KC65

4.8K 86 2
                                    

....

Ara

"Mauna na ako,." Paalam ko kay Hannah na nandito sa may kusina at naghahansa ng agahan.

"Mamaya na,. Dito kana kumain matatapos narin naman to" hindi sya nag abalang lingunin ako.

Pag-gising ko kanina alas syete na kaya dali dali akong lumabas ng kwarto. Sa may sofa na ako natulog kaninang madaling araw kaya ang sakit ng likod ko.

"Hindi, ok lang.. sa bahay na ako.. baka kase hinahanap na ako nila kuya"

"Alam na nilang nandito ka,. Kaninang madaling araw ring ng ring yang phone mo ginigising naman kita kaso tulog mantika ka kaya ako na ang sumagot" sabi nya ng hindk parin naka tingin saakin

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Ugh! Naloko na. Pagtitripan nanaman ako ng dalawang yun pag nagka taon.eh iba mag isip yung dalawang yun. Kalalakeng tao may pagka malisyoso.

"Mommy. ... gutom na ako" napalingon ako sa may likuran ko.

Si alex kakagising lang, nagkukusot ng isang mata habang naka hawak sa may dulo ng damit ko.

"Good morning little girl" lumuhod ako para magkasing tangkad nalang kami.

"Uh morning big girl" ngiti nya at hinalikan ako sa May tungki ng ilong.

"Hey baby,. Toothbrush ka muna bago mo halikan si tita" si Hannah

"Ok lang,. Ang bango nga nya. Amoy baby parin" lingon ko sakanya at nagkibit balikat lang sya at itinuloy ang pagluluto.

"Tita... buhat moko dun tayo sa sofa" kalabit nya sakin.

"Sure... halika!" Biglang buhat ko sakanya na ikina gulat nya dahil napa sigaw sya.

.

.

"Tita ara,.. uhm.. can I call you mi-mi? Uhm like mommy? Huh?" Yugyog nya sa kamay ko.

"Sure.." gulo ko sa buhok nya. Ang cute lang pag nag pa-pout

Nakipag kwentuhan pang sya hanggang sa tawagin kami ni Hannah na kakain na.

Nakakatuwa syang ka-kwentuhan dahil para na syang matanda.

"May crush kana mi? Eh baby na tulad ko?" Si alex kaya napatigil ako sa pagsubo

"Baby,. Kain kana huh? Wag kana muna magsalita" suway ni Hannah

"Haha.. ok lang,." Sabi ko kay Hannah "wala akong crush eh tsaka baby" sagot ko

"Talaga?" May laman pa ang bibig nya habang nag sasalita

"Alex... lunukin mo na muna yang nasa bibig mo.." Hannah

Sinunod naman nya ang inutos ni Hannah bago nagsalita ulit.

"Edi ako lang ang tumatawag ng mimi sayo? Ako lang baby mo?"

Tumango tango lang ako.

"Mimi,.. balik ka mamaya ha! Laro tayo.." yakap nya ng mahigpit sa leeg ko.

Karga karga ko sya habang nandito kamung tatlo sa bukanan ng gate nila.

"Sa susunod nalang baby,. Di ako pwede mamaya eh. Magtatrabaho muna si mimi huh?"

"Di moko love? Eh kase pag si mommy umaalis na pagka tulog ko"

"Syempre love.. si mommy mo gumigimik yan pag iniiwan ka"

"Huh?" Walang muwang na pagtataka ni alex

"Hoy miss! Kung ano ano pinag sasabi mo sa anak ko ha" palo sa braso ko ni Hannah

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Where stories live. Discover now