CHAPTER TWENTY ONE

1.2K 48 0
                                    

"Anong relasyon mo sa kapatid ko?" Muli siyang lumakad paikot sa akin na kanina niya pa ginagawa. Gusto kong tumayo pero hindi ko alam kung bakit parang napaka hina ng tuhod ko at hindi ko kaya.

"Kaibigan niya ako." Kaya sinasagot ko na lang ang mga maliit na detalyeng tinatanong niya. Pero kanina pa ako nag-aalala.

Tapos na ang lunch break kaya siguradong nagsisimula na naman ang klase. Mahahalata nilang nawawala ako kapag tinanong nila si Altaire. Pero kase . . . basang basa na ako sa ulan.

At ikinapagtataka ko kung bakit ang lalaking ito na nagpakilalang kapatid ni Altaire ay hindi man lang nababasa. Iniiwasan ba siya ng ulan? Huwag mong sabihing may kapangyarihan siya?

Imposible. Pero hindi din. Kung totoo ang mga bampira, ibig sabihin totoo din ang magic?!

"Talaga? Hindi ako naniniwala."

"Sana hindi ka na nagtanong kung hindi ka din maniniwala." May pagkakahawig talaga ang ugali ng mga bampira at mga tao.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman sasabihin sa kapatid ko na sinabi mo ang totoo. Wala bang . . . namamagitan sa inyo?"

"S-sinabi ng wala! Pwede mo na ba akong tulungang tumayo? Kanina pa ako nilalamig dito. Please?" Ikiniling niya ang ulo at kunot noong tumitig sa akin.

"Nakikiusap ka ba? Pasensya na pero malapit ng magsimula ang palabas at ikaw ang susi kaya mamaya ka na tumayo."

Huh? Ano bang meron sa playful personality ng bampirang ito? Hindi ko alam pero may pakiramdam talaga akong kapatid siya ni Altaire. Pero anong sinasabi niyang palabas?

Hindi niya naman siguro ako . . . gagamitin laban kay Altaire?!

"Ibalik mo na ako pakiusap. M-may klase pa kasi ako-"

"Shh. Malapit na siyang dumating." Nakaturong sabi niya sa akin. Si Altaire ba ang sinasabi niya? Baki-

Nahigit ko ang hininga ng kusa na lang gumalaw ang mga kamay ko at napunta sa aking likod na parang may nakatali sa ang mga iyon. Nagdikit din ang mga paa ko at ganoon din ang nangyari. Bumigat na lang ang katawan ko kaya bumagsak ako sa putikang lupa.

Matalim ko siyang tinignan na ikinatawa niya. Sigurado na ako. Ito ang kapangyarihan niya.

"Iyan ang nagustuhan ko sa mga tao. Nagagawa nilang lumaban ng tingin kahit wala naman talaga silang kalaban laban."

"Anong kailangan mo kay Altaire?" Seryosong tanong ko. Muli siyang umupo at inalis ang buhok kong nasa mukha ko na.

"Babala. Kailangan niya ng babala." Bigla na lang akong kinabahan sa sinabi niya.

"Kapatid mo siya diba? Hindi mo naman siguro siya-"

"Para sa kaalaman mo wala akong interes sa trono ng ama kong hari. Isa iyong malaking responsibilidad at iyon ang pinaka ayaw ko."

"Anong klasing babala ang ibig mong sabihin?"

Hindi siya nagsalita at tumayo na. Muli niyang itinuro ang kanyang kamay sa akin. Hindi kaya . . . nagagawa niyang magpagalaw ng mga bagay? Gamit ang . . . kamay niya?

"A-anong gagawin mo?" Ngumisi lang siya na ikinalaki ng mga mata ko. Pero nagulat na lang ako ng bigla siyang tumalon paatras.

Doon may lumitaw na tao sa harapan ko na parang napakabilis ng takbo. Tumilamsik pa ang maduming tubig dahil sa biglaang paghinto niya.

Nandito na siya . . .

"Anong ginagawa mo dito Kianzen?" Bakas ang kaseryosohan sa boses niya. Umayos din siya ng tayo habang kuyom ang dalawang kamao.

My Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon