KC 66

4.7K 84 3
                                    

.......

Ara

Anim na araw nalang ang ilalagi namin dito sa america at babalik narin kami sa pilipinas.

Dapat kase isang lingo lang ako dito pero ayan at kasama ko si kuya kaya medyo tumagal at naging two weeks.

Si alex yung anak ni Hannah ang bibo masyado. Lagi nang tumatawag saakin kapag sasapit na ang hapon.

Nagmamaneho ako patungo sa bahay nila Hannah. Naka pangako kasi ako sa bata na sasamahan ko sya sa pagpasok sa school nya ngayong araw kaya heto at ang aga ko gumising para maihatid sya.

Nasa malayo ka palang kita mo na si alex na naka tayo sa may tabi ng kalsada.

Nasa kindergarten palang sya kaya ayan at exited palagi sa pag pasok.

Matapos ko magpark ng sasakyan kaagad nya ako sinalubong pagkababa ko dito.

"Hello mimi... aymishyu" ngiti nya.

"Namiss din kita lil'princess"

Hinawakan nya ako sa kaliwang kamay ko at hinatak ako.

"Nasa loob si mommy.. nag pe-prepare ng food ko for school"

Pumasok na muna kami sa loob ng bahay at pinuntahan sa kitchen si Hannah.

"Wow,. Sarap naman nyan" sita ko pero hindi manlang ako pinansin.

"Mimi..." hatak ni alex sa dulo ng damit ko

"Why baby?" Binuhat ko sya

"Ikaw din ba susundo sakin sa school?" At hinalik halikan nya ako sa pisngi.

"Hmm... kung gusto mo kahit bantayan pa kita" sabi ko at ang saya ng mukha ng marinig iyon

"Wag mo I-spoiled yan... baka masanay at hanap hanapin" si Hannah. "Baby si mommy ang susundo sayo mamaya ok? May trabaho pa si tita ara eh" dagdag nya.

Halata sa itsura ng bata ang pagka dismaya.

"Hindi naman sa sinasanay... minsan kase kaylangan din naman silang pagbigyan.. bata eh. Babatayan ko naman sya" ngiti ko

"Bakit? May anak kanaba kung kayat alam mo yang mga ganyang bagay?" Hannah

"Oo.. baby ko si alexsa. .. diba baby?" Baling ko kay Alex

"Yes mimi.." yakap nya sa leeg ko

"Tsk. Dadagdagan ko nalang tong baon ni alex para may makain karin kung yan ang gusto mo" wala na syang naga kung hindi pumayag.

.

.

.

Nandito lang ako sa may waiting area habang hinihintay ang break time nila alex.

Lahat ng classmates nya mga pilipino dahil dito sya sa exclusive school in-enroll ni Hannah. Para narin siguro hindi sya gaanong manibago sa mga naka paligid sakanya.

"Mimi!" Masigla nyang tawag saakin ng lumabas sya ng room nila.

"Hi princess, break time nyo naba?" At tumango lang sya.

.

"Alam mo mi, mamaya may activity kami. Mag d-drawing kami" masaya nyang kwento habang kumakain

"Wow naman,. Pagbutihan mo ha? Para maging proud si mommy mo sayo" ngiti ko sakanya.

"Opo.."

Ng matapos syang kumain nag umpisa na ulit ang klase nila.

Natunganga lang ako ng mag ring ang phone ko.

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant