KC64

5.1K 87 8
                                    

.

.

Ara

"Ughhh!" Nag unat unat ako dahil kaka gising ko lang at nandito na kami sa bahay ni kuya mark.

Tulad nga inaasahan makakasama ko si kuya dito -.-

Kaninang madaling araw kami dumatin dito sa america at si kuya mark na ang sumundo saamin. Sabi ko nga ako na ang mag drive ng sasakyan nya kaso ayaw haha.

"Hoy ara! Tanghali na tumayo kana dyan kung ayaw mong buhusan kita ng kakakulong tubig" ugh! Si kuya yan walang tigil sa kaka katok.

"Naka gising na! Pwede ba! Lubayan mo nga muna ako kuya" sabi ko sabay tayo at dumeretso sa banyo.

Naligo na muna ako kahit na napaka lamig na may heater naman dito.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si kuya mark na naka bihis.

"Oh san ang punta?" Tanong ko

"Sinasama ako ni kuya mo sa kung saan" naiiling nyang sabi

"Tsk! Ang tagal mo insan" biglang sulpot ni kuya

"Tara nanga.. alis muna kami wag mong susunugin tong bahay ha" tapik sa balikat ko ni kuya mark

Hindi ko nalang tinanong kung san sila talaga pupunta. Inihatid ko nalang sila palabas ng gate para maisara ko rin iyon.

Kumakain lang ako habang nanonood ng movie dito sa may sala. Mamayang 5 ng hapon na ako pupunta ng resto tinatamad pa ako.

Patuloy lang ako sa panonood ng mag ring ang phone ko kaya pagka kita ko si kim ang tumatawag.

"Ano nanaman kayang kalangan nito"

Sinagot ko nalang ang tawag.

"Hello! Oh ano? Nasa America kana?" Si aly.

"Hoy! Bat nasayo yang phone ko ha! Akin nanga yan!" Dinig kong sabi ni kim sa kabilang linya.

Langya. Nangelam nanaman ng cellphone ng may cellphone.

"Teka! Wag ka magulo may kausap ako." Si aly. "Hello? Nandyan kapa ba?"

"Hoy aly! Bigay mo na nga kay kim yang phone nya at kakausapin ko"

"Oo na!.." sigaw nya "oh! Kausapin ka daw ni ara" inis nyang sabi.

"Ano! Walangya ka! Akin na yan. Sakin pa tong ginamit mo" kim

'Sige mag away pa kayo at ng mas lumaki yang bill nyo sa pagtawag.'

Sa isip ko.

"Hello! Anong sasabihin mo? Dalian mo dahil mauubos na load ko neto" mabilis na sabi ni kim.

"Nasa cebu pa kayo ni aly?"

"Oo. Kita mo naman kasama ko parin sya. Sige na. Kung yun lang ang sasabihin mo. Buh bye na. Tulog na ako at higit sa lahat mataas na ang bill ko sa pagtawag ni aly sayo"

At pinatay nanga nya ang tawag. Langya. Diko manlang naka usap ng maayos.

Binisita nilang dalawa ni aly yung branch sa cebu kaya magka-sama sila.

.

.

Matapos ako magbihis lumabas na ako at hinanap ang susi ng sasakyan na iniwan ni kuya Mark.

Dumaan na muna ako sa bahay ng ate ni rad para ibagay ang pasalubong na ipinadala nya para sa ate nya. Ng matapos ko dumaan don ay diretso na ako sa resto. Mag aala-sais na ng maka rating ako.

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant