CHAPTER EIGHTEEN

1.2K 58 0
                                    

"Ah Ace, anak? May gusto sana akong sabihin sa iyo."

Hinabol ko na lang ng tingin sina papa at kuya na pumunta sa sala. Anong pag-uusapan nila? Gusto ko sanang malaman kaya lang kailangan ko pang tapusin ang hugasin. Di bale na nga.

Pakanta kanta pa ako habang naghuhugas hanggang sa matapos kaya lininis ko na din ang kusina.

Pupunta na sana ako ng kwarto ng madinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Salamat Ace. Ikaw na munang bahala sa kapatid mo."

"Huwag na po kayong mag-alala papa. Ako na pong bahala. Pero sana po huwag niyo ng sabihin pa iyon kay Jessica. Ayoko na pong malaman niya pa."

"Wala naman akong magagawa kung iyan ang gusto mo. Salamat anak."

Ng sumilip ako ay nakita kong nakapatong ang kamay ni papa sa balikat ni kuya. Ano ba iyong . . . ayaw ipasabi ni kuya? Girlfriend?! Malalaman ko din.

Napahikab ako at pupungas pungas pang lumabas ng kwarto. Dumiretyo ako sa kusina para maghilamos sa lababo at mag-mumog.

"Magandang umaga Jessi, anak." Muli pa akong napahikab bago nakangiting sumagot.

"Magandang umaga papa." Yumakap pa ako kay papa na ikinatuwa niya. "Anong oras po kayo aalis papa?" Isipin ko pa lang na aalis nanaman si papa ay nalulungkot na ako.

"Mamayang hapon anak. Huwag kang mag-alala, makakasama mo si papa buong araw." Napangiti ako ng madinig iyon.

"Talaga papa? Mamamasyal po ba tayong da-"

"Tayong tatlo." Kunot noo akong bumaling kay kuya na kagigising lang at humihikab pa.

"Wala ka bang gagawin ngayon kuya? Diba madami kang ginagawa dahil college ka na?"

"Talaga? Ang pagkakaalam ko kasi ay wala akong gagawin ngayon." Mapang-asar siyang ngumiti bago sumimangot na lumapit sa akin. "Oy, huwag mong solohin si papa. Tingin mo hahayaan kita?"

Grrr . . . ku-ya . . .

Hindi ko na napigilang kagatin siya sa braso na ikinabigla ni papa at ikinasigaw naman niya.

*******

Kanina pa ako nakakapit kay papa at masayang nagkukwentuhan. Habang kanina pa din nakasimangot si kuya na nasa likuran lang namin at hinahaplos ang kamay niyang kinagat ko.

Napahinto ako ng matapat kami sa parke. Dahil linggo ay madaming bata ang naglalaro. Napangiti ako. Naalala ko ng maliliit pa kami. Masungit na dati pa si kuya at kahit niyayaya ko siyang maglaro ay tumatanggi siya.

Pero ng may nang-away sa akin ay hindi niya iyon pinalagpas. Oo nga, dito din bumagsak si Al- huh? Si Altaire ba ang nakikita ko? Sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ang magpinsan na nakikipag laro sa mga bata.

Iba na ang suot nila at simple na lang ang mga iyon. Ang saya nilang tignan. Pero bakit hindi siya sumasama?

"Oy Jessica, gusto mo bang makipaglaro sa kanila?" Binalingan ko si kuya na itinuturo ang mag bata.

"Hindi na kuya . . . "

"Puntahan mo siya. Ako muna ang bahala kay papa." Kung ganoon ay nakita niya din pala.

"Hindi mo naman sosolohin si papa di ba?" Naniniguro kong sabi na ikinangisi niya.

"Ginagawan kita ng pabor kaya wag ka ng magtanong." Kumakaway niyang sabi. Haay. Tama naman siya. Muli kong nilingon si Al- teka nasaan na siya?

"Hinahanap mo ba ako?" Gulat akong napaharap sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses.

"A-altaire . . . " mabilis pa din ang tibok ng puso ko sa gulat. Paano siya napunta agad sa likod ko?

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now