Chapter 26

21.8K 515 9
                                    

Lia

            Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Lia. Nakatingala siya sa kisame ng kanyang silid kahit wala naman siyang maaninaw doon dahil patay ang ilaw. No doubt she was grieving. Papaanong hindi kung tatlong bagay ang bumalaga sa kanya. Una, may girlfriend si Andrei, pangalawa ay nagpaplano na itong magpakasal sa iba at pangatlo, mahal na mahal niya pa rin ito. Hindi nakatulong ang paglayo niya para “patayin” ang damdamin niya dito.

            Isang napakalalim na buntunghinga ang pinakawalan niya. Kanina pa siya nakahiga ngunit gising na gising pa rin ang diwa niya. Papaano ba siya makakatulog kung bawat segundo ay si Andrei ang nilalaman ng isip niya.

            Naalarma siya ng umingit pabukas ang pinto ng kanyang silid. Mag-isa lang siya doon dahil sa kabilang kwarto natutulog sina Andrei at Andrew. Pribado ang beach house kaya walang ibang tao ang dapat naririto. Papalapit ang magagaan na yabag sa kinaroroonan niya. Sumikdo naman ang dibdib niya dahil sa takot na napasok na sila ng masamang loob.Tumigil ito sa gilid ng kinahihigaan niya.

            “Mom?”

            Nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang tinig ng anak. Pabalikwas siyang bumangon at binuksan ang switch ng night stand.

            “You’re still awake, honey.”sabi niya sa anak na pupungas-pungas. Nakadamit pantulog ito at gulu-gulo ang buhok.

            “I can’t sleep.”reklamo nito.

            “Katabi mo na ang dad mo hindi ba?”masuyong sabi niya bago kinabig palapit ang anak.

            “Umalis siya.”sumbong nito sa nanunulis na nguso.

            “Umalis?”patakang tanong niya.

            “Inihatid niya si tita Shane sa bayan, at hindi pa siya bumabalik.”bumangon ang inis niya kay Andrei. Umalis itong hindi nagpapaalam gayong ang buong pag-asa niya ay natutulog ito kasama ng anak nila. And most importantly ipinakita lang nito na mas priority nito si Shane over kay Andrew.

            “Come here, baby.”sabi niya sa anak. Payakap niya itong tinulungang sumampa sa kama.

            Mahigpit naman na yumakap si Andrew sa beywang niya ng huumiga ito. “I’m scared mom.”

            “Don’t be honey-

            “I’m scared na mawala sa atin si daddy.”putol nito sa sasabihin niya. Humikbi nang mahina ang anak nila. “Natatakot akong mawala siya, do something mom.”pakiusap nito.

            Mabigat ang loob na hinaplos niya ang ulo nito.

            “Please mom, do something.”

            “I will honey.”pangako niya kay Andrew kahit ang puso niya ay naghihimagsik kay Andrei. Ano ang karapatan nitong paiyakin ang anak nila?

            Morning comes. Maingat na bumangon si Lia upang iwan si Andrew sa higaan. Awang-awa siya sa anak dahil nakatulog itong may luha sa mga mata. Pumunta siya sa kusina dahil narinig niyang may kumikilos doon. Naabutan niyang nagluluto si Andrei ng pang-almusal.

            “Good morning Lia.”masiglang bati nito nang maramdaman ang pagdating niya. Saglit itong lumingon sa kanya bago muling bumalik sa ginagawang paghahalo sa sinangag na nasa kawali.

            “Anong oras ka nakabalik?”pangangastigo niya dito. Inalis niya sa isip na napukaw nito ng husto ang atensyon niya dahil sa mabango nitong amoy dahil mukhang kaliligo pa lang nito.

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon