CHAPTER TWENTY SEVEN

1K 44 0
                                    

Pinagmasdan ko silang lahat.

Mula kina Suzy at Rina na magkahawak ang kamay at may bahid pa ng luha sa gilid ng mga mata, kina Clint at Jonas na bakas ang hindi pagkapaniwala pero halata ang pag-aalala.

Nasa magkabilaan ko namang gilid sina Yuki at Altaire. Nasa ulo ko pa din ang kamay ni Yuki samantalang nasa aking pisngi pa din ang kay Altaire.

Sa kanila ang naramdaman ko noong nasa ibang lugar ako.

"Pinag-alala ko ba ka--" napakagat ako sa labi at hindi natapos ang gustong sabihin dahil sa pagkirot ng buo kong katawan.

Hindi nga pala iyon panaginip. Ibig sabihin . . . madami din akong sugat? Hindi na ako nagtataka kung ganoon ang ekspresyon nila Jonas.

"Anong nararamdaman mo?" Tumayo si Altaire para bigyan ng pwesto ang dalawang babae. Pinilit ko namang ngumiti sa kanila.

"Anong . . . hitsura ko?"

"Anong klaseng tanong iyan? Biglaan ka na lang nagkakasugat. Tinakot mo kame. Akala namin nakulam ka na."

"Sumakit lang ang ulo mo hindi ba? Ano bang nangyari sa iyo?" Muling umiyak ang dalawa kaya napabuntong hininga na lang ako. Kung kaya ko sanang gumalaw para ipakitang ayos lang ako.

"Gagamutin namin si Jessica. Doon muna kayo sa baba."

"Hah? Hindi ba dapat kami dahil kami ang babae?" Angal ni Suzy habang pinupunasan ang luhang nasa mukha.

"Huwag kayong mag-alala, magiging maayos na siya maya-maya lang." Hinila ni Yuki sina Suzy at Rina samantalang sumama na lang sina Clint at Jonas.

"Paano sila?" Mahinang tanong ko sa kanyang naiwan. Muli siyang lumapit at inalalayan akong maupo. Napapapikit ako kapag kumikirot ang mga sugat ko pero kailangan kong tiisin.

"Wala silang maaalala."

"Sinong gagawa noon?"

"Huwag mo muna iyong isipin. Kailangan mong gumaling agad." Napatingin ako sa kanyang kamay ng ipakita niya iyon sa akin.

"A-anong gagawin ko sa kamay mo?"

"Kapag ininom mo ang dugo ko, mabilis maghihilom ang mga sugat mo."

"H-ha?? Pero hindi ako bampira."

"Kailangan. Kapag muli silang umakyat para tignan ka, siguradong magdududa sila kapag ganyan ka nila makita dahil wala na silang naaalala."

Napatitig ako sa pulso niya. Kahit anong isipin ko . . . hindi ko kaya. Napayuko na lang ako.

"Pasensya na." Hindi ko talaga kaya.

"Kung ganoon patawarin mo ako." Napamaang ako sa sinabi niya. Para saa--

Nakita ko na lang ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang bibig. G-ginawa niya ba ang i-iniisip ko?

Umiling ako ng umiling. Hinde. Altaire hindi pwede.

"Please huwag mong gawin ito--"

"Huwag kang gagalaw." Nanlaki ang mga mata ko ng parang naging bato ang buo kong katawan at ni isang daliri ay hindi ko maigalaw.

A-anong . . . ginawa niya?

Sumampa siya sa kama at umupo sa harapan ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at dahan-dahang inilapit ang mukha sa akin.

Naramdaman ko na lang ang malambot na bagay na iyon sa aking labi. Hina . . . halikan niya ako.

Kasabay ng pagtakip ng isa niyang palad sa aking mga mata ang pagdaloy ng hindi ko magpaliwanag na lasa sa aking bibig. Ang dugo niya . . .

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now