Chapter 36

21.3K 397 12
                                    

Lia

"Bakit nandito yon?"usig ni Leon kay Lia na si Andrei ang tinutukoy. Isinama niya si Andrei sa condo unit ng kapatid nang lumuwas silang mag-ina ni Andrew sa Maynila para makabonding naman ng anak ang tiyuhin. Kitang-kita niya ang malaking gatla sa noo ni Leon. Ipinapakita talaga nitong never itong naging fond kay Andrei. May karapatan namang maghimutok si Leon kay Andrei dahil sa dinanas niyang sakit ng loob sa dating asawa pero hindi ba't ipinaliwanag niya na kay Leon sa telepono bago sila nagpunta dito na nagkabalikan na sila ni Andrei at pinaplantsa ang gusot nila. Humihingi siya ng pang-unawa dito at hinihiling na huwag magpakita ng kagaspangan kay Andrei.

"Alangan namang iwan ko siyang mag-isa sa house namin."mahinang katwiran niya. Ipinagpatuloy niya ang pagsasabon ng mga pinggang ginamit nila ng katatapos pa lang na hapunan. Sinadya niyang hinaan ang boses upang huwag madinig nila Andrei at Andrew ang usapan nilang magkapatid. Naroroon sa salas ang mag-ama at nanonood ng Spongebob DVD collection ang mga ito.

"Dating bahay ninyo."pagtatama ni Leon sa pinahina ding tinig.

Sinamaan niya ng tingin ang kapatid. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang ito para sa kanya?

"Ako na lang dito doon ka na sa salas."pagtataboy niya kay Leon nang itaas nito ang manggas ng suot na kulay puting long sleeve hanggang siko. Nahuhulaan niya ang plano nito at hindi nga siya nagkamali dahil nagsimula itong banlawan ang mga nasabon niyang plato.

"Gusto kitang palalahanan Lia, hindi pa ba sapat ang nangyari sa inyo noon para sumugal ka ulit?"

"Alam kong noon pa man ayaw mo na kay Andrei but please give him a chance."

"Inaalala ko lang ang kapakanan mo at walang kinalaman dito ang matinding pagkadisgusto ko sa kanya."

Nawalan sila ng kibuang magkapatid. Batid niyang totoong nag-aalala lang si Leon para sa kanya at kahit gusto niyang tumaba ang puso ay hindi niya magawa. Naaapektuhan siya ng paraan ng pagtrato ni Leon kay Andrei dahil hindi nga pinagsasalitaan ng masasama ng kapatid niya si Andrei pero nakakatensyon ang tinging ipinupukol nito. Parang lagi itong naghahanap ng Mali sa kilos at pananalita ni Andrei. And it hurts dahil mahal niya ang mga ito at hindi niya kayang makita sa ganoong sitwasyon. Ayaw niya ding magkasamaan sila ng loob na magkapatid. Pero iisa ang sigurado niya, ipaglalaban niya ngayon si Andrei. Handa siyang isugal ang lahat-lahat ke aprubado nila Leon at parents nila ang relasyon nila ngayon o hindi.

"Wala akong ibang hangad Lia kundi ang lumigaya ka kaya kahit masakit sa akin nirerespeto ko ang desisyon mo. It's your life. It's your choice pero kung babalik ka ulit sa akin na umiiyak baka hindi na ko makapagpigil at makakatikim na sa akin ang lalaking nanakit ulit sa iyo."sabi ni Leon na puno ng pagpapahalaga sa kanya.

Itinigil niya ang ginagawa upang yakapin ito. Natouch siya sa sinabi nito.

"Nag-iisa ka lang para sa akin Lia at handa kong gawin ang kahit na ano para sa iyo."anito na gumanti din ng mahigpit na yakap. Tuluyan na siyang napaiyak. Damang-dama niya ang pagmamahal ni Leon. Ito ang naging sandalan niya noong panahong sirang-sira ang puso niya,noong pakiramdam niya ay kailangan niyang lumayo sa lahat para buuin ang sarili niya. At nagawa niyang ibalik ang sarili niya dahil sa suportang ibinigay nito.

"Thank you para sa lahat."anas niya sa pagitan ng paghikbi. Wala pa sana siyang balak na humiwalay dito ngunit pumasok sa kusina si Andrew at nagtatakang nagtanong.

"Why are you crying mom? May masakit ba sa inyo?"

"Wala Andrew."sabi niya na lumuhod para magkapantay sila ng mga mukha. Pinunasan niya ang gilid ng mga mata.

"I thought..."sabi nito na Hindi na itinuloy ang anumang sasabihin sana. Tumitig ito sa kanya bago pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi niya.

"Sa labas na muna ako."paalam ni Leon ngunit pinigilan ito ni Andrew.

"Uncle pinaiyak mo ba ang mom ko?"

"Andrew!"saway niya sa anak.

"Don't let your mom cry again. Bantayan mo siya para sa akin."sa halip ay sabi ni Leon.

"To whom?"kunut-noong tanong ni Andrew pero hindi sinagot ni Leon ang tanong nito. Lumabas nga ito ng kusina gaya ng paalam nito.

Inihatid pareho nila ng tanaw ni Andrew si Leon hanggang mawala ito sa paningin nila.

"Let me guess, ayaw niya kay Dad?"

Nagulat siya sa sinabi ni Andrew. "Saan mo napupulot ang ganyang ideya?"

"I had my guts mom saka hindi man magsalita si uncle Leon nararamdaman ko sa paligid nila ni Dad."

"Sinabi ba iyan ng dad mo?"pagalit niyang sita.

"No."ani Andrew. "Ramdam lang talaga."

Humugot siya ng malalim na hininga. "Huwag mo nang iparating sa daddy mo ang bagay na ito. Mas lalo lang silang magkakailangan ng uncle Leon mo."

"Nahhh. Don't worry mom nakazip ang bibig ko. and I really like them to be close kasi mas malapit si Uncle Leon kay Uncle Jaco."

"Kung anu-anong sinasabi mo."natatawang sita niya sa anak bago ginulo ang buhok nito.

Hindi nagpakita ng anumang pagka-asar si Andrew o pagkatinag bagkus ay nanatili itong seryoso. "Natutuwa akong okay na kayo ni daddy. And you know ngayon ko lang aaminin sa inyo na siya lang ang gusto kong makasama nating dalawa. Although mabait si uncle Jaco sa akin still hindi ko pa rin siya daddy. At saka siya naman ang mahal mo di ba?"

"Kung anu-ano talaga ang sinasabi mo."sabi niya bagaman tinamaan sa sinabi ng anak.
Napaisip siya dahil ngayon lang nagsabi ng saloobin sa kanya si Andrew patungkol sa daddy nito at kay Jaco pati kay Leon.

"Mom hindi ako papayag na paiyakin ka ulit ni dad at hindi din kita paiiyakin."parang matandang pangako ni Andrew. "Sisiguraduhin ko na lagi kang magiging masaya sa piling niya at piling ko."mahigpit na yakap ang isinunod ni Andrew sa sinabi nito. Sunud-sunod na pagpatak naman ng luha ang naging pagtugon niya sa binitiwang salita ng anak. How ironic dahil hindi daw siya nito paiiyakin pero heto't umiiyak siya-pero hindi dahil sa lungkot kundi sa galak sapagkat damang-dama niya ang pagmamahal ni Andrew.

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Where stories live. Discover now