keeping closer

27.9K 245 2
                                    

"oh, ang aga naman ng alak nayan? hindi kananaman siguro papasok ano?" tanong ni rachelle kay ara na kasalukuyang umiinom ngayon sa mini bar nya dito sa bahay na ipina tayo nya na dapat ay para sakanilang dalawa ni mika pero iba ang gusto ni Destiny kaya ayun, ang inakala nyang forever matatapos pala ng ganun ganun nalang.

"tamad ako" simpleng sagot ni ara at ininom ang natitirang alak sa baso nya

"move on na uy! mag tatatlong taon ng wala yung tao hanggang ngayon bitter parin." sabi ni Rad at kinuha ang bote ng alak ng akmang lalagyan pa ni ara ang baso nya.

"tshhh.." tumayo si ara sa kinauupuan nya at nagtungo sa living room sabay bagsak nya sa katawan nya paupo sa couch at naka sunod lang sakanya si Rad

"pirmahan mo muna to, ikaw nalang ang walang pirma dyan" abot ni Rad kay ara ng isang folder na naglalaman ng mga papeles.

"lagay mo muna dyan, mamaya na ako pipirma" Ara

"hindi pwede, pipirma ka o pipirma?, kaylangan na ngayon yan para maayos na ni kim yung mga ide-deliver nila mamaya" Rad

"oo na, oh" pinirmahan na ni ara ang mga papeles at ibinigay na ulit kay Rad "ayan"

"Good girl" top ni rad sa ulo ni ara na parang bata

"anong oras ka pupuntang office?" ara

"hahatid mo ako?" rad

"ha! swerte mo naman kung ganon ang gagawin ko?" ara

"naku! pag si mika kahit nasan sya pag sinabi nyang sunduin mo sya game ka, bakit pag ako na kaybigan mo slash business partner slash driver pag nalalasing ka slash crying sholder mo ng nawala si----"

hindi na natuloy ni rad ang sasabihin nya ng biglang tinakpan ni ara ang bibig nya

"oo na! kung maka konsensya ka naman parang ang laki ng utang na loob ko sayo ah?" ara

"ha! talaga! gusto mo isa isahin ko yung mga mabubuting ginawa ko sayo ng iniwan ka ni---"

"ah! ah! tama na, oo na. maka sigaw ka bunganga mo ang lake...sumabay kana sakin at papasok nalang ako ngayon" sabi ni ara at tumayo na sya para maghanda na sa pag-alis nila

"gago ka ah! hoy! mas malake yang sayo!" sigaw ni Rad ng nakapasok na si ara sa kwarto nya

.

.

.

.

.

.

F.F.

nakarating na ang dalawa sa katipunan kung saan nandito ang isa sa pinaka paboritong branch ng restaurant nila, dito narin sila nag me-meeting kaya nagtayo na sila ng office nila dito at ang buong third floor ay exclusive lang para sakanila.

pagbukas ni Ara ng pintuan sa opisina nila bumungad sa paningin nila si kim at Alyssa na nag ku-kwentuhan.

*tok*

*tok*

katok ni Rad pero nakapasok na silang dalawa ni Ara

"sinipag ata ms. broken hearted" biro ni aly kay ara at natatawa nalang si rad at kim

"tss... si kim nalang pagtripan mo" sabi sakanya ni ara

"duhh! ako nanaman ang nakita mo" maarteng sabi ni kim kay ara sabay irap

.

.

.

.

kumakain ng lunch ang apat ng may kumatok sa pintuan.

"pasok" bahagyang sigaw ni kim at muling nagpatuloy sa pag kain

"hi brothers, kamusta ang baby damulag ko? naalagaan ba ng mabuti?" bungad sakanila ng babae at lumapit sa apat na napa tigil sa pagkain at tumingin sakanya

"ayan, ang haba na ng sungay paki putol" turo ni kim kay rad at inirapan naman sya ni rad

"oh? bat nandito ka?" tanong ni rad

"grabe naman, parang sinabi mo na ayaw mo akong nandito" maktol nya at lumapit sa kinauupuan ni rad at may kinuha na kung ano sa bulsa nya "para sayo" abot nya kay rad

"hmmm... ano yan?" tanong ni rad habang naka turo sa hawak nyang kahon

"kunin mo muna kase tapos buksan mo, nakaka ngawit kaya"

"akin na, mamaya ko nalang bubuksan" kuha ni rad at ipinatong sa isang upuan

"haha..ang hard sayo ni rad, jovs" aly

"oo nga eh, pasalamat sya cute sya" jov

"cute ba? san banda?" basag ni ara at umasta na hinahanap kung saan banda

"loko!" pitik ni rad sa noo ni ara

"tsk! tama nayan, sumabay kana samin sa pagkain jov"

"opss. teka, kaka txt mo lang sakin kanina na naka kain kana kaya wag mong sabihin na kakain kana nanaman" rad

"kahit naman kumain ako ng kumain sexy parin ako *wink*" sabi ni jov kay rad

"ang dami nanga ng bilbil mo kung maka sexy ka kala mo naman..." rad

"asus.... kung maka lait wagas tapos pag nag away iyak ng iyak" siko ni ara kay rad

"sinong umiiyak???" pang iinis ni jov kay rad

"huhuhu. nakaka inis sya hindi nyamanlang ako sinuyo. sasapakin ko sya pag nagkita kame" pang gagaya ni aly kay rad ng umiiyak sya noong nagka tampuhan sila ni jov

"yack!" tapon ng napkin ni rad kay aly at nag tawanan na sila except kay rad na sobrang pula na sa inis.

nag kwentuhan lang sila habang kumakain at patuloy paring inaalaska si rad ng mga kaybigan nya at ginagatungan pa ni jov.

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Where stories live. Discover now