CHAPTER TWENTY SIX

1K 46 0
                                    

Tahimik. Masyadong tahimik. Pero bakit parang hindi kama ang hinihigaan ko? Malamig din ang hangin na umiihip. Nasaan ba ako?

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ulap. Kulay asul na kalangitan ang bumungad sa akin. Anong--

Napabalikwas ako ng bangon at nanggigilalas na pinagmasdan ang paligid. Damo. Puro mga damo ang nasa paligid. Napakalawak na parang walang hangganan.

Pero may isang puno sa hindi kalayuan. Ang nag-iisang puno. Nasa itaas ba ako ng bundok? Ang alam ko ay nasa beach kami.

Nawalan ako ng malay at . . . nag-aaway sina Yuki at Altaire! P-papano ako napunta dito? Hindi kaya . . . yung babaeng nakita ko bago sumakit ang ulo ko?

Sino ba siya?

Tumayo ako at kinurot ang sarili. Aray. Bakit nasasaktan ako? Hindi ito panaginip? Pero-- wala akong natatandaan na napunta ako sa ibang lugar.

"Hinihintay kita."

Ang boses na naman iyon. Teka . . . kelan pa nagkaroon ng tao sa ilalim ng nag-iisang puno? Mahaba ang buhok . . . siya iyon!

Tumakbo ako papunta sa kanya at tumigil ng may sapat na distansya. Ganitong-ganito ang suot niya kanina. Walang dudang isa siyang bampira.

"Sino ka?"

Humarap siya sa akin at mas malinaw kong nakita ang kanyang pulang mga mata. Pero . . . parang pamilyar ang mukha niya. Mas bata ang kanyang mukha sa akin. Siya ba si . . . ?

"Euricca?" Kumunot ang noo niya at yumuko kaya hindi ko na ulit nakikita ang mga mata niya. "Tama ako hindi ba? Ikaw ba si . . . Euricca?"

"Anong karapatan mong banggitin ang aking pangalan?" Ang boses niya.

"Hindi ka pa naman siguro . . . nagbabago hindi ba?" Huwag naman sana.

"Ikaw ang pumipigil sa lahat. Bakit mo ginagawa ito? Anong kailangan mo?" A-ano? Ako?

"Pero, wala naman akong ginagawa." Halos bulong na lang pagkakasabi ko sa hulihan. Bakit . . . ako?

"Linason mo ang isipan niya. Pakawalan mo siya."

"Ano bang mga sinasabi mo? Hindi ko maintindihan. Pakiusap linawin mo. Wala akong--"

Naputol ang iba ko pang sasabihin nang mahigpit niyang tinakpan ang bibig ko. Napahawak naman ako sa kamay niya. M-masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Ang mga mabababang uring kagaya niyo ay dapat binubura sa mundo. Wala kayong maidudulot na maganda sa amin."

Pero . . . hindi ko maintindihan. Pinilit kong alisin ang kamay niya para makapagsalita pero hindi ko kaya.

"Pakawalan mo ang kapatid ko. Huwag mong pigilan ang mahal kong kapatid! Ang kuya kong si Rendell, ay hindi nababagay sa mga kagaya niyo."

Nag-iinit na ang mga mata ko pero pinipigilan ko pa ding lumabas ang mga luha ko. Naiinis ako sa sitwasyon ko. Bakit ba wala akong magawa?!

Bahala na. Binitawan ko ang kamay niya at pinilit lumapit sa kanya. Nakahakbang ako ng dalawa, sapat para maabot ko siya at mahablot ang sombrero niya.

Lumuwang ang hawak niya sa akin kaya nakaya ko iyong alisin at agad umatras hawak pa din ang sombrero niya. Gusto kong makita ulit. Ang kanyang mga mata.

Dahan-dahan niyang inangat ang mukha pero natigilan ako ng mapagmasdan iyon. Bakit?

"Pakiusap. Iligtas mo siya." Umiiyak siya . . .

"Saan . . . " mababa ang boses na tanong ko.

"Pakiusap. Ang kuya ko. Tulungan mo siya." Napakalungkot ng mga mata niya. Hindi ko na din napigilan ang luha ko kaya naramdaman ko na lang na dumaloy ang mga iyon sa magkabila kong pisngi.

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now