CHAPTER FIVE

2K 86 0
                                    


"Ibig sabihin kaya ka nagtagal ay hinanap mo iyan?" Tanong ni Clint.

"Akala namin hinanap mo si Altaire." Nag-aayos ng polong sabi ni Jonas.

"Totoo iyon, hinanap ko talaga siya. Pero hindi ko siya nakita."

"Kung ganoon paano napunta sayo ang teddy bear?" Takang tanong ni Suzy.

"Hindi ko nakita si Altaire, pero nakita niya ako."

"At sinasabi mo bang . . . " nakangiti akong tumango kay Suzy.

"Oo. Siya ang nagbigay niyan sa akin." Baling ko sa teddy bear na yakap-yakap ni Rina.

"Saan niya kaya iyan nakita?" Tanong ni Yuki na nasa teddy bear ang tingin.

"Hindi ko din alam." Iyon lang ang naisagot ko. "Pero teka, anong nangyari sa inyo?" Baling ko sa dalawang may sugat.

"Hindi pa ba obvious? Nagsuntukan sila." Naiinis na sabi ni Suzy.

"Hah?! Bakit?"

"Nagalit si Jonas dahil sa sinabi ni Clint kay Altaire at sayo. Napikon din si Clint kaya wala na kaming nagawa." Paliwanag ni Yuki.

"Ayos na din naman kami." Nakangiting sabi ni Jonas at tumango naman si Clint.

"Sandali lang . . . oras pa ba ng lunch?" Takang tanong ni Rina.

Nanlaki ang mga mata namin. Oo nga pala . . . lunch-

"Late na tayo sa klase!" Sigaw ni Jonas kaya nataranta kaming lahat. Kanya-kanya ng kuha ng mga baunan na wala ni isa ang nagalaw at nagmamadaling tumakbo.

Lagot ako kay kuya nito. Pagagalitan niya ako . . .

*******

"Mauna na ako!" Paalam ko sa kanila at sumakay na ng bus. Kumaway pa sila sa akin ng nagsimula ng umandar ang bus.

Ilang minuto lang ang nagdaan ay bumaba na din ako sa tapat ng supermarket.

Bago ako pumasok ay tinignan ko muna ang laman ng wallet ko. Ayos, kasya ito.

Nakangiti akong pumasok at binati pa ang guard. Nakalista na din naman ang mga kailangan kong bilhin kaya madali na lang ito.

Mabilis nga akong natapos sa pamimili. Nasa labas na ako ng supermarket at isa na lang ang pinuproblema ko.

Paano ko bibitbitin ang lahat ng ito? Isang may kalakihang brown paper bag at tatlong plastic bag.

Laglag ang balikat akong napabuntong hininga.

Eh kung tawagin ko kaya si kuya? Siguradong nakauwi na siya dahil siya ang magluluto.

Binuksan ko ang bag ko para kunin ang cellphone ko pero bigla na lang may bumangga sa akin sa likod kaya hindi ko naiwasang ma out of balance.

Mabuti na lang at may humawak sa magkabila kong balikat kaya napigilan ang pagbagsak ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Agad akong yumuko sa taong iyon at nagpasalamat.

Nang mag-angat ako ng mukha ay napakurap ako ng ilang beses.

"Altaire . . ." gulat kong bigkas ng pangalan niya. Hindi niya ako sinagot at napunta ang tingin niya sa mga pinamili ko.

"Ah, oo akin nga ang mga iyan. Nakalimutan kong ipa-plastic lahat kaya 'yan tuloy hindi ko alam paano ko bubuhatin." Nahihiya kong paliwanag.

"Hintayin mo'ko." Sabi niya at pumasok sa supermarket. Anong bibilhin niya? Sasabay ba siya sa akin?

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now