KC59

4.5K 86 2
                                    

......

Aly

Papunta ako sa condo ni Rad dahil ako ang susundo sakanya ngayong araw.

Salit salitan kaming tatlo nila kim sa pag sundo kay rad kumbaga naka hanap sya ng instant driver.

Imba talaga pag buntis pabor sayo lahat.

.

.

"Aly... namimiss ko na si jov" saad nya pagsakay nya sa kotse

"Queenie kumakayod yung si Jov para sa magiging baby nyo" napa-iling nalang ako

Mag i-isang lingo na mula ng umalis si Jov. Pero noong pangalawang araw palang na wala sa tabi nya si Jov gusto nya pauwiin na nya kaagad. Txt pa ng txt kay jov na bakit daw sya alis ng alis baka naman may iba na sya.

Nakaka loka kaya. Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Jov ang pasensya nya. Maging kami nadadamay sa pag iinarte nya pag namiss nya yung tao. Damay na kung damay.

"Aly... puntahan natin si shiela sa america" yugyog nya sa kamay ko habang nagmamaneho ako

"Ugh Queenie mabungo tayo patay ako kay Jov pag nagkataon" suway ko sakanya

Ano sya sinuswerte? Kung maka yaya na puntahan si shiela akala mo naman nasa kanto lang yung tao e milya milya ang layo ng pilipinas sa america

"Namimiss ko na sya" nag pout sya at nag ayos na ng upo

"Wag ako kulitin mo dyan sa bagay na yan... si ara dapat" saad ko

(Flash back) (nang makita nila si shiela ng mag grocery sila)

Niyaya namin si munchie mag breakfast kahit na kaka-kain lang namin matapos namin mag jogging

"Ano order mo ara" si mika

Sya nalang kase ang hindi nag sasabi ng order

"Busog ako" simple nyang sagot

"Hindi pwede. . Kumain ka. ." Mika

"Kung ano nalang yung sayo yun nalang din yung akin" sagot ni ara at nag tuon ng pansin sa cellphone nya at nag earphones pa

Bahala sya sa buhay nya. Ayoko gatungan yang kaartehan nya.

Last year kung maka emote sya at makapag hanap ng palihim kay shiela para lang sira tapos ngayon nandito na sa harapan nya yung tao hindi naman nya kinakausap

"Munchie kelan ka babalik ng America?" Tanong ko

"May 15 days pa ako para sa bakasyon ko dito" sagot naman nya

Kanina kasama namin si Donna pero tumangi syang saluhan kami sa breakfast kaya nauna sa syang umalis.

"Uh-hmm" tumango lang ako

"Siguro naman pwede na naming makuha yung address ng tinutuluyan mo?" Si kim

"Ok,. Sasabihin ko nalang kay mela" shiela

"Bat sakanya pa nandito naman kami" kim ulit.

"Basta." Ngiti nya

Si mika lumabas may kinausap sa telepono matapos nya ibigay yung order ni ara

"Pst!" Si kim yan kaya sabay kaming napa tingin ni shiela sakanya.

Naka nguso sya kay ara at nginitian nya si shiela

"Sira ka talaga kim" duro ko sakanya

Ngumisi naman sya kay shiela.

"Wag mo na pagtripan. . Naka earphones yung tao" shiela

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon