CHAPTER THIRTY FOUR

501 17 0
                                    

Pinahid ng magpinsan ang natirang luha sa mata bago tumayo. Nang mag-angat sila ng mukha ay seryoso na ang mukha nila. Bigla na lang silang nawala sa harapan ko.

Nagsimula akong magpanic ngunit may humawak sa balikat ko. Nilingon ko ang taong iyon.

"Yuki . . ." may luhang pumatak mula sa aking mata "Bakit ngayon ka lang?!" umiling lang siya sa akin.

"Disisyon iyon ni Rosalie, Jessica. Alam na niya ang lahat. Iyon ang naging disisyon niya." umiling ako ng kunot ang noo.

"Pero bakit?"

"Dahil ayaw na niyang ipaalala sa magpinsan ang ala-alang iyon. Matagal na siyang patay Jessica. Nasaksihan iyon ng magpinsan kasabay ng ala-alang ipinakalimot sa kanila. Respetuhin natin ang disisyon niya."

Kung ganoon . . kaya siya ganoon nawala ay dahil clone niya na lang iyon? Inilipat niya lang ang ala-ala niya? At alam iyon dati ng magpinsan. Naging mapait ang tadhana kay Rosalie.

"Kuya!"

Sabay kaming bumaling ni yuki sa sumigaw. Napatakip ako sa bibig. Hawak na ni altaire si Xandrein sa leeg at nakataas ito. Muli namang tumayo si westell at sumugod ngunit sinipa lamang siya ni altaire.

"K-kailan pa siya nagkaroon ng pakpak?" tama. Dahil may pakpak na ngayon si altaire. Kulay itim na pakpak at nakakakilabot.

"Unti-unti na siyang nilalamon ng demonyong nasa loob niya. Kailangan ng gisingin si altaire bago sila maging isa. Dahil kapag nangyari iyon, wala ng ibang paraan."

"Anong paraan?" kumabog ang puso ko dahil alam ko ang tinutukoy niya.

"Delikado siya Jessica. Kailangan siyang patayin." nanghihina akong napatinginkay altaire na ngayon ay binitawan na ang hindi gumagalaw na Xandrein sa lupa. Dinaluhan naman ito ni Euricca samantalang nakipapaglaban pa din si Westell.

Nawala sa tabi ko si yuki at tinulungan ang nanghihina ng si Westell. May maitutulong pa ba ako sa ganitong sitwasyon?

"MAGSITIGIL ANG LAHAT!"

bumaling kaming lahat sa nagsalita. Mula sa mausok na parte ng gubat ay may lumabas. Napaatras ako ng makita ang ilang kalalakihan na iba ang kasuotan at may dalang mga espada at sibat.

Napamaang ako ng makita ang nasa dulo ng mga iyon. Isang lalaking puno ng otoridad ang tayo at kilos. Halatang isa siyang makapangyarihang nilalang. Doon ko napansin ang korona niya.

S-siya ba ang . . ?

"MAGBIGAY PUGAY SA HARI!"

Luminya ang mga kawal at pinag-ekis ang mga espada sa itaas habang dumadaan ang hari. Nilingon ang magkakapatid at nakitang nakaluhod ang isa nilang paa at nakayuko sila ganoon din si yuki. Tanging ako lamang ang hindi at si altaire na mukhang kinikilala ang bagong dating.

"Igapos ang ika apat na prinsipe." maotoridad na sabi ng kanilang ama. Pero-- tumayo si Westell.

"Ama kong hari, hindi pa tuluyang nalalamon ng demonyo si--"

"At patahimikin ang unang prinsipe." napasinghap ako sa iniutos niya. Siya ba talaga ang ama nila? Kung ganoon paano niya nagagawang iutos ang mga iyon?!

Kumilos ang mga kawal at walang nagawa si Westell ng isang kawal ang nagtaas ng espada sa bandang leeg niya. Yumuko lamang siya ng kuyom ang kamao. B-bakit?

"Amang hari pakiusap, maibabalik pa natin si kuya."

"Binigo mo ako Xandrein. Lumambot na din ba ang iyong puso?" nagtangis ang bagang ng prinsipe na nasaktan sa sinabi ng ama.

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now