CHAPTER EIGHT

1.6K 81 0
                                    

Ilang beses akong muntikang natumba pero nakakakapit naman ako agad kaya ayos lang.

Habang tumatagal akong naglalakad ay lalong sumasakit ang kaliwang binti ko.

Pero nakahinga ako ng maluwag ng ilang hakbang na lang ay makikita ko na ang field. Mas binilisan ko pa ang lakad kahit paika-ika. Nasanay na din naman ako sa kirot.

Paikot na ako ng biglang may bigla ding paikot na papunta naman sa direksyon ko.

Nagawa kong ihakbang ang kaliwang paa ko paatras para sana maiwasan siya pero bumigay iyon kaya napasandal na lang ako sa pader at dumausdos pababa.

Mariin akong napapikit at ikinuyom ang dalawang kamao para pigilan ang sakit na dulot ng kirot.

Doon ko lang napansin na pinigilan ko pala ang hininga ko. Tuloy ay naghahabol ako ng hininga ng magmulat ako ng mata.

May umupo sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Napasinghap na lang ako ng makilala siya. Agad akong yumuko at napakagat sa labi.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin dahil na din sa kaba. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad dahil sa nangyare.

"K-kasalanan ko." Ang tanging lumabas sa bibig ko. Nahihiya ako sa pakikialam ko sa kanya. Sana hindi siya sinukuan ng klase kung hindi ko ginawa iyon.

"May sugat ka." Maang ko siyang nilingon bago napunta sa sariling sugat ang tingin.

Napasinghap ako ng makitang pulang-pula na ang bandage. Ganoon na pala kadaming dugo ang lumabas.

Simpleng sugat lang iyon pero dahil bagong gamot at inabuso ko ng lakad ay nagdugo ng nagdugo.

"May bato lang na bumaon sa- Altaire? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko.

Nakapikit kasi siya at kunot na kunot ang noo. Hindi kaya masakit ang ulo niya? Muli naman siyang nagmulat at tinitigan ang sugat ko.

"Masakit ba ang ulo mo?" Muling pagtatanong ko. Tumayo lang siya at umiwas ng tingin.

"Kailangan mo ng bumalik sa clinic para magamot ang sugat mo." Sabi niya at linampasan na ako.

"Pero kailangan ko pa ding hanapin si- ah!" Muli lang akong napaupo ng sinubukan kong tumayo. Kailangan kong tumayo. Muli kong sinubukan pero muli din akong napaupo.

"Bakit naman ngayon pa?" Hindi ko naiwasang bulong. Nakaya ko namang maglakad hanggang dito. Malapit na ako sa field. Hindi pwedeng hindi ko makausap si Yuki.

Uminit ang gilid ng mata ko kaya tumingala ako. Doon ko napansin na tumigil pala si Altaire at ngayon ay nakatingin sa akin.

"N-nandito ka pa pala." Nahihiya kong muling ibinaba ang mukha. Nakita niya ang pagbagsak ko at yung muntikan ko ng pag-iyak?

"Sino ba?" Gulat akong lumingon sa kanya pero wala namang ekspresyon ang mukha niya. Hindi na ba siya galit sa akin?

"S-sinong . . . ano?" Anong tinatanong niya? Hindi ko maintindihan.

"Sino ang hinahanap mo?" Ah, iyon pala. Yumuko ako at napakagat sa labi.

"Si Yuki." Mahinang sagot ko.

Hindi na siya nagsalita kaya hindi ko na din sinubukan.

"Sakay." H-hah?! Nakaupo na siya ngayon patalikod sa akin. Ibig ba niyang sabihin ay isasakay niya ako sa likod niya?

"H-hindi naman kailangan." Todo tanggi kong sabi habang umiiling. "Konting pahinga lang at makakalakad na ako ulit."

"Sakay." Nakanguso ko siyang tinignan kahit na hindi niya ako nakikita. Pinakinggan niya man lang ba ako? Parang hin-

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now