CHAPTER TWO

2.4K 98 1
                                    


"Hindi ko nga din maintindihan eh. Hindi man lang niya ako kinausap o kahit sino sa klase na kumausap sa kanya." Bakas sa boses ni Rina ang lungkot.

"Tch. Ang sabihin mo ni hindi siya nagsalita." Natatawa namang sabi ni Clint. Dahil doon ay masamang tingin ang natanggap niya kay Rina.

"Teka nga Rina, ibig bang sabihin nito crush mo si Altaire?" May halong panunukso ang boses ni Suzy. Namula si Rina at hindi sumagot.

"Ano bang masama kung magkagusto nga si Rina kay Altaire? Lahat naman nagkakaroon ng crush." Pagtatanggol naman ni Jonas.

"Inspirasyon lang naman ang crush."

"Yup. Yuki's right. May crush na si Rina at katabi niya pa."

Napatawa na lang ako ng nagkantyawan na sila dahil sa sinabi ni Suzy. Pauwi na kami at tama sila.

Wala ni isang kinausap si Altaire sa klase kahit maraming sumubok. Well, kasama ako to be honest. Nung lunch lang naman. Hindi ko na siya kinausap ulit.

Pakiramdam ko kasi ay gusto niya ng katahimikan. Na hindi niya makukuha lalo na sa school at dagdag pang nasa junior first class siya. Maiingay kasi halos lahat ang mga kaklase ko. Kaya nga masaya ang room namin.

"Dito na ako guys. Ingat kayo." Kumaway ako sa kanila ng nasa kanto na ako papunta sa amin.

"Ingat Jess." Nakangiting paalam ni Yuki kaya tumango ako ng nakangiti bago tumalikod at naglakad na pauwi.

Ano kayang lulutuin ko? Mas masarap bang may sabaw o prito na lang basta may sawsawan? Paborito ni kuya ang pinakbet. Sana may gulay pa sa ref. Huh?

Napatingala ako sa langit ng makitang dumidilim. Uulan ba? Nako sandali lang naman. Agad kong binuksan ang bag ko at kinuha ang payong sa loob.

Nagsimula ng pumatak ang ulan kaya dali-dali kong binuksan ang payong. Hooh. Buti na lang hindi ko inaalis ang payong ko sa bag. Girl scout! Yey.

Muli akong naglakad at mas lumakas ang ulan. Mabuti na lang hindi mahangin kaya hindi ako nababasa.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong lalaki sa ilalim ng isang puno at nagpupunas.

Baka kilala ko o kaya taga sa amin. Maisabay na lang. Lumapit ako sa kanya pero natigilan ng makilala siya.

Anong . . . ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?

"Altaire?" Patanong na tawag ko. Nag-angat siya ng mukha at tumingin sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Taga saan ka?"

Tumaas ang kamay niya at may itinuro. Sinundan ko iyon ng tingin. Sa direksyon ng bahay namin. Teka . . .

"Taga dito ka din?" Hindi makapaniwala kong tanong. Pero kilala ko lahat ng kapit bahay namin, maliban sa . . .

"Ah! Kayo yung bagong lipat sa malaking bahay sa dulo?" Turo ko pa sa kanya. Napangiti ako. "Malapit ka lang pala sa amin. Halika makisilong ka na sa payong ko." Nakangiting anyaya ko.

Gaya ng dati ay hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin.

"Wala namang masama kung magsasalita ka diba?" Mahinang tanong ko. "Mababasa ka lalo kapag nagtagal ka pa diyan. Pwede kang magkasakit."

"Mababasa ka." Nagsalita siya! Kinausap niya ako. Masaya akong ngumiti sa kanya.

"Salamat naman kinausap mo din ako. Mas basa ka kaya halika na. Malapit na ang sa amin."

"Mas gugustuhin mong mabasa para lang matulungan ako?" Bakit ba pakiramdam ko walang emosyon ang boses niya? O masyado lang talagang seryoso ang mukha niya? Di bale.

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now