CHAPTER SIX

1.9K 84 0
                                    


"Jessica?"

Natigilan ako at gulat na tumingin kay Yuki. K-kanina pa ba niya ako tinatawag?

"B-bakit Yuki?" Kinakabahang sagot ko. Si Yuki higit sa lahat ang malakas ang pakiramdam kaya ayokong maghinala siya.

"May gumugulo ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Kanina mo pa ba ako . . . tinatawag?"

"Hinde. Ngayon lang. Mukha ka kasing may malalim na iniisip. Kanina pa kita pinagmamasdan."

"Huh? Pinagmamasdan mo ako?" Clueless kong tanong na parang nagpabigla sa kanya. Umiwas siya ng tingin at bahagyang namula na ikinapagtaka ko.

"H-ha? Ah, nag-aalala lang ako. Para kasing . . . may problema ka." Hindi pa din nakatingin sa akin na sabi niya.

Sabi na eh. Malakas talaga ang pakiramdam ni Yuki. Nginitian ko na lang siya.

"Wala naman iyon. Ah nga pala Yuki. Pakisabi na lang sa iba na hindi ako makakasabay mag lunch mamaya. Kailangan ko kasing puntahan ang kuya ko."

Doon pa lang siya muling tumingin sa akin at nakangiting tumango.

Pagka dismissed ng klase ay tumayo na ako dala ang paper bag at lumabas ng klase. Tinawag nila ako pero hindi ko na sila nilingon. Si Yuki na ang bahalang magpaliwanag.

Hindi pa din mawala sa isip ko ang ginawa nila Nikka kaya balak ko silang kausapin. Gusto ko din sanang malaman mismo kay Altaire kung paano niya nalamang yun ang teddy bear ni Rina.

Tama nga ako. Nandito sila sa bench sa ilalim ng puno malapit sa may field. Lumapit ako sa kanila kaya napatingin sila sa akin.

"Tignan mo nga naman kung sinong nandito bff." Nakangising sabi ni Elha.

"Nawalan yata ako ng gana." Ismid naman na sabi ni Jhane at ibinaba ang kutsara.

Tumayo naman si Nikka at naka cross arms sa dibdib na humarap sa akin.

"Bakit ka nandito?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

"Makikiusap sana ako sa inyo. Pwede bang hayaan niyo na si Rina? Wala naman siyang ginagawa sa in--"

Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko at namalayan na lang na napaupo na ako sa damuhan at nabitawan ang paper bag. Maang akong nag-angat ng tingin sa kanila.

Ngayon ay nasa magkabilaan na niya sina Elha at Jhane.

"Tingin mo naman makikinig kami sayo?" Nakangising sabi ni Nikka. Pero hindi siya ang tumulak sa akin kundi si Elha.

"Bakit niyo ba ginagawa sa kanya 'yon? Tigilan niyo na si--" akmang sasabunutan na ako ni Nikka pero hindi pa din ako gumalaw.

Nakita ko na lang na may tumapik sa kamay niya kaya gulat siyang napa atras. Gulat din akong napatingin sa taong iyon.

"Siya 'yon bff." Dinig ko pang sabi ni Jhane.

"Pero bakit siya nandito?" Naguguluhan namang sabi ni Elha.

Hindi siya nagsalita at kinuha ang paper bag bago lumapit sa akin at hinawakan sa braso patayo.

Naglakad na siya at dahil hawak niya pa din ako ay wala akong nagawa kundi sumama. Nalungkot naman ako dahil hindi din pala mapapakiusapan sila Nikka.

Nang tumigil siya ay napayuko ako. Binitawan niya din ako at ibinalik ang paper bag.

"Anong ginawa mo?" Seryoso niyang tanong na parang nagde-damand ng maayos na paliwanag. Napabuntong hininga ako bago sumagot.

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now