CHAPTER SEVENTEEN

1.3K 62 0
                                    

"Salamat" h-huh?

"Para saan?"

"Dahil pumayag kang maging kaibigan nila. Ikaw pa lang ang pangalawa nilang kaibigan. Kahit isang araw mo pa lang silang nakilala, tinuring mo na silang kaibigan."

"Magaan ang loob ko sa kanila." Sagot ko pero hindi siya agad nagsalita.

"Hihingi sana ako ng pabor sa iyo."

"Pabor? Sige. Hangga't kaya ko."

"Kahit anong mangyare, huwag mo silang iiwan." Huwag ko silang . . . iwan? Ngumiti ako. Madali lang iyon. Tumango ako kaya ngumiti siya.

"Salamat. Pero bakit ang bilis mo silang pagkatiwalaan? Gusto ko lang malaman." Napaisip ako.

"Hindi ko din alam. Ganoon talaga ako eh. Kapag palagay ang loob ko sa isang tao o bampira man, gusto ko silang maging kaibigan."

"Kaya nga hindi mo ako tinigilan hindi ba?"

"H-ha?" Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya.

"Bakit nga pala . . . hindi mo na lang ako hinayaan?" Yumuko pa ako bago napangiti na lang at tumingin ng diretyo sa mga mata niya.

"Hindi ko din alam. Pakiramdam ko ay napakalungkot mo at kahit isipin ko lang iyon ay naiiyak na ako. Lalo pa ng makita ko iyon mismo sa mga mata mo. Ayoko na sanang . . . makita ang ganoong klasing lungkot sa mga mata mo kahit ke-"

Nahigit ko na lang ang hininga ng bigla na lang siyang napunta sa harapan ko at bigla akong yinakap. Napakurap kurap pa ako dahil sa bilis ng pangyayari.

"A-altaire? Ayos . . . ka lang ba?" Hindi siya sumagot at lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hinayaan ko na ang sariling yakapin din siya.

Ibinaon niya ang ulo sa aking balikat. Naramdaman ko na lang kanyang hininga sa aking leeg. H-hindi niya naman siguro . . .

Napahigpit ang yakap ko sa kanya ng maramdaman ang kanyang pangil doon. Mariin na lang akong napapikit.

"Ano bang meron sa dugo mo at hindi ko napipigilan ang sarili ko?"

Nagmulat ako ng lumayo siya ng kaunti para tignan ang mukha ko pero nakayakap pa din sa akin. Napatitig lang ako sa buong mukha niya at ganoon din siya.

Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko ng dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha sa akin at nakatingin na pala siya sa aking labi.

H-hahalikan niya ba ako?

Dahan-dahang lumapit ang labi niya papunta sa akin hanggang . . .

"Nandito na kame!"

. . . naramdaman kong nag-iisa na lang ako sa sofang inuupuan ko. Tigalgal pa akong tumingin kay Altaire na maayos na ang pagkakaupo sa katapat kong sofa kung nasaan siya kanina.

A-anong nangyayare . . . ?

"Master naman bakit niyo kami iniwan."

"Paano niyo nagawa sa amin iyon?"

Sunod-sunod na reklamo na ang nadinig ko pero parang wala pa din ako sa sarili. Ibig sabihin . . .

"Huh? Jessica? Ayos ka lang ba?"

Uminit ang magkabila kong pisngi ng marealize ang nangyari.

"Nako namumula ka. Ayos ka lang ba?"

"Bakit nga pala ganyan ang ayos ng mga kamay mo? May hawak ka ba kanina?"

Dahan-dahang kumuyom ang mga kamao ko na nakapusisyon pa din ng payakap. P-para akong tanga. At iniwan sa ere mag-isa!

Kusang gumalaw ang kamay ko sa pagkuha ng isang throw pillow at ibinato sa komportableng nakaupo sa tapat ko. Nagulat ang magpinsan sa ginawa ko pero hinayaan ko lang.

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now