KC14

7.7K 107 0
                                    

Ara's pov

busy ako pag alala ng nangyari kagabi ng may tumabi saakin at sumandal sa shoulder ng sofa sabay taas ng paa at pinatong sa legs ko

"haha yang mukhang yan ang gusto kong picturan" sabi ko sabay pinicturan si jov na gulo gulo pa ang buhok at naka tingin lang sakin ng masama "good morning ma'am" bati ko sakanya at ibinulsa na ang cellphone ko

"good morning mo mukha mo" sabi nya at inirapan ako

"taray..." sabi ko at ng kukunin ko na ang kape ko na ipinatong ko sa center table bigla nya itong kinuha at ininom."sakin yan ah?"

"oh ayan sayong sayo na" abot nya sakin ng tasa na wala ng laman

"ang daya! inubos mo eh"

"ok lang yan, gawa kanalang ulit para satin" sabi nya

"ang sakit ng ulo ko....." dinig kong sabi ni aly at tumakbo sya papunta saamin at ibinagsak ang sarili sa sofa kaya nasa gitna namin sya ni jov na napaka maagap dahil bigla syang nag ayos ng upo at ibinaba ang paa nya hahaha kung nagkataon putol na ang mga ito.

"ayan. tagay pa.." sabi ko

"asus! naka score kanga eh" sabi ni aly kaya naman napatingin ako sakanya

"huh??" ako

"alam mobang nakasunod kaming dalawa ni denden sainyo at nakita ko na niyakap ka ni bang? at bumalik lang kami sa loob dahil nga narinig kong may nag aaway at yan" tturo ni aly kay jov "bigla silang nawala yung pala sila yung mga nakikipag away"

"oh, mali yang iniisip mo" pag tatanggol ko sa sarili ko

"ok mali na kung mali, pero tutal single yung tao. ligawan mo na" siko sakin ni aly

"haha oo nga naman" pagsang ayon ni jov

"ganito kase yan. si shiela may girlfriend yan at may tampuhan sila kaya sya ganyan na sinasabi nyang wala syang girlfriend" paliwanang ko

"gaano ba kalala yang tampuhan nayan at nagawa nyang sabihin na wala syang girlfriend?" tanong ni aly at nagkibit balikat nalang ako dahil ayoko magsalita

"baka naman nambabae yung si girlfriend" sabi ni jov at hindi nalang ako kumibo

.

.

.

.

hapon na at nagka sundo na kaming bumalik ng manila dahil nga may mga trabaho pa sina jov at denden pati itong si shiela

"ma, alis na kame huh. ingat kayo, love you" lambing ko sa mama kong maganda

"asus! hindi mo bagay yang ganyan" kotong nya sakin

"aray naman mother" hawak ko sa ulo ko

"haha. bagay nga sayo" singit ni josh "uy bayaw! ingat ka sa kapatid ko ah" dagdag nya at tinanguan si shiela na naka ngiti lang

"haha josh, kaming na bahala sa lovelife ng kapatid mo" akbay sakin ni rad

"at syempre kaylangan nyang makipag participate" gulo ni mama sa buhok ko

"yan ang kaybigan" sabi ni josh at nakipag high five kay kim

.

.

.

.

.

.

kanya kanya na kame ng daan pauwi ng makarating kaming lahat sa manila

"ah thanks nga pala ara" dinig kong sabi ni shiela kaya naman napatingin ako sakanya at kaagad ding ibinalik ang tingin sa daan dahil nagmamaneho parin ako hanggang ngayon.

"para san?" tanong ko habang nakangiti

"uhmm.. dito, yung pumayag kang sumama ako sayo. yung experience kasama ang mga kaybigan mo at ikaw" sabi nya

"haha kaylangan bang ipagpasalamat yung pati experience kasama yung mga yun?" tukoy ko sa mga kaybigan ko

"oo, syempre" sagot nya

"kahit napa away?"

"haha ang cool nga eh. pero wag mo nalang ulitin" sabi nya at hinawakan nya ang kamay ko na naka hawak sa manibela

"pag sila ang kasama mo hindi mo maiiwasan yun lalo nat pag naka inom sila dahil mabilis uminit ang ulo nila pag ganun" sabi ko at itinig na ang sasakyan dahil nasa harapan na kami ng bahay nila at nakita ko na may naka paradang isang sasakyan at inalis nya ang pagkakahawak nya sakin kaya naman tinignan ko sya at nakatingin lang sya sa harapan

pagtingin ko, nakita ko yung naka away nya sa parking ng isang araw. yung girlfriend nya...

"hey... baba kana?" tanong ko sakanya dahil mukhang wala na syang balak bumaba

"umalis nalang kaya tayo ulit?" sabi nya at tumingin sakin

"diba sya yung girlfriend mo?"

"ex-girlfriend" sabi nya

"kahit sino pa yan, pero diba may napag kasunduan kayo na mag uusap kayo?" tanong ko sakanya at tumango naman sya

"pero hindi pa ako ready.." sabi nya

"hindi ready? alam mo" hawak ko sa kamay nya na naka patong sa may legs nya "kaylangan mong maging ready palagi para kung sakaling masaktan ka, yung masakit lang hindi yung masakit na masakit" sabi ko at

"pero masakit na masakit nga eh. hindi ko naman alam na kaya nya palang gawin yun" sabi nya

"pag nagmahal ka, expect the unexpected" sabi at binitawan na sya at inalis ang seatbelt nya "go, mag usap kayo.. yung mahinahon ah? wala ng mananapak.." naka ngiti kong sabi sakanya

huminga lang sya ng malalim

"haha lalim non ah? dali na lumabas kana kung ayaw mong buhatin kita palabas ng sasakyan na to" biro sakanya

"fine.. pag ito, hindi naging maganda ang kalalabasan ikaw ang masasapak sakin" sabi nya at inayos na ang sarili nya

"sige ba" natatawa kong sagot sakanya

"dyan kalang, hintayin mo kami matapos mag usap" sabi nya

"hindi pwede, kaylangan nyo ng alone time para makapag usap kayo ng maayos at kung kaylangan lumayo muna kayo dito at pumunta sa isang lugar para mas makapag usap kayo ng maayos gawin nyo"

"hayy.. bahala na" sabi nya at tuluyan na syang lumabas ng sasakyan at nakita ko na lumapit sakanya ang lesbian.

at sinubukan syang halikan pero nag iwas si shiela.

sumakay sila ng sasakyan at umalis.

"marunong kanaman palang makinig" naka ngiti kong sabi at inistart ko na ulit ang sasakyan at nagmaneho na pauwi.

TBC

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Where stories live. Discover now