CHAPTER 25: The Party (Part II) & "The Glass Door"

39.9K 289 30
                                    

Naiwang natitigilan si Mikay sa loob ng restroom. Nagulat siya sa mga sinabi ni Zharm. Pero mas nangingibabaw ang takot. Ano ang maaari nitong gawin para mapaghiwalay silang dalawa ni Gino? Just the mere thought of it ay parang mawawasak na siya. Pakiramdam niya ay nanghina bigla ang mga tuhod niya.

Napakapit siya sa sink at tumingin sa sarili niyang repleksyon sa salamin. Bakas na bakas ang takot sa mga mata niya. Si Gino na lang ang meron siya ngayon. Pag nawala pa ito ay wala na ang kaisa-isang taong totoong nagmamahal sa kanya… Ito na lang ang nagbibigay sa kanya ng lakas… Iniwan na siya ng lahat…

Ano ang gagawin niya? Paano niya paghahandaan ang mga balak ni Zharm? Pilit niyang pinipigil ang mga luhang kanina pa gustong pumatak. Hindi maaari. Alam niyang madaling makahalata si Gino. Kailangan niyang magpakatatag.

Ilang beses siyang huminga ng malalim. Pilit ibinabalik ang nawalang composure.

Pagkalabas niya ng restroom ay agad niyang hinanap si Gino. Nakita niya ito na may hawak na isang bote ng beer at kasalukuyang nakikipagkwentuhan sa mga kabarkada. Mukhang nagkakasiyahan ang mga ito. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Nakita niya si Zharm na nakangiti sa kanya. Isang klase ng ngiti na parang nagbabanta.

Agad siyang lumapit kay Gino. Nang makita siya nito ay agad na humawak sa bewang niya.

Gino: What took you so long?

Mikay: Huh? Ah, natagalan lang sa pag-retouch…

Tumingin ito sa mukha niya.

Gino: Hindi mo na kelangan ng retouch, Mikay. Maganda ka pa rin sa paningin ko kahit ano pang itsura mo…

Narinig ‘yun ng mga kabanda niya dahilan para tuksuhin silang dalawa. Gumanti lang siya ng ngiti sa mga ito.

Mikay: Babe, nakakailang bote ka na ba?

Gino: Nakadalawang bote na nga ako eh. Dapat isa lang talaga. Pero safe pa rin naman akong mag-drive eh…

Mikay: Last na yan ha? Tapos tama na…

Ngumiti ito sa kanya.

Gino: Yes, boss!

Tita Alicia: Oh, ano yang yes boss na naririnig ko jan ha? Hindi pa man… Naku! Mukhang ma-a-under ata itong anak ko…

Nakangiti nitong biro.

Gino: Of course not, ma! Papayag ba naman ang gwapo niyong anak…

Tita Alicia: Hay naku! Napaghahalatang bolero…  Anyway, I came here kasi gusto ko munang hiramin si Mikaela. I want to show her around especially ‘yung mga favorite places mo dito sa bahay… At syempre para makapag-bonding na rin kami…

Gino: Okay, ma. Pero saglit lang ha. Baka kung anu-ano pa makwento niyo eh…

Tumatawa silang lumayo mula kay Gino. Habang naglalakad sila ay napansin niyang papunta sila sa garden area. Malayo ito sa mga tao at napakatahimik doon. Umupo sila sa isang customized bench sa labas.

Mikay: Ang gaganda naman ng mga bulaklak dito, ma. Siguro ilang tanim din ang nasira dito ni Gino nung bata siya.

Napangiti ito. At sabay naglabas ng sigarilyo at sinindihan iyon. Ngayon lang niya nalaman na naninigarilyo pala ang mama ni Gino.

Tita Alicia: Tama ka… Ilang beses ko din siyang napagalitan dahil sa mga kagagawan niyang ‘yon… There were times na susubukan niyang itanim muli ang mga binunot niyang pananim. Trying to hide what he’d done. But of course, we’ll figure it out dahil kinabukasan ay lanta na ang mga ‘yon…

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now