KC 48 (flash back)

3.4K 58 4
                                    

Continuation

(Still at Hannah's house)

.

.

Ara

"Uhhgg!" Napa hawak ako sa may bandang kilay ko ng nag mulat ako dahil ang sakit nang magising ako ang tindi ng pagkirot

Tumayo na ako at napatingin sa may kama. Tulog pa sya

Lumabas na muna ako ng kwarto habang palipat lipat ang hawak ko sa parte ng katawan ko.

Parang mas sumakit ang sugat ko kesa kagabi. Badtrip.

Lumabas ako ng bahay at nagtungo dito sa may garahe kung saan nakita ko ang sasakyan ni kuya Mark.

"Anak ng! Bakit naman basag tong side mirror?!"

Napagtripan nila pati side mirror pati basag tong salamin ng pintuan eh binasag nanga nila yung kilay ko.

Napalingon ako sa labas ng may narinig akong tumatawa at nanggalaiti ako sa inis nang makita ko kung sino

"Tangina mo naman pala!" Sigaw ko at naka ngisi lang sya

"Pakelamera ka kase gago!" Sabi nya sabay sakay sa kotse nya.

"Badtrip!!" Napa hawak nalang ako sa ulo ko habang naiinis.

Gusto kong manapak! Tangina! Eh mukhang kanina nyalang ginawa tong pagbasag sa salamin ng sasakyan dahil may hawak syang baseball bat kanina.

Bakit ba hindi ko narinig na binabasag na tong mirror ng sasakyan. Ganun ba kasarap ang tulog ko at hindi ko narinig.

"Hey! Kanina pa kita---"

Hindi nya naituloy ang sasabihin nya ng makita nya siguro ang itsura ng sasakyan.

"A-anong nangyari??" Tanong nya at lumapit saakin.

"Wala.. aalis na ako. Nasan yung susi ng sasakyan?" Habang naka palad ako sakanya at pinilit na itina tago ang pagka inis ko

"Pumunta ba sya dito at sya ang gumawa nyan?"

Hindi na ako sumagot at pumasok ako sa sasakyan para hanapin yung cellphone ko pero wala!

"Ayshh! Nasayo ba yung susi? Pwede ko ng makuha?" Tanong ko ulit sakanya ng mahinahon ng maka baba ako

"Kukunin ko lang..." at pumasok sya ulit ng bahay kaya habang naghihintay ako tsinek ko ulit ang sasakyan dahil baka may mas malaki pa itong sinira.

Lumusot ako sa baba ng sasakyan para tignan ang preno baka kasi sinira nya para maaksidente ako eh gago pa naman yung taong yun. kahit na sobrang sakit na ng katawan pati na isip ko ay tinitiis ko dahil hindi sakin ang sasakyan na to hindi bale sana kung sakin kahit na sunugin nya sa harapan ko wala na akong ibang iisiping ibang tao na mapeperwisyo at magagalit pag nagkataon.

"Ara? Anong ginagawa mo?" Dinig kong tanong ni Hannah ng maka balik at nakita akong ganito

Tumayo na ako at nag ayos ng sarili ng ma-check ko at wala naman syang ginawang ganon.

"Hayy.. kung nagising lang ako at narinig yung ginawa nya sana nabugbog ko yung gagong yun"

"Ah.. eh.. soundproof kase yung kwarto ko ara kaya hindi mo narinig... I'm sorry" ramdam ko naman na sincere sya sa pagsabi non pero wala naman syang kasalanan

"Wala kang kasalanan.. akin na" kuha ko sa susi at sumakay na ng sasakyan.

Sya namang pagbukas nya ng gate kaya pinaandar ko na ang engine ng sasakyan at bago ako tuluyang lumabas ay nag bilin muna ako sakanya.

"Mag lock ka at wag na wag mong papa pasukin yung siraulong yon sa pamamahay mo... uhmm.. kunin ko phone number mo para ma txt kita pag naka bili na ako ng phone ulit nawala eh"

So umalis na ako matapos ko makuha number nya.

.

.

.

.

Kakatapos ko lang maligo at heto sila nagpunta sa apartment dahil daw kahapon pa nila ako tinetxt eh hindi ako nag rereply. 'Pano nawala phone ko kaya pano ako makakapag reply'. Yan ang sagot ko sakanila sa mga tanong nila.

Nong unang kita nila sakin todo alala sila pero ng maglaon todo lait naman sila. Mga walangya eh -_-"

"Na txt mo na?" Tanong ni kim

"Oo, ayun at kagabi pa daw sya tawag ng tawag sakin.. nag alala"

"Oh.. lagay mo sa bukol mo" abot sakin ni rad ng isang ice bag

"Wala kang balak sabihin sakanya?" Aly

"Wag muna.. hindi ko nga sinabi sakanya yung sa parking na pinaghugatan ng nangyaring to" sagot ko

"Ok,. Tahimik lang kami.. diba guys?" Si kim baling nya ng tingin kina rad at tumango naman sila bilang pag sang ayon

"Pero sabihin mo parin sakanya sa tamang panahon hindi tama yung may itinatago" denden

"Sasabihin ko naman sweets... sa tamang panahon" at ngitian nyalang ako

"Wag papakita sakin yung baliw nayun" aly

"At ano naman ang gagawin mo pag nakita mo aber?" Taas kilay na tanong ni denden

"Ha? Ah-eh ano mommy. .. co-congratulate ko sila dahil nabugbog nila Itong si ara at naka tama sa mukha nila??" Kamot nya sa batok nya

Sina kim and rad tatawa tawa.. haha under eh.. ako naiiling nalang sa narinig ko.

Alam ko naman na hindi yun ang gagawin nya at takot lang sya kay denden kaya hindi nya masabi ang totoo nyang nararamdaman na gusto nyang gumanti.

Oh well.. mahal naman ako ng mga ugok na yan noh.

Hindi rin naman sila nagtagal dito. Si rad nagpupumilit na dito nalang sya tumuloy para may kasama daw ako pero mas pinili kong mag isa nalang para kung matunton nila ako at mapagtripan nanaman wala ng madadamay na iba diba eh sira ang utak ng mga yun parang walang sinasanto.

Hiniram ko muna tong phone ni aly para may magamit ako patinga yung sim nya tangay haha.

.

.

.

.....

Shiela.

"Huy! Tulala ka dyan??" Siko sakin ni mela pero hindi ko sya pinansin dahil naka tuon ang pansin ko sa txt na na receive ko na galing doon sa dating number ni ara na nawala kasabay ng phone nya.

"She's flirting with the other girl" basa ni mela kaya ibinulsa ko kaagad ang phone ko at napa tulala

"Hoy bangnita! Maniniwala ka dyan? Eh diba nga nawala yung phone nya?" Bahagyang palo nya sakin

"Baliw lang yan at walang magawa, kain kananga ulit" dagdag nya.

Lunch time namin ngayon at nandito kami sa canteen dito sa may malapit sa opisina.

Ang sabi nya nawala nalang daw bigla phone nya at na snatched.

Tiwala naman ako sakanya pero syempre minsan nang nangyari sakin ang lokohin kaya hindi ko maiwasan ang mapa isip kahit papaano.

.

.

.

TBC

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon