KC 52 (flash back)

3.4K 72 2
                                    

Continuation

.

.

Mabilis na lumipas ang mga araw para sa mga magkakaybigan at tatlong araw nalang opening na ng first international branch nila.

Alas onse na ng umaga at nandito sa airport si rad para salubungin si jovelyn.

.

.

.....

Jov

Ughh! Ang sakit naman sa ulo ng mahabang byahe na yun.

Halos kaka lapag palang ng eroplano kaya heto ako at naghihintay pa para sa bagahe ko.

Yung mahal ko siguradong naghihintay na yun dahil nong isang araw pa sya excited na makita ako. Haha gwapo ko kase lam nyo na..

Hmmm.. ayun sya. Naka upo at mukhang inuugat na sa kakahintay haha. So dahan dahan na muna akong lumapit at tumayo sa harapan nya. Naka earphones naman pala at naka shades pa ha.

Naupo nalang muna ako sa tabi nya pano mukhang naka pikit. Halikan ko kaya to ah hindi baka masapak lang ako, hintayin ko nalang.

After 3 or 4 minutes din ata ang lumipas bago nya inalis ang shades nya sabay napa lingon sakin kaya ako supper ngiti naman at nag wave hi.

"Jov!" Yakap nya sakin. Grabe maka jov naman to.

"Jov? Hindi mo na ako honey?" Tanong ko habang naka yakap parin sya sakin

"Ayy.. tara na nga muna at umuwi na tayo bago ka mag inarte dyan" sabay hila nya sakin

Dala nya yung kotse nila bayaw. Wow, bayaw diba.

Ako ang nag drive ha, walang patawad eh pero kahit na nagmamaneho ako halik naman sya ng halik sa pisngi ko na talaga namang nagugustuhan ko kaso mas pabor sana sakin kung sya yung nag drive at ng ako yung gumagawa sakanya ng ganon haha manyak lang ang peg.

"Oh baba na.." ng matapos ako mag park at bumaba na "kaw na magdala nung backpack ko hon nandun yung mga pinabili mo sakin" utos ko sakanyan. Yes utos yun. Dahil LAHAT ng laman ng bag na yun ay mga ipinabili nya sakin bago ako umalis ng pilipinas oh diba. Sa laki ng bag na yun puro pagkain ang laman. Hayy mantakin mo nga naman oh.. san nya kaya nilululan ang mga yun sa tyan nya dahil kung kumain eh lamon ang ginagawa.

"Jov nabili mo yung tuyo? Pati yung chicharon?" Tanong nya habang nagbibihis ako at sya naman tong kinakalkal yung backpack.

"Hanapin mo dyan" sagot ko

"Eh.. wala naman yung mga tuyo jov..." inarte nya

"Ilabas mo lahat ng laman at ng makita mo bat kase bunganga mo yung naghahanap"

"Ang sungiiit >.<"

"Tsss... maghanap ka ng maayos" at natapos na akong magbihis

"Oo na.. ayun.... thanks jov..." ang saya nya ng makita nya yung isang plastik ng tuyo..

Ok tama na. Hindi nalang ako sumagot dahil kanina pa sya jov ng jov at nakaka irita sa pandinig.

"Jov puntahan ko lang si sista para ibigay tong mga to.." dala dala nya yung maliit na box na may lamang itlog na maalat

"K" irap ko. Pagod ako at ayoko patulan kung anomang trip nya at hindi nya ako matawag tawag na HON. naiinis ako kahit na napaka liit na bagay lang non.

"Tsk! Umayos ka jovelyn masasapak ka sakin. Ang arte mo ngayong araw" at inirapan nyarin ako sabay labas ng kwarto

Ha! Sapakin mo lelang mo! Maka tulog nanga muna.

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon