KC 56 (present time's)

4.1K 78 3
                                    

September 20 Saturday 2025.

Aly

So ayun at ganon na nga ang nangyari sa buhay pag ibig nitong kaybigan namin.

Ng maka balik kami noon dito sa pilipinas nabalitaan namin na umalis si shiela sa company na pinapasukan nila ni mela pero hindi pumayag basta basta ang boss nila kaya ini-refer nya si shiela sa pinsan nya at doon na sya sa America nagpatuloy magtrabaho according to mela.

Wala naman narin kaming balita tungkol kay Hannah pero bago kami umalis ng America noon inayos na namin yung tungkol dun kay Justin Jade pati na yung mga kasama nyang nambugbog kay ara.

Nagpatulong kami kay kuya Mark na may kakilalang agent na sumusugpo sa mga sororities na may mga gawaing hindi tama. Yung iba kase hindi sisterhood ang offer.  at napag alaman din namin noon na isa ang sorority nila sa mga nag su-supply ng mga drugs kaya ayun kahit mabilisang pagpa plano lang ang nangyari eh nagawa paring madakip sa akto ang mga kalokohan nila.

"Ly.. next week na yung binyag nung anak nila wensh may naisip kanang iregalo?" Si rad

Nandito ako sa condo ni rad. Wala si jov nasa cebu kaka alis lang kaninang madaling araw. May inatendan na conference.  Taas na kase ng rank eh. Naghahanap buhay lang yung tao haha gusto na atang lumagay sa tahimik.

Si kim ayun nasa america at sa makalawa pa uuwi one week lang sya doon. Binisita lang ang restobar at chini-check kung maayos pa ang pamamalakad haha. Kidding.  Si kuya Mark at ate ni Queenie tulad nga ng pangako nila salitan sila sa pagbista.

"Huy! Parang hindi ka kinakausap ha" sapok saakin ni rad

"Aray ha! Ano ba kase yun?" Hawak ko sa ulo ko. Nahilo ako naalog ata utak ko.

"Sabi ko may ireregalo kana sa magiging inaanak mo?" Tanong nya at naupo sa tabi ko habang hawak ang isang platito na may slice ng chocolate cake na dala ko.

"Wala panga eh.. papasama nalang ako kay denden bukas para bumili"

"Galing noh.. ang bilis, may baby na sila ni Dahlia" tama ba tong naririnig ko? Naiinggit sya? Haha.

"Eh Queenie. . Gusto mo narin ba? Bat hindi mo sabihin kay Jov" pag suggest ko

"Sira.. ang advance ng isip mo!" Akmang sasapok nanaman sya kaya nag ilag ako

"To naman.. nag su-suggest lang. . Malay mo diba. Hanap kayo ng gwapo na pwedeng mag donate ng sperm cell" wink at her. .

"Lumayas kana dito kung aalaskahin mo lang ako" pananaboy nya saakin

"Hindi na.. oh mananahimik na" kinuha ko ang remote ng tv at in-on ito

Tahimik lang akong nanonood habang sya kumakain ng magsakita sya.

"Si shiela. ."

"Nagkita na kami... actually aksidente lang.. sa mall nung isang araw" tuloy tuloy kong sabi habang naka tuon parin ang paningin ko sa pinapanood ko

"Kelan ko kaya yun mahahagilap"

"Haha. Puntahan mo nalang sa bahay nila. Ang hina naman ng utak mo Queenie... aray!" Tama bang kurutin ako sa legs

"Manahimik ka masasapak ka sakin"

.

.

.

.....

Kinabukasan.

..

Rad

"Mels.. bilisan mo nga sa pagmamaneho" pag aapura ni denden

"Oo na wait lang.." mela

"Easy nga kayo.. wag mo nang bilisan mela.. makaka rating din naman tayo doon" kontra ko

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora