KC 53.. (flash back)

3K 70 3
                                    

Continuation. . (Random)

.

.

...

Aly

Tomorrow na ang big day para sa resto kaya kung maka apura tong si Queenie eh wagas.

Kasama na namin si Jov. Tulad nga ng sabi nya gagawa sya ng paraan para maka attend ng opening ng resto, hindi nalang sya basta kaybigan lang na girlfriend ni Queenie dahil part na sya ng business.

Halos dalawang bwan na din ang nilalagi namin dito. Yung mahal ko ayun at pinag extend ko ng leave nya na dapat isang bwan lang. Haha hindi naman sya mabitawan ng boss nya kase isa sya sa mga magagaling nyang empleyado..

Si kim ayun, landi ng landi kay mela pero madalas silang nag aaway kahit maliit na bagay lang pag aawayan na nila ganun sila katungek.

"Aly! San na yung pinapa kuha ko?" Ay tangna. Nabalik ako sa ulirat ko ng sumigaw si ara

"Ayan" abot ko sakanya ng mga copies ng mga ingredients na pinakuha nya sa bag nya.

"Ang bagal naman" reklamo nya.

Napaka reklamador naman nya. -.-

"Munchie. .." tawag ko sa pansin ni bang ng maupo ako sa tabi nya.

Busy masyado sa pag aayos ng mga cards.

"Hmmm?"

"Eh love moko? Huh?" Yakap ko sa bewang nya

"Oo" simple nyang sagot. Walang tinginan yun ha.

"Eh. Ang busy naman kase masyado.. pati si denden kanina pa may ginagawa ako inuutusan lagi" reklamo ko at pinitik nya ako sa noo

"Syempre wala ka naman ginagawa.. ayan tapos na ako.." humarap sya sakin at inakbayan ako

"Kwentuhan tayo munchie?"

"Nag ku-kwentuhan na tayo ly" ngiti nya

"Yeah... nag ku-kwentuhan na nga... pero may gusto kabang ikwento sakin?"

"Uhmm.." umakto syang nag iisip at naka hawak pa ang isa nyang kamay sa baba nya "wala akong maisip eh.. manahimik nalang tayo haha"

"Meron munchie... alam ko meron" siryoso kong bulong sakanya "busy silang lahat pwede kang mag share" dagdag ko

Ngumiti lang sya ng pilit... hayys.. sabi na't meron tong problema.

"Ikaw talaga munchie" at kinagat nya ako sa braso kaya napa alis ako sa pagkaka yakap sakanya

"Aray ha!" Ang sakit nun! Pagtingin ko sa braso ko namumula na. Aysh!

"Haha. Edi gumaan ang atmosphere. Masyado mong pinapabigat" gulo nya sa buhok ko

Sya naman ang yumakap sakin ngayon at inihilig ang ulo nya sa dibdib ko. Kung may makaka kita samin ngayon aakalain na mag nobya kaming dalawa.

Padaan daan lang si kim sa harapan namin kanina pa pero wala syang pake elam eh malamang wala namang malisya duhh!

"Gusto mo i-share??" Tanong ko sakanya pano kanina pa sya huminga ng napaka lalim

"Hindi... okay lang ako"

"Ok.. sabi mo eh. Pero payo ko sayo. Mas magandang ilabas mo na muna yan baka maipon at sumabog bigla"

"Adik! Ang lalim mo ha!" Palo nya sa tyan ko

"Eh pano kanina kapa bumubuntung hininga dyan" I said seriously

"Eh pano ang baho mo"

"Ah talaga? Oh bakit naka yakap ka parin sakin?"

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Where stories live. Discover now