KC7

8.5K 127 0
                                    

ara's pov

"so, magkaka kilala pala kayo?" tanong kim

"hindi masyado" sagot ko dahil hindi naman talaga at dalawang beses ko lang sya nakita.

"haha. so ako pala ang others dito?" natatawang sabi ni kim

.

.

.

.

kumain lang kaming apat at konting kwento lang, si mela ang daldal parin wala ng pinagbago kaya bagay sila ni kim haha..

"kim, si mela ba yung dinidiskartehan mo kaya ka busy?" bulong ko sakanya na sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig

"hindi rin, friends lang kami nya" sagot nya

"weh?? gusto mo lakad kita sakanya?" pang aasar ko.

"ha, kaya ko ang sarili ko"

"uy ano yang pinag bubulungan nyo dyan?" tanong ni mela kaya napa harap na kaming dalawa sakanila

"ah wala, may tinanong lang sya" sagot naman ni kim

"ano naman yun?" tanong ulit ni mela

"ah kase, tinanong ko sya kung ikaw ba yung d-----"

"ah wala yun, may saltik lang itong si ara" pigil ni kim saakin at inakbayan ako. akbay na may halong babala haha

"eh crush ka daw nya" mabilis kong sabi at natawa ako dahil sa reaksyon ni mela

"ako??" turo nya sa sarili nya habang naka tingin saakin at tumango lang ako tsaka sya naglipat ng tingin kay kim na hindi maka paniwala sa ginawa ko

"ah-eh oo?" sagot ni kim habang napa kamot nalang sa ulo at tinignan ako ng masama kaya ako naman itong si basagtrip nag smilelang sakanya ng mapang asar

"haha.. ok lang yan kimmy, wag ka mahiya" sabi naman ni mela kaya napa ngiti si kim

"abot hanggang tenga yang ngiti mo ah" siko ko kay kim pero ang loko bigla ako sinuntok sa legs "aray!" hawak ko sinuntok nya, ang bigat ng kamay eh.

end of ara's pov

naging magaan na ang atmosphere para sakanailang apat at ng matapos sila sa pagkain nila ng lunch nagyaya si kim na manood ng movie kaya naman ng makarating sila sa sinehan magkatabi si mela at kim, ara at shiela.

hindi horror ang pinanuod nila na pag natakot ang isa biglang yayakap sa katabi nya at maka score.

romantic comedy ang pinanood nila.

"gusto mo?" alok ni ara kay shiela ng popcorn

"mamaya na" naka ngiting sabi ni shiela

"ikaw nalang ang humawak" kuha ni ara sa kamay ni shiela at ibinigay ang popcorn

ng nasa kalagitnaan na ang palabas nakatulog si ara

.

.

.

shiela's pov

busy ako sa panonood ng mapatingin ako sa gawi ni ara na naka tulog na pala at mukhang hirap sa pwesto nya kaya naman ang ginawa ko inihilig ko na ang ulo nya sa balikat ko para naman hindi sya mahirapan

kahiya naman kase sakanya diba.

kaya siguro sakin pinahawak tong popcorn may balak talagang matulog tong ara na to

uubusin ko nalang tong binili nyang popcorn bahala sya para pag nagising sya wala na syang makain. haha ang sama ko ba? joke lang yun syempre.

ganun lang ang pwesto namin hanggang sa maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko at pinag lakit ang mga palad namin kaya naman tumingin ako sakanya at tulog na tulog parin naman sya.

"nananaginip ata" yan nalang ang nasabi ko at hinayaan nalang sya baka pag inalis ko ang kamay ko maputol yung panaginip nya.

.

.

.

.

ng matapos ang pinapanood naming apat. uhm actually kaming tatlo lang pala nila mela dahil tulog na tulog parina ang katabi ko.

"oh? ano yan?" dinig kong sabi ni kim at pagtingin ko sakanya nakatingin sya sa mga kamay namin ni ara kaya naman inalis ko ang kamay nya na naka hawak sakin na dahilan para magising si ara sa ginawa ko at mukhang walang kamalay malay sa nangyari.

hello... tulog nga diba shiela. tssss... -___-

"labas na tayo" pag aya ko sakanila at nauna na akong lumabas pero kaagad naman silang nakasunod saakin

"CR muna ako" paalam ni kim

"sama ako" ara

"kayo?" tanong samin ni kim

"ah hindi na, kita nalang tayo sa parking" sabi ni mela.

kaya naman naglakad na kamaing dalawa palabas ng mall at himala nga hindi muna sya dumaan sa shop nya.

napatingin ako sakanya ng bigla nya akong siniko

"ouch huh" reklamo ko

"ouch ka dyan, ano yung kanina" mela

"anong kanina?" tanong ko, duhh ano nanaman kaya ang pinagsasabi nitong babaeng to

"yung holding hands? yung pwesto ng pagtulog?" sabi nya at tinuro pa ang kamay ko pati balikat ko

"sira, pagtingin ko natutulog yung tao kaya naman ayun, inihilig ko yung ulo nya sa balikat ko" paliwanang ko

"eh yung sa kamay?" tanong nya ulit

"aba, nananaginip ata kaya ako hinawakan" simple kong sagot

"huh? may ganon bang panaginip?" takang tanong nya

"tss. meron siguro. nakita mo naman sa malaking mata mo" turo ko sa mga mata nya

"aysh! aba, kung makapag salita ka ah? chinita teh? chinita?" mela

ang ginawa ko kinotong ko nalang sya para magtigil na sa kahibangan nya, ang kulit pag sinaltik.

naghintay nalang kaming dalawa sa parking para maka-uwi na kaming lahat

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora