KC10

8.3K 114 1
                                    

ara's pov

naglilibot lang ako dito sa mall at tumitingin tingin ng pwedeng maipasalubong kina mama at sa mga pinsan ko bago ako umuwi ng pampanga mamayang hapon

ako nga kase ang inatasan ni kim na mag handle ng opening ng restaurant sa pampanga kaya naman nitong mga nakaraang araw feeling busy ang lola nyo.

nagpunta ako ng department store para narin bumili ng sapatos at damit tsaka isasabit ko narin syempre ang mga utol ko, nakaka hiya naman kase baka sabihan pa ulit ako ng "umuwi kapa wala kanaman palang dala" hahaha grabe sila sakin.

nagsusukat lang ako ng sapatos ng nakita ko na napadaan sa may side ko si shiela at may nakasunod na lesbian sakanya kaya naman hindi ko na sya tinawag at mukhang may tampuhan naman sila ng kasama nya.

tsk! yan ang hirap pag may love life haha.

ng matapos ako sa pamimili ko kumain na muna ako dahil nakakagutom ang ginawa kong paglilibot at nakaka ngalay.

*kain

*kain

*kain

at ng matapos ako umalis na ako kaagad, wala ng pahinga pahinga.

ng marating ko ang parking lot nakita ko nanaman sina shiela at mukhang wrong timing dahil hindi na ata simpleng tampuhan to, away na this.

ohhhww... umiiyak sya at pilit syang niyayakap ng kasama nya kaso ang ginawa nya bigla nya banamang sinapak yung kasama nya.

"ouch, ang sakit non" nasabi ko nalang ng makita ko ang ginawa nya

lalapit sana ako ng biglang napatingin si shiela sa gawi ko at lumakad ito palapit sa akin I guess?? or baka naman mag wo-walk out nasa entrance parin naman ako ng parking lot.

"hatid mo ako" sabi nya ng maka lapit sya saakin, so sakin pala talaga sya lalapit kala ko naman aalis na pero naka sunod parin naman sakanya ang kasama nya

"?????" habang ako hindi maka sagot.

"wait,.. lang, mag usap muna tayo. hindi natin to maayos ng ganito na aalis ka" hawak ng lesbian sa kamay ni shiela ng maka lapit ito saamin pero ang ginawa ni shiela inalis nya ang pagkaka hawak ng lesbian sakanya at nagpunta sa may likuran ko.

ok, ako na ang bato dito. O.P. na si ako. kaloka tong eksenang to ha.

"tara, punta tayo sa condo. dun tayo mag usap please.." pag mamaka awa nung t-boom at ng akmang lalapit sya kay shiela bigla nalang nag iwas si shiela.

"tama na, naglolokohan nalang tayo dito" sabi ni shiela at patuloy parin pag iyak.

gosh! naloloka na talaga ang beauty ko sa eksenang to. duhh. alangan namang sumabat ako baka ako pa ang masapak.

"patabi naman bro" sabi ng t-boom at medyo tinulak ako.

huwaw, itulak daw ba ako.

pakitaan ko nga.

"ekscuteme me lang ma'am, ayaw nang makipag usap sayo nung tao bat pa kaylangan pilitin?" sabi ko at hinawakan ko ang kamay ni shiela tsaka sya medyo inilayo sa t-boom.

"nag uusap kame kaya kung pwede, ikaw nalang itong unlmalis tutal wala ka namang alam" sabi nya at akmang hihilahin ang kamay ni shiela na hawak ko pero iniiwas ko ito kaya naman nakita ko ang pagka irita sa mukha nya

"mawalang galang nalang po kahit galang ako, oo. wala akong alam pero sa nakita ko kanina? mukhang wala ng dahilan para mag usap kayo ngayon, mukhang galit ka dahil ayaw nya makinig sayo at galit din itong si bang sa hindi ko alam na dahilan at ayaw ko ng malaman pa. alam kong alam mo na kapag ang isang tao ay galit wala itong pakikinggan o pinakikinggan kahit na ano paliwanag, kaya kapag nawala na yang galit nyo sa isat isa tsaka na kayo mag usap. clear?" mahaba kong sabi sakanya at grabe ang hugot ko dun ha, pag hindi pa nya naintindihan yon ako na ang sasapak sakanya. haha pero syempre joke lang .

"ok fine, tama ka. halikana" hawak nya sa kaliwang kamay ni bang at ang kanan ay hawak ko "ihahatid na kita"sabi nya

"bitawan mo ako" inis na sabi ni bang at pabalibag nyang inalis ang kamay ng t-boom

"ako nalang ang maghahatid sakanya, and don't worry. hindi ko sya pababayaan" mahinahon kong sabi sakanya

at umalis na ng naka bagsak ang balikat nung t-boom

.

.

.

.

"saan kita ihahatid?" tanong ko sakanya ng tuluyan na kaming maka labas ng parking lot

"ayoko pang umuwi" tipid at walang emosyon nyang sabi

aysh.. aalis ako ngayon shiela hindi kita pwedeng samahan.

"huh? saan ka pupunta? gusto mo hatid kita sa bahay nila mela?" tanong ko pero ang totoo nyan hindi ko alam kung saan ang bahay nila mela.

"sama nalang ako sayo" sabi nya at napatingin naman ako sakanya na nakatingin lang sa labas habang tulala.

"pupunta akong pampanga ngayon eh, dun ako ng 2 weeks" sabi ko sakanya

"sama ako" sabi nanaman nya

"sure ka? diba mag uusap pa kayo nung kasama mo kanina?" alangan kong tanong sakanya

"hayaan mo sya, wala na kame nun" sagot nya ng hindi tumitingin saakin.

"pano kayo magkaka ayos kung ganya ka?" tanong ko

"satingin mo magkaka ayos pa kaming dalawa kung nasa iba na ang atensyon nya? at wala na saakin?" sagot nya at sawakas tumingin narin sya saakin pero pagtingin ko sakanya nakita ko na may namumuo na luha sa mga mata nya kaya naman itinabi ko muna ang sasakyan at huminto sa pagmamaneho

"alam mo kung mahal mo sya pakikinggan mo sya, malay mo mali pala yang hinala mo" sabi ko at nag smile sakanya sabay medyo kinurot sya sa cheeks

"hinala?. alam mo bang kanina nakita ko sya na may kasamang iba at ang sweet nila, kaya pala wala na syang time at ang cold nya may iba na pala" sabi nya at tuluyan ng kumawala ang kanina nyapa pinipigilang mga luha na gusto ng bumagsak.

"bakit hindi mo pakingan yung explanation nya? malay mo naman na misinterpreted mo lang?" sabi ko saknya at pinunasan ang mga luha na patuloy paring umaagos.

"na misinterpreted ang alin? yung pagkiss nila sa lips? yung hugs? alin don?!" sabi nya at itinaas nya ang paa nya sa upuan tasaka niyakap ang mga ito at humagulgol ng iyak

kaya naman inalis ko ang seatbelt ko at niyakap sya.

"tama na, sige pag hindi ka tumigil hindi kita isasama" pagbibiro ko sakanya at hinahagod ko nalang ang likod nya ngayon

pero hindi parin sya tumig kaya naman hinayaan ko nalang sya sa pag iyak nya at nag mapagod siguro sya kusa na syang tumigil.

"oh? ok kana? wala naba? sabihin mo lang kung meron pa bibili ako ng popcorn para naman hindi ako maboring sa panonood ko sayo" biro ko sakanya at nkita ko naman na natawa sya kahit bahay lang

"yan dapat, pumapangit ka kapag umiiyak ka eh" sabi ko sakanya at inistart ko na ulit ang sasakyan

"sasama ako sayo ah? daan muna tayo sa bahay para maka kuha ako ng damit ko" sabi nya

TBC

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Where stories live. Discover now