KC. 55 (last flash back)

3.2K 67 7
                                    

....

Ara.

Bumaba ako sa first floor pero wala.. hindi ko parin sya makita. Bumalik ako ng restroom at nagbabaka sakali na wala sya doon. Wala nga sya pero si Hannah nandito parin. Naka tulala at umiiyak.

Lumapit ako sakanya at hinawakan sya sa balikat

"Anong nangyari? Bakit umiiyak ka?" Tanong ko pero wala akong makuhang sagot.

Namumula ang pisngi nya. Shit! Wag naman sana.

"Narinig nya tayo.. galit sya.." pilit syang nagsalita habang walang tigil sa pag yugyog ang balikat nya at habol habol ang hininga nya.

"Wala sya ng lumabas ako! Hindi ko sya nakita" totoo naman. Malinis ang hallway palabas ng restroom.

"Na-nasa.. I-isang cubi...cle sya..." garalgal nyang sabi

Ughh!! Naloko na.

"Nasan sya ngayon??" Tanong ko at umiling sya habang patuloy parin sa pagiyak.

Gulo gulo ang buhok nya namumula ang magkabilang pisngi. Tingin ko hindi sya lumaban dahil kung lumaban sya hindi ganito kalala ang makukuha nya.

"Ayusin mo ang sarili mo at ng maihatid kita.." utos ko sakanya.

"Hindi kaya ko ang sarili ko. Hanapin mo yung girlfriend mo.. wag moko alalahanin.. hanapin mo sya" tulak nya sakin.

"Wag kang sasama kay jade.. sinasabi ko sayo Hannah kaya makinig ka"

"Ano ba ara! Umalis kana!" Sigaw nya sakin kaya naman umalis na ako at lumabas ng resto.

Takbo dito takbo doon. Kung saan saan na ako napadpad. Nilibot ko narin ang parking lot pero wala talaga akong makita.

Bumalik ako sa loob at ng makita ko si kuya mark hiniram ko ang kotse nya. Tanong sya ng tanong kung anong nangyari pero wala akong panahon para mag kwento sakanya.

.

.

Daretso lang ako sa pagmamaneho pero wala talaga. Hindi ko parin sya makita akmang mag u-u tern na ako ng makita ko syang naka upo sa ilalim ng isang puno.

Dali dali akong bumaba. Naka yuko sya at naka yakal sa tuhod nya. Naririnig ko sya umiiyak at walang tigil sa pag yugyog ang balikat nya

"Babe..." tawag ko sakanya at nag angat sya ng tingin sakin.

"Narinig ko lahat ara.. hindi ako bingi. Ayaw mo na sakin? Bakit hindi mo kaagad sinabi? Nakaka gago kanaman eh!" Patuloy parin sya sa pag iyak.

"Babe... let me explain. ." Akmang hahawakan ko sya ng itinaas nya ang dalawang kamay nya bilang pahiwatig na wag ko syang hawakan

"Explain? Ano naman ang sasabihin mo? Na nagkaka mali ako at hindi totoo yung narinig ko? Ha! Ara! Hindi ako bobo!" Tumayo sya at walang tigil sa pagpalo sa balikat ko

"Babe.. sorry. ." At niyakap ko sya pero pinagpapalo nya parin ako sa likod

"Sorry? Sorry kase sya na ang gusto mo or sorry kase iiwan mo na ako? Alin don?! Huh!" At tinulak nya ako dahilan para mapalayo sya ng kaunti saakin

"Hindi. . Sorry sa mga narinig mo.. ikaw lang ang mahal ko" hawak ko sa kamay nya.

"Mahal moko pero gusto mo sya. Ano ka? Sinuswerte?" Sarkastiko nyang sabi. Wala paring humpay sa pagtulo ang mga luha nya.

"Hindi moko pinapakingan dahil mas naghahari sa pusot isip mo yaang galit na nararamdaman mo"

"Bitawan mo ako.. buti at alam mong galit ako.. kaya pwede ba. Iwan mo ako dito" waksi nya sa pagkaka hawak ko sa kamay nya.

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Where stories live. Discover now