KC13

7.6K 112 0
                                    

ara's pov

pag gising ko nakita kong nakayakap sakin si bang kaya naman inalis ko ang pagkakayakap nya at tumayo na.

tulad nga ng sinabi nila, magpapaka lasing sila kaya naman kumuha nalang ako ng isang VIP room para iwas sa gulo pag nagkataon alam nyo naman pag sa bar, kahit ganitong mga sira ulo ang mga kaybigan ko mahal ko namn sila kahit papaano

bumaba na ako sa kitchen at nagtimpla ng mainit na kape, ako palang naman ang gising dito sa bahay kaya pumunta muna ako dito sala at naupo sa sofa

yung lima nagsiksikan sa iisang kwarto, ang kulit nila kagabe.

*flash back*

"last na yan, tama na nyan" pigil ko sakanila dahil nga ang kukulit na nila pati si bang at denden napa subo narin dahil sa kakulitan nila rad at ginatungan pa ni aly.

"haha okey lang yaann..." rad

"hayy.. ikaw rin, tama na yan" agaw ko ng hawak hawak na baso ni bang

"tsshhh.. ang kj mo naman. akin nayan" kuha nya ulit sa baso nya

"guys, tutal kalahati nalang ang laman ng wine. para mabilis nalang maubos paikot ko nalang tong bote at kung kanino tumutok yung nguso sya na ang iinom nitong tira, game?" jov

"game" sigaw nilang lahat pwera ako at napa iling nalang dahil wala kanang magagawa para pigilan ang mga sira ulong to

.

.

.

.

ikot.

.

.ikot.

hanggang sa bumagal at huh! akala ko sakin mapupunta. hinga malalim at ng huminto si bang naturo kaya naman napatingin ako sakanya dahil tumayo sya at muntikan pang matumba dahil sa pagkuha ng wine

"wuhh! straight na yan!" sigaw ni kim

"go bang!" denden na may tama na ata dahil nakiki sigaw narin.

ng itutungga na nya tumayo ako at kinuha sakanya ang hawak nyang bote at ako ang uminom.

well, hindi naman ako nalasing pero medyo nahilo ako dahil walang hingahan yung ginawako at nagsigawan ang mga sira ulo.

pagtingin ko kay bang naka titig lang sya sakin kaya naman tinapik ko sya sa noo.

"hoy! akala mo ikaw lang marunong uminom noh?" sabi ko sakanya at hinawakan sya sa kamay !umuwi na tayo para makapag pahinga na" baling ko kina kim at nauna na kaming lumabas ni bang na hawak hawak ko parin ang kamay hanggang ngayon.

pagdating namin sa parking pinag buksan ko sya ng pintuan.

"pasok na, sa susunod wag kanang uminom ng marami. ganyan ka pala malasing.. worst" sabi ko at bigla nya nalang ako hinila at niyakap.

"bakit??" tanong ko at narinig ko syang umiiyak.

"ang sakit, sana ikaw nalang. at sana kaagad kitang nakilala" sabi nya

ngayon ko lang ulit sya nakitang umiyak dahil magsimula ng nagpunta kaming dalawa dito sa pampanga hindi ko na sya nakita pang umiyak.

niyakap ko nalang sya at hinagod sa likod at hindi nalang sumagot sakanya dahil unang una wala akong alam sabihin.

.

.

.

"ayusin mo na yanh sarili para pag lumabas na yunng mga yun hindi na nila tayo pagtripan baka isipin nila na pinaiyak kita." sabi ko sakanya

keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)Where stories live. Discover now