CHAPTER NINETEEN

1.2K 57 0
                                    

Kumakaway kami kay papa na handa ng sumakay ng tren. Hinatid namin siya sa terminal at sumama ako sa kauna-unahang pagkakataon.

Kumaway din siya bago sumakay ng tren. Hinabol ko pa kung saan siya umupo para makita siya bago umandar ang sasakyan pero masyadong madaming tao.

Susulong pa sana ako ng pigilan na ako ni kuya at hatakin papunta sa kanya. Yumakap na lang ako sa kanya at pinigilang tumulo ang luha. Ganito pala ang pakiramdam ng naghahatid sa taong aalis. May lungkot na hindi mo magpaliwanag.

"Sinabi ko na sayong huwag ka ng sumama. Ang kulit mo kase." Tuluyan ng pumatak ang luha ko kaya lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Hinaplos naman niya ang ulo ko.

"Nalulungkot ako kuya . . . " umiiyak kong sabi.

"Ganoon din naman ako. Huwag kang mag-alala, makikita naman natin siya ulit sa susunod na buwan." Tumango ako at pinahid ang luha pero hindi umalis sa pagkakayap sa kanya habang pinapanood umalis ang tren. Hanggang tuluyan na namin iyong hindi natanaw.

"Umalis na siya kuya . . . "

"Tahan na. Nandito naman si kuya. Hindi kita pababayaan, okay? Kaya hintayin na lang natin ang susunod na day off niya."

"Paano kung . . . kagaya nung nakaraang taon na sunod-sunod siyang walang day off?" Nadinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Wala tayong ibang magagawa kundi maghintay. Hindi naman aalis si papa kung hindi para sa atin. Iyon na lang ang isipin mo. Kaya huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo."

Tumango ako bago nagpaakay kay kuya at sumakay ng taxi pauwi.

Pagkauwi namin ay parang napaka lungkot ng bahay. Dapat nga hindi na ako sumama. Lalo ko lang dadamdamin ang pag-alis ni papa dahil nakita ko siyang umalis.

Gabi na pero hindi pa din ako makatulog kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto. Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig pero nagdisisyong maupo muna sa upuan doon.

Inihiga ko ang ulo sa lamesa at pumikit. Pagdating sa pamilya ko napakahina ko. Wala akong ibang magawa. Kaya kailangan kong galingan sa pag-aaral para kay papa at kay kuya.

Pabigla akong napadilat at umayos ng upo. Doon ko napansin ang jacket na naka kumot sa akin. Nakatulog ako. Tumingin ako sa labas pero madilim pa.

Natigilan ako ng makita si kuya na natutulog din sa tapat ko. Si kuya ang naglagay ng jacket sa akin pero siya walang kumot. Tumayo ako para sana ibigay sa kanya ang jacket ng bigla siyang magising.

Nagpakurap kurap pa siya bago tumingin sa akin.

"Kuya . . . "

"Gising ka na pala. Bakit ba dito ka natutulog?" Umiwas ako ng tingin kaya napabuntong hininga siya.

"Bumalik ka na kwarto mo kuya."

"Gusto mo bang matulog sa kwarto ko?" Gulat akong tumingin sa kanya. "Gaya ng dati. Tabing matulog." Napangiti ako at tumango kaya tumayo si kuya at inakbayan ako papunta sa kwarto niya.

Sabay pa kaming napahikab ng akma na niyang bubuksan ang pinto ng kwarto niya. Nagkatinginan pa kami at natawa na lang. Yumakap ako kay kuya at ngumiti.

Napaka swerte ko sa pamilya ko . . .

*******

"Jessicaaa!" Napaatras ako sa biglang pagtalon ni Suzy sa akin payakap. Nakita ko namang tumakbo pahabol si Rina at hinihingal pa ng huminto.

"Saan kayo galing? Bakit parang nagmamadali kayo?" Takang tanong ko. Parang naguluhan pa sila sa tanong ko.

"Ayos ka na ba, Jessica?" Huh?

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now