KC20

7.9K 100 2
                                    

.

.

.

.

.

napa balikwas si Jov ng may biglang nalang bumagsak sa tyan nya kaya napa upo sya habang hawak ito.

"anak ng!" pabalibag na inalis ni jov ang paa ni kim na naka patong kanina sa tyan nya

tumayo na sya at bumaba ng living room.

nandito sila sa bahay ni ara dahil malapit lang ito sa pinuntahan nilang bar kagabi kaya dito na sila natulog.

nagtimpla sya ng kape at naupo sa may sofa dito sa sala at inalala ang nangyari kagabi

*flash backs*

nasa kalagitnaan ng pagsasaya sina jov ng may pamilyar na amoy ang naka kuha ng atensyon nya kaya naman sinundan nya ito hanggang sa may wash room.

pagbukas nya ng pintuan nakita nya si rad na naghuhugas ng kamay sa may sink.

dali dali nyang isinara ang pintuan ng wash room at palinga lingang bumalik kung san ang table nila.

"nakita ko si rad" sabi nya sa mga kaybigan niya

"ano? nandito sila?" aly

"bakit??" kim

"nag txt sakin si den, sabi nya kasama nya sina rad at lumabas daw sila." aly

"hayyys.. teka, baka pag nakita nila tayo kung ano ang isipin nila. kasama pa naman natin sila" tukoy ni kim kina Christine

"ayshh.. gulo to kim, bakit naman kase dito pa sila pumunta?" jov

at nagkibit balikat lang si ara habang naka akbay parin kay Christine

palinga linga lang si jov ng makita nya si rad na lumabas na mula sa wash room at mukhang pabalik na sa table nila

"yuko" saad ni jov sa mga kasama nya at sumunod naman ang mga ito habang sya pasimple paring naka tingin kay rad na naupo na at nakita nya kung sino ang mga kasama nya

"shit! ara, alisin mo yang pagkaka akbay mo kay Christine kung ayaw mong mabasted kaagad" sabi ni jov kay ara

"bakit ba?" tanong ni ara at inalis na ang pagkaka akbay nya

"ayun sila oh, kasama nila sina mela,shiela at ang kambal" pasimple nyang turo pero parang naramdaman ni rad na may naka masid sakanila kaya tumingin sya sa gawi ni jov at nakita naman yun nila ara kaya pasimple silang nagalis ng tingin sa gawi nila rad at kanya kanya ng tago ng mga mukha nila.

"huh! buti nalang madilim" jov

"alis na tayo dito kimmah" aly

"oo nga, tara na" jov

dali dali silang lumabas ng hindi sila napapansin ni rad

"anak ng! kim! bat naman kase dun mo pa naisip na makipag kita?" aly

"ba, alam ko ba na pupunta sila doon?" kibit balikat na sagot ni kim

"hahaha.. lagot kayo sa girlfriends nyo mga tyong" tawa ni Chloe

"pano ba yan? kami na ang mag d-drive sa mga sasakyan nyo. mga may tama na kayo eh" Michelle

"hindi ok lang" pag protesta ni ara

"hahaha... yang itsurang yan na lupungay pungay na ang mga mata? ah oo, mukhang ok nga lang kayo" sarkastikong sabi ni Chloe habang naka turo kay ara

"malapit lang yung bahay ni ara dito kaya ok lang kami" kim

"anong malapit? ha! hindi kayo matutulog sa bahay ko.." ara

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Where stories live. Discover now