Yung ipinag lalaban mo may pinag lalaban ding iba

4.7K 85 15
                                    

"Akala mo perfect na ang lahat pero hindi pala"

Yung tipong, sobrang sweet nya at halos hindi na kayo mapag hiwalay ng sino man.

Akala mo happy ending na pero tangina may biglang umepal.

Sabi nya mahal ka nya pero nagpa landi naman sa iba, pakitang landi lang pala ang lahat.

"Iyak ka nalang kim! Kesa sa hindi ka nag sasalita dyan baka mabaliw ka" Si aly yan na kanina pa naiinis.

Baliw ba sya? Hindi ko nga alam kung paano ko ililihis tong sakit na nararamdaman ko dude!

Oo na nga diba?! Wala na kami ni mela, ayun may ibang ka ano-han at ang sarap lang talagang ibitin nung taong ipinag palit nya saakin.

"Inom tayo" tumayo nalang ako at lumabas na ng bahay dahil hindi ko na sila mahihintay kaya sumakay na ako sa sasakyan ko at iniwan na sila.

Mag hahanap muna ako ng magandang lugar te-text ko nalang sila kung saan man ako mapadpad ng pag mamaneho ko.
.
.
.
Sa sobrang tagal ko siguro sa pag mamaneho wala na ako sa manila at nangalay narin ang paa ko.

Nag sisi tuloy ako na hindi ko hinitay yung dalawa sana may kahalili ako sa pag mamaneho.

Sumulong pa ako at nag hanap ng 7/11 para makapag pahinga muna at medyo gutom narin ako.

Bumili lang ako gatas na maiinom at isang sandwich.

Hindi na ako bumili ng alak at ayokona pahirapan pa ang ibang lamang loob ko tama na ang puso ko na nag durusa -_-

Pabalik na ako sa sasakyan ko ng may biglang humarurot na kotse sa may likuran ko at ang hayop sakin talaga sya patungo.

"Ayy punyeta!" Sa sobrang kaba ko na baka ma bunggo ako ay nai tapon ko sa ere ang hawak kong pagkain.

"Hoy!! Hayop ka!" Dali dali akong sumakay sa kotse ko at hinabol ang walang hiyang driver na gustong kumitil ng buhay ko.

Sobrang pag durusa naman tong ibinigay sakin. Halos mamatay matay na nga ako sa pag iwan sakin sa ere tapos ngayon na kakain nalang ako may gusto pang sumagasa sakin.

Ewan ko pero parang nag eenjoy ako sa pag habol ko sa tanginang driver na to dahil ang galing galing nya mag maneho at ang layo ng pagitan namin.

"Shit!" Pag tingin ko sa side mirror may police mobile na naka sunod sakin at pag lingon ko sa sasakyan na hinahabol ko ay lalo pa syang naka layo saakin.

Kung hihinto ako argabyado ako dahil muntikan nanga akong mamatay baka makulong pa ako kaya naman lalo kong binilisan ang pagpapa takbo.

Bahala na kung ipa tawag ako bukas ng LTO para kumpiskahin ang lisenya ko pero hindi ko pweding patakasin ang walangya driver na'to.

Sinundan ko lang sya hanggang sa napansin kong wala nang police mobile na naka sunod saamin.

Bigla naman akong napa apak sa preno ng huminto ang sasakyan sa harapan ko.

Ang layo na ng narating namin at wala narin akong nakikitang sasakyan na dadaan sa kinalalagyan namin.

Nag bukas ang pintuan ng sasakyan nya at mukhang nag kamali ata ako sa pag sunod sakanya.

"Wow ha, at talagang naka sumbrero pa sya eh wala namang araw" napapa iling nalang ako.

So babae pala tong kanina ko pa hinahabol.

Lumbas na ako ng sasakyan at dahil hindi ko maaninag ng maayos ang mukha nya ay nag lakad narin ako palapit sakanya.

"Cyd?!"

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Where stories live. Discover now