate moment sila at hinahanap-hanap niya iyon.

        "Lia-"

        "Look,"putol nito sa anumang sasabihin niya. Matigas ang anyo nito at hindi niya ito mababali sa anumang pasya nito. "We need space."

        Space? Ano bang space ang hinihingi nito, gayong hindi nya lang ito makita ng isang segundo ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan niya.

        "Sorry kung na-offend kita."he composed himself at sinisimulang i-pacify ito. Pinigil niya ang sariling lamukusin ang sariling mukha ng sumimangot si Lia.

        "Drink your coffee."walang emosyong utos nito matapos imuwestra ang tasa ng umuusok na kape. "Then leave."mariing utos nito pagkatapos.

        Malalim na buntunghinga ang pinakawalan niya.

        

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon