CHAPTER 21: Full of Lies

42K 352 26
                                    

Another weeks have passed... And true to his words ay binayaran nga ni Gino ang tuition fee niya. Hindi pa nakuntento ito at patuloy pa siyang inaabutan ng pera. Sabi nito ay iba pa raw yung credit cards na meron siya. Bagay na kung minsan ay pinagtatalunan nila.

Madalas niyang sabihin dito na hindi naman niya nagagamit ang mga 'yon dahil si Gino rin lagi ang gumagastos 'pag magkasama sila which is araw-araw naman talaga silang magkasama. Maliban na lang kung may mga importanteng meetings ito. But she usually stays at home sa mga pagkakataong 'yon.

Pakiramdam niya tuloy ay parang wala man lang siyang silbi. Ayaw na tuloy niyang mag-shopping dahil nahihiya na siya dito. Ngunit ito naman ang mapilit at patuloy pa rin siyang binibilhan ng mga designer items.

Dahil dito ay naiinis na siya sa kanyang ama. Tumawag siya sa sekretarya nito at ayon dito ay wala naman daw mga credit cards ito na pinapatago sa kanya. Hindi rin nito tinawagan si Mike at hindi inayos ang mga papel na pinapaayos niya.

What exactly is goin' on with her father? It's been months already na nasa ibang bansa ito. Maybe, she's just trying to pretend that everything's alright. Pero pakiramdam niya ay parang may mali. She needs to get to the bottom of this...

Kasalukuyang wala pa si Gino at may pinuntahang mahalagang conference meeting. Mamayang hapon pa daw ang balik nito...

Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa opisina ng kanyang ama. Pagkadating niya doon ay agad siyang nagtaka...

Mikay: Alice!... Alice!...

Tawag niya sa sekretarya ng kanyang ama.

Lalong kumunot ang kanyang noo ng mapansing wala ng kagamit-gamit sa loob ng opisina. Maging ang mga empleyado ay wala na rin doon. Parang isang deserted place na ang lugar.

"Ah, mam... May hinahanap po ba kayo?"

Napatingin siya sa isang boy na nasa labas ng pinto.

Mikay: Bakit ano ang nangyari dito? Nanakawan ba 'tong opisina ni papa?!

"Kayo ho pala yung anak ni Sir... Ahh, mam, matagal na po kasing for lease ang lugar na 'to eh. Matagal na rin tong binakante.."

Mikay: A-Anong ibig mong sabihin?

"Kwento po kasi ng amo ko, nalulugi na daw po ang ama niyo nun kaya nung una, nagtanggal na ng mga empleyado. Pero hindi pa rin daw po kinaya kaya pinasara na lang niya 'to... Bakit mam, hindi niyo po ba alam?"

She's shocked. Napailing na lang siya at iniwan na ang lugar. Pagkalabas niya ay agad niyang tinawagan ang sekretarya ng kanyang ama...

Mikay: Alice? Nasan ka?

Alice: Ah eh mam, andito po ako sa opisina...

Mikay: Kagagaling ko lang dun, Alice. Kaya 'wag na tayong maglokohan pa...

Hindi agad ito nakapagsalita.

Alice: M-Mam, m-magkita na lang po tayo sa Glorietta. Malapit lang po ako dun. D-Dun na lang po  tayo mag-usap...

________________________________

Papunta na si Mikay sa napag-usapan nilang lugar ni Alice. Natanawan na niya itong nakaupo at tila kinakabahan.

Alice: Mam, good morning po...

Mikay: Alice, ayoko ng magpaliguy-ligoy pa... What exactly is happening here?..

Alice: Mam, m-matagal na po kasing nalulugi ang mga negosyo ni Sir. Sinubukan po naming ibangon pero hindi na po talaga kinaya...

Mikay: Pero ang labo ata nun... The last time I've heard from our analyst, ang sabi niya the businesses are doing well...

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now