KC.60

4.6K 82 0
                                    

.....

ARA

Lumipas ang mga araw ng hindi matiwasay. Dahil puro pasakit ang ginawa saakin ni rad.

Yung tipong sarap na sarap ka sa pagtulog mo tapos gigisingin ka nya ng madaling araw para lang magpa bili ng siopao, pansit at ng putong puti basta kung ano naisip nya yun ang ipapa bili nya.

Nong una hindi ko sya pinansin ng pilit nya akong ginigising at wala syang tigil sa pag yugyog sakin dahil gusto ko pa talagang matulog ng bigla nya ako sipain at nahulog ako sa sahig.

Sobrang sakit ng balakang ko nong araw na yun dahil ang pangit ng pagkaka bagsak ko.

.

.

Pero sobrang saya ko ngayong araw na to dahil matatapos na ang pag hihirap ko. Sleepless nights... buh-bye!

Ngayon na ang balik ni Jov galing sa kung saan nanaman. Ewan dun kung saan-saan na nakakarating dahil sa trabaho nya. Pag nagka bagyo takbo sila kaagad sa lugar na yun pag hindi na kayang I-handle ng mga rescue teams.. yun yung kwento nya.

"Ara... san yung pink underwear ko dito?"

Hinahalukat nya ang gamit nya na inilagay nya sa cabinet ko.

Yes sakin yung cabinet na gamit nya dahil nga dito sya natutulog sa kwarto ko at yung mga gamit ko doon sa cabinet? Ayun, inilabas nya kaya inilagay ko na muna sa guest room.

"Ewan ko sayo. Sakin mo hinanap panty mo" naupo ako sa kama habang sya wala paring tigil sa pag kalkal

"Ihh ara naman eh... wala pa akong suot na damit oh."

Naupo sya sa tabi ko. Hanggang ngayon robe parin ang suot nya dahil kakatapos nya lang maligo.

Susunduin sya ni Jov mamayang gabi.

"Anong magagawa ko? Eh wala nga sakin yung panty mo"

Muka ba akong hanapan ng nawawalang panty? -__-

"Lumabas kananga magbibihis na ako" tulak nya saakin ng naka simangot.

Mag tu-two month's na yung tyan nya kaya ganya sya.

Habang nandito sya sa bahay hindi pinapalampas ni Jov na hindi sya tawagan at kamustahin gabi gabi kahit na lagi lang syang inaaway ni rad.

Lumabas na ako at hinayaan na sya. Diretso ako sa guest room para maligo. Baho ko na amoy ulam. Kakatapos ko lang magluto ng kakainin namin ngayong lunch.

.

.

Pagbaba ko sa sala nakita ko sya na nanonood ng afternoon show.

"Huy,. Bat hindi kapa kumain?" Tanong ko ng maka upo ako sa tabi nya

Ang tagal ko kayang naligo ang sarap kase sa pakiramdam ng tubig pag dumadampi sa balat mo.

"Ha? Kakatapos ko lang kumain" inosente nyang sabi

Ayy.. kala ko hindi pa sya kumain at hinintay ako -.-

"Ahh kala ko hindi kapa kumain" feeler kasi ara. -.-

"Ikaw kain kana..." bigla sya yumakap sa bewang ko.

"Oh bakit?" Naka taas ang isang kilay ko habang naka tingin sakanya

"Eii!! Ang pangit mo magsungit!" Inis nya sabi

"Oh di pangit!" Inirapan ko nga.

Tong buntis na to kung maka pangit.

"Eii seryoso kase..." lalo nya hinigpitan ang pagkaka yakap sakin "thank you" bulong nya

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Where stories live. Discover now