KC68

3.4K 66 0
                                    

Ara

Tatlong araw nalang ang ilalagi namin ni kuya dito sa america at babalik na kami ng pilipinas.

Kahapon buong araw akong kinulit ni mika kaya hindi ko nabisira si Alex kaya ngayon eto ako nagbibihis dahil pupuntahan ko si alex sa school nya. Ako muna ang sundo nya ngayong araw na to

"Oh? Porma ah. San ang lakad?" Si kuya Mark

"Dyan lang. San nanaman nagsuot yung kapatid ko?"

"Haha. Ewan dun. Maagang lumayas" ipinagpatuloy na nya kung ano man ang ginagawa nya.

"Busy masyado kuya. Hanap kana ng girlfriend para may mag aalaga na sayo" tapik ko sa balikat nya "mauna na muna ako."

"Kung taga alaga lang pala bat hindi nalang ako kumuha ng yaya? Ang babae inaalagaan yan hindi ginagawang alipin" tawa nya.

"Makata kana? Lalim nun. Bye" kaway ko bago ako lumas ng pintuan

"Ingat! Wag ka papabugbog" dinig kong sigaw nya mula sa loob.

.

.

.

"Mimi! I miss you..." yakap nya saakin ng maka labas na sya ng room nila.

"Na miss ka rin ni mimi baby" binuhat ko na sya kasama ng bag nya at lunch box at nagtungo sa sasakyan

"Mimi... aalis kanaba? Balik ka agad dito ha?" Tukoy nya sa pagbalik namin sa pilipinas

Kung dati ayaw na ayaw ko ang magtagal sana dito sa america ngayon parang ayoko nang umalis dahil sa makulit na batang to.

"Babalik naman ako dito baby hindi ko lang talaga alam kung kaylan.. pwedeng matagalan ang pagbalik ko dito" gulo ko sa buhok nya ng mailagay ko na ang seatbelt nya.

Natahimik sya bigla.

"Kung sana malapit lang ang America sa pilipinas ok pa. Kaso ang mahal ng ticket eh. Mamumulubi si mimi" tawa ko at inistart na ang kotse para maka alis na kami.

"Mimi. ... love mo ba ako?" Napa tingin ako sakanya pero kaagad don naman akong nagbalik ng tingin sa kalsada

"Oo naman... baby kita eh" ngiti ko

"Eh si mommy? Love mo ba sya?"

"Love ko si mommy mo kase friends kami..."

"No mimi... alam mo yung love? Yung pag may crush ka? Tapos love mo sya kase may baby kayo?"

Naku, san nya kaya nalaman ang ganitong bagay?

"Hmm? Baby San mo nalaman yan?" Inihinto ko ang sasakyan sa may harapan ng isang fast-food para maka kain muna kami.

"Dun sa naka laro ko po kaninang break time" binuhat ko na sya papasok.

Magiliw syang nagkwento tungkol sa naka laro nya habang hinihintay namin ang inorder namin. Hindi nya classmate yung bata.

"Ano bang pangalan nya?" Tanong ko

"Ken... yehey!" Ang saya nya ng dumating na ang orders namin

"Lalake pala yung naka laro mo?" Tanong ko

"Di pow.." puno ang bibig nya ng pagkain

"Lunukin mo na muna yan" utos ko. Baka mabulunan pa dahil sa kakulitan nya.

"Babae sya. Pero yung haircut nya pang lalake.. dalawa ang mommy nya gaya ko tapos... wala syang daddy" pabulong lang huli nyang sinabi.

Naawa ako sa bata tuwing daddy na ang napag uusapan biglang nag iiba ang mood nya.

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon